Survival #19: Sidekick

86 6 2
                                    

This place never fails me. Kahit pa kaya kong puntahan ito ng ako lang ay ang hindi naman sumasang-ayon ang schedule ko. Plus the fact that I want to go here with him. Basta, pakiramdam ko 'pag siya kasama ko dito mas gumaganda pa yung paligid dito.

The sky didn't change. It looks sorrowful and sad. Madilim at tila nagbabadya na naman ang ulam. Maitim ang mga nagkakapalang ulap. Wala man lang ibon na lumilipad sa himpapawid. Kung meron man ay puro uwak lang.

Some plants are now flowering. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon kahit pa wala man lang araw. There are five rows of each different plants here and there's a bench in the far side. Doon siguro umuupo ang mga pumupunta rito.

Doon kami dumiretso sa bench. Nang makaupo kami ay nililibot ko ang paningin ko buong lugar at binubusog ang mga mata sa mga magagandang bulaklak.

"You always come here to water them but, these past few days, you aren't... so... sa tuwing may libreng oras ako ay ako na lang ang gumagawa dahil baka abala ka na masyado," he said breaking the silence.

Napatingin ako sakanya dahil hindi ko alam 'yon. Naalala ko ngang sinabi niya noon na ako daw ang may gusto na magkaroon nito dito. Hindi naman ako ang future version ng sarili ko kaya hindi ko alam 'yon.

I suddenly wonder, how we ended up like this? Kung ibabase ko sa mga galaw niya ngayon at kahit pa noong una pa lang ako dito, masasabi kong may gusto siya sa akin.

Pero paano? Did he confessed to me? Did he courted me? Paano?

At ako naman, paano ko siya nagustuhan? Paano kami nagkakilala? Ano ang nagustuhan ko sakanya?

Kahit ilang araw ko pa lang siyang nakakasama ay hindi ko maitatanggi na komportable nga ako sakanya. Para bang kapag siya ang kasama ko... hindi ako takot.

Does this mean na gusto ko na siya ngayon? Hindi ang future version ko ngunit ang fifteen years old na si Pristine?

"N-Nakalimutan ko," palusot ko.

At hindi ko din alam kung bakit hindi ko siya matagalan ng tingin? Lalo na kapag nagkakatinginan kami, halos mapaso ako!

Is that even normal?

Sa mga halaman lang ako nakatingin at hindi nagsasalita. Hinayaan niyang ganoon kami. Pinanatili niyang tahimik kami at hinayaan niya akong namnamin ang kagandahan ng lugar.

These plants symbols hope for me. Para bang kapag tumitingin ako dito ay nakakakita ako ng pag-asa.

Hope that the world will be back. The world will heal. The green color these plants reminds me of the world.

Napatingala ako sa langit at pumasok sa isip bigla si Pauline. I badly want to blame her for this. Pero gustong gusto ko ding humingi ng tulong niya.

Ayoko mang aminin, alam kong hindi sapat ang mga kakayahan at kaalaman namin ni Yuri. Kailangan din namin ng tulong. But sadly, we can't just trust and tell others about it.

Ang hirap.

"Are you okay? Pagod ka ba?"

Umiling ako at tumingin sa lupa. His soft yet baritone voice calms me. Sa likod ng mga iniisip ko, hindi ko inaasahan na sa isang tanong niya lang kung ayos ba ako ay tila napawi lahat ng iyon.

"I-I..." Kinagat ko ang labi ko.

Sinabi ko kay papa ang totoo kong sitwasyon. I told him that this is just an accident. Napunta lamang kami dito at walang ideya sa mga nangyayari.

Gustong gusto ko na may mapagsabihan ako ng totoo kong nararamdaman. I've been so lonely in the past. Pakiramdam ko, kung hindi ko ito ilalabas ay lalo lang akong mahihirapan.

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon