Survival #20: Antidote

73 5 0
                                    

Sobrang tahimik at napakadilim sa labas. Maingat kami habang humahakbang para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Nasa tabi ko si Yuri, hindi hinahayaan na makalayo sa akin.

Kanina ay akala ko madali lang kaming makakalabas pero mali pala. May mga bantay sa gate! Kahit nakasuot kami ng itim na bonet na ay tiyak makikita at haharangin pa rin kami!

Kaya no choice kundi ang patulugin sila. Kaunting suntok lang ay tumba naman agad kaya mabilis kaming umakyat sa hagdan na naroon. Una ay si Yuri at nakasunod lang ako.

Mataas ang pader kaya nahirapan kami sa pag-akyat. Pero kung bubuksan pa namin ang gate ay mas lalo lang kaming mahihirapan. Walang magsasara at baka makapasok pa ang mga infected.

Nang marating naman ang hangganan ng pader ay inilabas ko ang rope na nasa bag na dala ko at mahigpit na itinali iyon sa bakal na nasa gilid. Iyon ang ginamit namin para makababa.

Nagsimula na kaming maglakad ni Yuri. Hindi mapakali ang mga mata niya kakatingin sa paligid. I can't blame her though. It's her first time seeing this.

"I-It's dead," mahinang bulong niya.

"The world is dead," dugtong niya habang inililibot ang paningin sa buong paligid.

Using our flashlights, we started to find any infected. Dahil gabi at tahimik ay halos wala namang nandito. Their eyes is sound, at dahil tahimik ay siguro nasa paligid lang sila at palakad-lakad.

Ang handgun na hawak ni Yuri ay may silencer ganoon din ang akin. Kailangan namin nito baka kasi marinig kami sa loob at baka mahuli pa kami ni papa.

"Saan na sila?" Tanong niya sa tabi ko.

"Nandito lang ang mga 'yon. We just need to find them since they can't see us."

True enough, ilang lakas lang ay may namataan na kaming kumpulan ng mga infected. Pinigilan ko si Yuri sa balak niyang barilin sila. Inilingan ko siya at hinila muna sa gilid.

"Bakit? Kailangan na nating makakuha agad!"

Tinignan ko muna ang mga iyon bago siya sinagot.

"Sa tingin mo makukuha natin agad?" Sabi ko sabay pulot ng malaking bato at hagis sa bandang malayo.

Narinig nila agad 'yon at mabilis silang nagpunta sa direksyon kung saan napunta ang bato. Habang tumatakbo sila ay doon ako kumuha ng tyempo para bumaril ng isa.

Tumba!

Umamba si Yuri na lalapit agad doon nang makita niya ang natumba kaya lang ay pinigilan ko agad. Kita ko ang taka niyang tingin dahil sa takas na ilaw ng kaniyang flashlight.

Umiling ako. "Paputukan mo pa ng isa dahil sa baril ko lang 'yan tinamaan. Buhay pa 'yan, baka kagatin kapa."

Tila naliwanagan siya sa sinabi ko at tumuwid ng tayo. Itinutok niya ang baril sa kung nasaan ang natumbang infected. Kahit natatakpan ang kaniyang mukha ng bonet ay kita ko pa rin ang pagiging seryoso niya.

And when she pulled the trigger, she didn't move and that makes me smile. Ilang araw ko lang siyang tinuruan pero madali siyang natuto.

Nakita ko ang ambang pagbangon nung infected pero nang matamaaan ito ni Yuri ay tuluyan na iyong bumagsak.

I heard her laugh in happiness because of what she did and hold my arm.

"Oh my! Omg Tine! Nakita mo ba 'yon? Natamaan ko! Natamaan ko! Gosh! Did you see that?"

Halos yugyogin na niya ako ng tuluyan kung hindi ko lang nalingunan ang pagbaling sa amin ng mga infected. Pinigilan ko agad siya at hinila paupo.

"Yes, I did! Now shut it! Muntik na tayo dun!"

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon