Survival #17: Miss

69 4 1
                                    

Kung nung una, medyo nagdadalawang isip pa ako kung pagdududahan ko pa si papa o hindi. Ngayon, lamang na ang pagdududa ko sakanya. I don't know why is this letter is with him. At bakit nasa isang tagong kwarto pa?

Tinatago niya ito, iyon ang totoo. Pero bakit? Anong dahilan niya bakit niya itatago ang bagay na 'to?

Biglang may tumunog na alarm. Kinuha ko agad ang letter na iyon pati na ang papel na nakuha sa pang-unang drawer. Lumabas agad ako doon at saktong sumara din ang bumalik sa dating pwesto ang shelf.

Lumabas ako sa library at saktong papunta na din sa akin si Yuri. May hawak siyang kung ano at agad na hinila ang kamay ko palabas. Nagmamadali kaming lumabas doon sa kwarto ni papa at kumaripas ng takbo habang patuloy sa pagtunog ang alarm.

Huminto lang kami nang nakalabas na kami sa hallway at nagtago sa likod ng pader nang namataan namin si papa na paparating. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Hinihingal din ako dahil sa ginawa naming pagtakbo.

"That was close," nakapikit na sabi ni Yuri habang naghahabol ng hininga.

Sinilip ko sa hallway si papa pero wala na siya roon, marahil nasa headquarters na ng mga sundalo patungo sa kwarto niya. Sumandal ako sa pader para magpahinga ng konti. Tinignan ko ang mga papel na hawak ko.

"Ano 'yan?'' Tanong ni Yuri sa tabi ko.

Hinabol ko pa saglit ang hininga ko bago nagsalita.

"Ang isa ay letter, ang isa naman ay parang information slip ng isang pasyente," sagot ko.

"Patingin," sabi niya sabay subok na abutin ang hawak ko.

Iniwas ko iyon. "Sa laboratory mo na. Baka mahuli pa tayo dito ni papa."

Hinila ko siya paalis roon. Medyo lumiliwanag na ang paligid dahil sa mga ilaw na nasa mataas na ceiling na isa isang nag-switch. Mayroon na ring mga kaunting tao na gising. Sabay kaming yumuko para hindi kami mahalata.

Sa bilis ng lakad namin ay mabilis naming narating ang lab niya. Tinignan pa muna ni Yuri kung may mga nakikita ba sa 'min at nang masiguro niyang wala ay tuluyan na kaming pumasok sa loob.

Inilapag niya ang hawak niyang folder sa isang bakanteng lamesa. Tumingin siya sa akin at sinenyasan na ilapag na rin ang mga dala ko. Iyon nga ang ginawa ko, itinabi ko sa puting folder ang dalawang papel na hawak ko. Sabay namin iyong tinignan.

"Ano 'tong mga 'to?" Sabay kuha niya sa dalawang papel.

"Ingatan mo 'yong isa, 'yang may pagka-brown na. Baka mapunit," sabi ko habang sinisimulan na niya iyong basahin.

Ako naman ay kinuha din ang folder at binuksan iyon. Nahulog sa sahig ang iba't ibang litrato. Yumuko ako at kinuha ang mga iyon. Inilatag ko isa isa ang iyon sa lamesa at nagulat sa nakita.

"The hell?!/ Damn it!" Sabay naming sigaw ni Yuri. Nagkatinginan kami.

"Mabuti at kinuha mo 'to. I'm sure this is Hedrick's letter to Pauline! My gosh! Ang galing mo Tine!"

Ako naman ang nagsalita. "Ano 'tong mga 'to? Bakit puro pictures ng duguan na aso? Mga sugat? At mga duguang damit?"

Lumapit siya sa akin at kumuha ng isang litrato. Ipinakita niya iyon sa akin, picture ng tinutukoy kong duguan na aso. Ang bibig ay punong-puno ng dugo at ang mata ay kulay puti.

"This one is the first dog who got infected. Dito itinurok ni Pauline ang ginawa niya at pumalpak," pagpapaliwanag niya.

Tumaas ang kilay ko. "Paano ka nakakasiguro?"

"Sigurado akong iyan 'yon! Itong letter na 'to ay letter ni Hedrick bago sila mamatay! Then this picture, kasama nitong letter na 'to!"

"Pero sinunog ang laboratory nila! P-Paanong hindi ito nasama?"

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon