Survival #8: Commands

92 8 0
                                    

Bago pa ako tuluyang makabalik sa sarili ay may dalawang babae na hindi ko kilala ang lumapit sa akin. Dinala nila ako sa sinasabi nilang kwarto ko at doon ay iniwan. Nang makalabas sila ay doon pa lang ako natauhan. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto.

Just like Marco's room, mine is also huge and wide. Parehong may mini living room. Only that, mine is plain black and it has a balcony. The curtains of it's window is color gray and the curtain on the sliding door through the balcony. Seriously, black lahat?

Even the carpet on the floor! Black! The cabinets, the shelves, and even the sofa! Maganda siya, actually it's my favorite color, pero grabe naman 'to! The future me really loves black na halos ang kabuuan ng kwarto ay itim!

The high ceiling of the room is black, and there's a chandelier hanging on it. May mga painting ko na nasa pader. One when I was twelve, and then the future me in a full gear. Ibang iba ako roon kumpara sa picture ko na katabi. I look... strange.

There's a white door on the side at nang pumasok ako ay banyo iyon. The walls and flooring is marble. May salamin na dingding para sa shower and beside it is the gold tub. May nakasabit ding towel malapit sa sink.

Tinanggal ko ang lahat ng nakasuot sa akin at naligo. Nagbabad ako sa tub na nandoon, dahil may mga dugo pa sa ibang parts ng katawan ko. At nang lumabas ay pumasok sa walk in closet na katabi lamang ng banyo.

Maayos naman ang mga damit na nandito. Lahat iyon ay pasok sa panlasa ko. Thumbs up para sa future ako dahil hindi niya ako binigo sa parteng ito. Mga shirts na paborito ko, at iba pa.

Pinili ko ang itim na T-shirt at ang rugged pants na kapareho noong kanina. Nagsuot din ako ng itim na boots dahil halos ganoon ang nandito. Nilugay ko lang ang puti kong buhok dahil medyo mahaba na rin. I looked at my face in the mirror.

Halos ganoon pa rin naman ang mukha ko, nag-mature lang. The pointed nose, pink lips, blue eyes, brows, and all. Only that, may napansin akong mga galos sa pisngi. And on my left brow, parang nahati sa gitna dahil may sugat doon na natuyo.

The slanting line on it looks like scar. Nang tinignan ko ng malapitan ay peklat nga. Am I really that good now? Na kinakaya kong labanan ang kung ano man ang nasa labas? Kinabahan ako.

Heto na ba? The virus we are search about? Kung ganoon, totoo nga? At hindi pa napigilan pa ang pagkalat? Did the future me and future Yuri didn't succeed on the research they're doing?

Ano ang nangyari at bakit nagka-ganito? Wala bang nagawa man lang ang magulang ni Yuri o ang iba pang scientists? Hanggang ngayon ba, wala pa ring antidote na nahahanap?

At paano... paano nga ba kumalat?

Napapikit ako. Bakit ba kasi kami napunta dito?! I should blame Yuri. Pero alam kong, hindi naman niya alam na dito kami hahantong. So, what now? Kung ang future ako ang inaasahan dito, paano na?  Gayong hindi ako singgaling na?

Paano kung mapahamak ko ang mga taong nandito? Sa sinabi pa lang ni papa, na ako lang ang nakakauwi sa lahat ng mga kasama kong lumalabas. Doon pa lang, alam kong ibang lakas ang taglay ng future ako. Paano na ngayon?

Ngayon na pistol lang alam ko gamitin? Na ilang metro lang at hindi ko pa matira? Ngayon na hindi ko alam kung ano ang nasa labas? At kung paano sila lalabanan?

Napahilamos ako sa mukha ko. I am doomed. Kung bakit ba kasi? Paano ba kami makakabalik?

"Miss?"

Napatuwid ako ng tayo at napatingin sa pinto. Boses ng babae ang narinig ko. Kumakatok siya at hindi pa man ako nagsasalita ay bumukas na ang pinto. Sumungaw siya doon at nang nakita ako ay ngumiti.

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon