Watching Marco together with the other soldiers, fighting those infected, hurts me. Palayo ng palayo, nagi-guilty ako at nasasaktan. Bakas sa mukha niya ang pagod at nahihirapan na rin na lumaban pero kailangan.
Maraming sinasabi si papa sa mga sundalo na nandito pero hindi ko man lang iyon pinakikinggan. Nakatuon ang atensyon ko kay Marco. Naiiyak ako na hindi ko maintindihan! Gusto kong bumaba at tulungan siya roon!
"Pristine, is that clear?"
"Pristine."
"Anak," niyugyog na ako ni papa sa balikat ko.
Doon ko pa lang siya hinarap. Nagulat siya ng makita ang hitsura ko. Mukha akong binagsakan ng langit at lupa for sure. Ramdam ko na din ang luha na nangingilid sa mga mata ko.
"P-Papa," my voice broke.
Bakas sa mukha niya ang pagtataka dahil sa inaakto ko ngayon. Kapagkuwan ay bumuntong hininga siya at hinawakan ang dalawa kong kamay. Tinignan niya ako sa aking mga mata at pinahid ang luhang bumagsak.
"What's wrong?"
"Si Marco," nanghihinang bulong ko.
"What about him? You're worried?"
Tumango ako. "Maiiwan po ba siya do'n, Papa?"
"Of course not, anak. Susunod sila, okay? Stop crying."
Medyo gumaan nga ang loob ko sa sinabing iyon ni papa. Huminahon ako pero yung pangamba para kay Marco ay nandito pa rin.
"As I've said, the vehicles are not enough for all of us. Bilang lang kaya naman, we have no choice but to leave them all behind. It's not easy for me too, but this is the only way I could protect and save my children."
Malungkot ang tono niya. Alam ko naman at ramdam ko din na nahihirapan siya sa desisyong ginawa niya. First of all, he's the leader. Surely, this plan breaks his heart.
Ngunit hindi na iyon ang inaalala ko ngayon. Dahil sa sinabi niya, naalala ko ulit ang tungkol sa pinag-usapan namin ni Yuri. I know this is not the right time to ask him but, I really wanna know.
Nakayuko, huminga ako ng malalim at nagsalita.
"Am I really your daughter, Papa?"
Natigilan siya. Ang kamay niyang humahagod sa likod ko para patahanin ako kanina ay huminto at pumirmi doon. Nang mag-angat ako ng tingin sa mga mata niya ay nagulat ako.
Magkahalong gulat at pagtataka ang nakita ko sakanya. Kumunot ang noo at pinilit na walain ang gulat at nagpanggap na parang normal lang sakanya ang tanong ko.
"What kind of q-question is that?"
I know hindi ko dapat pagdudahan siya. Pero sa dami ng ebidensya ni Yuri, at sa mga nalaman ko at nakita ko sa kwarto ni Papa, hindi ko alam kung dapat ko pa nga ba siyang pagkatiwalaan.
"Just answer me po. Anak mo po ba talaga ako?"
Iniwas niya ang tingin sa akin at tila nanghihingi ng tulong na tumingin kay kuya Theo na nasa harap namin. Ako naman ay nanatiling nakatitig sakanya.
"Y-Yes, you're my d-daughter. Why are you asking me this?"
I know him very well. Hindi siya makatingin sa akin, sa mga mata ko at panay ang iwas. Hilaw din ang ngiti niya at tila kinakabahan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ang kilos. He's always tough and brave. Pero ngayon, tila batang nahuli sa kaniyang ginawang kasalanan.
"We don't need the DNA because the evidence says it all! Pero iyon na lang talaga ang kulang eh, para maniwala ka. And we need to find the son of Hedrick, siya lang ang makasasagot ng lahat ng tanong natin, sana nga ay may alam siya."
BINABASA MO ANG
Operation: Last Suicide
Science FictionIt all started when Pristine and her best friend, Yuri came to an old and abandoned laboratory to find an answer for their so called "own research". Dahil sa kagustuhan na makagawa ng antidote ng isang nasabing virus ay pinili nilang puntahan ang si...