Survival #25: Daughter

61 4 0
                                    

Ako ang nagbukas sa pinto ng huge glass box at pumasok doon si Yuri. The infected didn't mind her, naka-focus iyon kay Clever na nakatayo sa malayong banda. He's silently watching us and our eyes met.

Isinara ko ang pinto at sa kaibigan na tumingin. Dalawang syringes ang dala niya, yung isa ay dugo ko at ang isa ay kay Clever. Nang malapit na siya sa infected ay sala pa lang siya nito mapansin at agad na sinunggaban.

"Y-Yuri!"

Alam kong ligtas naman siya dahil kumpleto siya sa protection gears pero kinabahan pa rin ako. Although she can't hear me inside because of the thick glass wall, sinubukan ko pa ring tawagin siya.

Iniwasan niya ito at nang mapunta sa likod nito ay mabilis na itinutok ang isang syringe. Hindi ko alam kung kanino dugo iyon. Huminto ako sa paghinga nang tumigil iyon sa paggalaw pero kalaunan ay agad ding nagpatuloy sa pag-atake kay Yuri!

Bubuksan ko na sana ang pinto para makapasok at tulungan siya roon. Pero isang baritonong boses ang pumigil sa akin. Nanatili si Clever sa kinatatayuan niya at nakatingin pa rin sa akin. Ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng suot na sweatpants.

"Just let her do it. Kaya niya, panoorin mo na lang," sambit niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko at ibinalik ang tingin kay Yuri. Nakahiga na siya at nakadagan sakanya ang infected, inaatake siya. Bago pa ako tuluyang pumasok, itinutok na niya sa leeg nito ang isa pang syringe.

Hindi ko na napigilan at pumasok na talaga ako. Pero bago pa makalapit sakanila ay huminto sa paggalaw ang infected at bumagsak sa sahig. Tumayo agad si Yuri at dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

Nang mahubad ang nakasuot sa ulo niya ay nagkatinginan kami. Pinukol niya ako ng isang napaka-seryosong tingin. Na para bang ako ang sagot sa lahat ng problemang ito.

"Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong.

Tumango siya at ibinalik ang tingin sa nakahandusay na infected.

"Confirmed, you have the antidote in your blood."

Taka kong tinignan iyon bago ibinalik ang tingin sakanya.

"H-Huh? Paano nangyari 'yon? How about Clever's blood?"

She sighed. "I tried first his blood, at kita mo naman ang nangyari. Walang epekto, hindi nito nabago ang infected. And the second one is your blood. Look."

Bumaling ako sa sahig kung nasaan ang infected. At hindi makapaniwala sa nakita. Actually, this isn't the first time! Una si Clever! Tapos, oh my, how the hell?

The infected is a girl! I didn't look closely at it noong nakuha namin siya at gabi no'n! I didn't took time to scanned it! Lumapit agad kami ni Yuri doon.

"Oh my..." si Yuri.

Nakapikit iyon, pero gumalaw ang kamay at hinawakan ang kaliwang binti. Lumipat ang tingin ko doon at nakitang doon ko siya tinamaan.

Hindi lang 'yon, napansin ko din ang tama niya sa kaliwang braso. Malamang iyon yung binaril siya ni Yuri. Napunta naman ang tingin ko sa mukha niya.

Unang sulyap, hindi mo talaga mahahalatang babae. Lalo pa noong infected siya, hinding hindi talaga. Now, that her skin are slowly coming back to normal, her feminine features are now visible.

Kalbo siya, nalalatagan lang ng manipis na buhok ang kanyang ulo. Sa pagpikit niya ay makikita mo ang pagdama niya ng sakit sa mga balang tinamo niya sa amin. I scanned her whole body. Sobrang dumi niya, at ganoon din ang suot niyang mga damit. Her tattoo on her arm is also showing, natatakpan ng mga dumi sa balat niya.

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon