Days passed like a whirlwind. Maswerte kami ni Yuri at wala namang sinasabi si papa sa tuwing nagkikita kami o nagkakasalubong. Sa tuwing ipinapatawag naman ay purong tungkol sa misyon lang. And every time we'll meet, lagi'y naroon si Marco.
Yuri and I didn't stop from searching and knowing the deep untold secrets of Pauline. At ang mga sagot kung bakit na kay papa ang mga nahanap namin. Pero minsan ay may kanya-kanya kaming gawain kaya naantala ang pagre-research namin.
May nahanap na lead si Yuri na nasa ibang bansa daw ang anak ni Hedrick. Hinanap niya kasi ang mga kamag-anak nito at doon ang itinuturong lugar sa internet. Pero sa anak ni Pauline, wala pa kaming nahahanap.
Na-rescue na rin namin ang mga survivors na pinuntahan namin noong mga nakaraang araw. Siyempre, kasama ako at sila Marco. Hindi ko alam kung ngayon lang ba o hindi pero, laking pasasalamat ko at walang nabawas sa amin. Nadagdagan pa kami sa aming pagbabalik.
Naging kumportable na rin ako sa tuwing makikisabay kami ni Yuri sa mga lalaki tuwing kakain. Natanong ko rin si Papa at kuya Theo isang araw kung saan sila kumakain at sinong kasabay nila. Ang sagot nila ay ang mga kapwa nila sundalo. Isa na roon si Marco.
Minsan din pala, kapag sa mga maliliit na misyon lang ay hindi na ako isinasama. Palaging umaalis sila kuya at Marco para sa mga pangangailangan dito sa loob. Sinabi din ni papa na si Marco na mismo ang may sabi na kahit hindi na muna ako kasama sakanila.
Naging abala si Yuri sa sumunod na araw. May pagpupulong sila ng mga kapwa scientists niya. Ako naman ay sa barrels area lang naglalagi dahil wala din naman akong misyon. Minsan ay nasasaktuhan pa doon si Marco at nag-uusap ng kaunti.
"Ano namang kailangan niyong gawin sa labas ngayong araw?"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. It's been three consecutive days since our last talk. At noong mission ko pa 'yon! I badly wanna talk to do him right now. But sadly, he's kind of busy so... kahit konti lang na pag-uusap will do.
"Food supplies," he simply answered while putting a white bandage into his arms.
Wala namang sugat iyon kaya siguro bilang protekta na rin. Ilang hakbang ang layo niya sa akin at kita ko ang hirap niya sa ginagawa. Inilapag ko ang baril na hawak at lumapit sakanya para tulungan siya roon.
I felt him moved because of what I did. Kinuha ko sa kamay niya ang bandage at ako na ang nagsuot no'n sakanya. Habang ginagawa iyon ay ramdam ko ang titig niya sa akin. Pansin ko rin, nitong mga nakaraang araw ay parang iniiwasan niya akong kausapin.
Maybe because he can feel my uneasiness? Hindi pa naman kasi ako masyadong komportable sakanya. Hindi ko pa alam ang tunay na meron sa amin. Ilang araw pa lang naman kami dito ni Yuri. How will I know? Lalo pa't wala naman siyang sinasabi sa akin tungkol doon.
"Kamusta kahapon? Nahirapan ba kayo?" Pagsisimula ko ng tanong nang hindi tumitingin sakanya.
Sinasadya kong bagalan ang ginagawa ko para mas matagal ko pa siyang makausap. I don't know what's gotten into me. Basta gusto ko na talaga siyang makausap o makasama man lang. I don't like him, that's for sure. I just really want to be with him.
"It went well. Ikaw? What did you do the whole day?"
Sumagot ako nang hindi pa rin nag-aangat ng tingin sakanya.
"I'm with your sister the whole day. Tumambay ako sa laboratory niya, tapos kasama ko yung aso. H-Hinintay kita na puntahan ako pero... a-alam ko namang abala ka kaya, h-hindi na lang ulit ako maghihintay."
It's true. Hindi nga lang kahapon eh, kundi noong mga nakaraang araw pa. He knows my room and he'd been there once. Akala ko mauulit pa iyon kaya naghintay ako. Pero wala naman. Dahil busy naman kasi siya kaya...
BINABASA MO ANG
Operation: Last Suicide
Science FictionIt all started when Pristine and her best friend, Yuri came to an old and abandoned laboratory to find an answer for their so called "own research". Dahil sa kagustuhan na makagawa ng antidote ng isang nasabing virus ay pinili nilang puntahan ang si...