Nag-usap pa kami ni Yuri tungkol doon. Nagbihis ako nang mahimasmasan siya at nang gumabi na ay kumuha kami ng pagkain para sa aming apat nila Clever at Jin. Nandoon lang daw silang dalawa dahil hindi ligtas para sakanila na gumala-gala dito.
Hinatiran ko muna si Bryan ng pagkain niya bago kami dumiretso sa laboratory ni Yuri. Meron doong mga couch at hindi naman kami makalat kaya ayos lang daw aniya. Tsaka medyo malayo ang couch na iyon sa mga equipments at materials doon.
Hinanda namin ang mga pagkain sa coffee table na nasa gitna ng magkaharap na couch. Nagulat pa si Jin sa presensya ko pero tumulong din sa amin. Ganoon din si Clever pero tahimik lang na tumitingin.
Jin is all smiles while Clever is in his serious mode. Ni hindi man lang ngumingiti.
"Hi Pristine! Buti nakasama ka namin ngayon? Okay ka na?"
Ngumiti din ako. "I'm okay."
Ang magkatabi ay sila ni Clever habang kami naman ni Yuri sa harap nila. Si Jin ang nagbibigay ng topic kaya kahit papaano ay hindi naging malamya ang dinner namin. Palabiro rin pala siya, akala ko masungit noong una.
"Gusto ko ng ganito, ang init kasi eh! Kaya ganito," she said, pertaining to her head.
"Hindi ka ba nanghinayang? Sayang yung buhok mo," tanong naman ni Yuri.
"No. Mas gusto ko ng ganito. Presko!" At saka siya tumawa.
Ako naman ang nagtanong. "What about your tattoo?"
Tinignan nga niya iyong tattoo niya na nasa kanang braso niya. Napansin ko rin na naghilom na ang mga sugat niya, natanggal na ang bala. Pati na ang sa binti niya. Siguro ay inasikaso na nga siya ni Yuri.
Iniharap niya iyon sa akin kaya doon ko mas nakita. It's a zombie girl, na may belo, at nakahawak sa maliit na lapida sa ibaba niya. Maganda ang pagkakalagay pati na ang kulay.
"I'm into zombies, you know. Nanonood ako lagi ng zombie movies. World War Z, Zombie Apocalypse, Train to Busan, and so on. Hindi ko alam, magkakatotoo pala! At naging isa pa ako doon! Buti na lang talaga..."
Nagkatinginan kami ni Yuri na tahimik na lang na kumakain. Si Clever naman ay hindi rin nagsasalita pero alam mong nakikinig naman sa usapan.
I wonder if they knew about what my father's plan? Or, kilala kaya nila ito?
"Are your wounds totally okay?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Yeah. Dinala ako nila Yuri sa itaas, at gaya nga ng sinabi niya, hindi na ako masyado pang inusisa ng mga doktor doon at ginamot na agad."
"Pero naroon ako habang tinatanggal ang bala sakanya," sabat ni Yuri.
"Oo, nandoon siya sa loob tapos sa labas naman ni Clever, nagbabantay."
Nagtaka ako. "Bakit ka nasa loob, Yuri?"
"Kung wala ako roon, malamang ay may iba pang gagawin ang mga 'yon. Kaedad lang natin sila at hindi pa kilala. Malay natin, isa pa lang spy ng scientist iyong isa roon at pinag-aralan pa si Jin, eh 'di lagot tayo," mahabang sabi niya.
"You have a point. Pero baka hindi naman sila gano'n. I've never been there at hindi ko talaga alam na meron palang ganoon dito. But I'm sure, hindi na nila gagawin 'yon."
Nagkatinginan kami ni Yuri dahil sa sinabi ko.
"I know my co-scientist. Tulad natin, they're eager to know and find an antidote. Mas marami silang nalalaman dito kesa sa atin, Tine. At alam mo 'yan," may diin niyang sabi.
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Si Clever naman ang kinulit ni Jin kaya nakisama na rin kami. Mukhang walang balak ipaalam si Yuri tungkol sa aksidente naming pagkakapunta ka dito kaya hindi na rin ako magsasalita pa tungkol doon.
BINABASA MO ANG
Operation: Last Suicide
FantascienzaIt all started when Pristine and her best friend, Yuri came to an old and abandoned laboratory to find an answer for their so called "own research". Dahil sa kagustuhan na makagawa ng antidote ng isang nasabing virus ay pinili nilang puntahan ang si...