Survival #3: Crazy

119 11 0
                                    

I am curious what happened in them in Tagaytay but I chose not to ask kuya. Nanatili ang tingin ko sa labas. Nag-aalala dahil mukhang galit sa akin si Yuri. She's glad that we have the chance to roam around yet agad na naudlot.

Tahimik kaming pareho buong biyahe. Although I can feel his stares at me, binaliwala ko iyon. He didn't bother to talk so, do I. Ayoko rin namang mag-umpisa ng conversation because I can't.

When we finally arrived, dumiretso agad ako sa office ni Papa. Iyon din kasi ang sinabi ni kuya bago ako bumaba at lumabas ng sasakyan kanina. I don't know what happened but I'm hoping it isn't bad. Kung bakit pa ako kailangan ipatawag ay hindi ko din alam.

Pumasok ako at nadatnan siyang nakaupo sa lamesa at tumama ang tingin sa akin. Nakapatong ang baba niya sa mga kamay niyang nakatuko sa kanyang mesa. He motioned me sit on the chairs in front of him so I did.

"What is it Papa? Akala ko po nasa Tagaytay kayo ni kuya Theo?"

I heard the door opened, and saw kuya Theo came in. Iniwas ko agad ang tingin sakanya at ibinalik kay Papa.

"Naroon din sa Tagaytay ang mga magulang ng kaibigan mo. My mens are also there. I didn't know that they're doing their research for a certain thing."

Yuri's parents?

"What about it po?"

Tumayo siya at naglakad-lakad. Nanatili ang tingin ko sakanya. Nahagip ng tingin ko si kuya na nakaupo sa 'di kalayuang sofa.

"Hindi na kami tumuloy nang malaman iyon mula sa tawag. Knowing that that stupid scientists are doing non-sense-"

"Papa," pigil ko sa kaniyang mga salita.

He hated them actually. Ayaw niya sa mga pinaggagawa ng mga ito dahil daw isa itong kabaliwan. Hindi siya naniniwala sa mga iyon at sabi pa'y, sila ang ugat ng mga kaguluhang nangyayari sa mundo.

"Pristine, did Yuri told you about that? Sigurado akong alam niya ang mga ginagawa ng mga magulang niya."

"Seriously, why do you have to ask me this? Why are you suddenly curious?"

Tumalim ang tingin niya sa akin. Nakaramdam ako ng takot pero agad ding natabunan ng inis. So what if she told me? Anong meron doon? Can't he mind his own business?

"Dahil may kumakalat na masamang balita tungkol sa mga magulang niya. They have done stupid things that have caused a major trouble!"

"You are a professional Papa! Bakit po ba kayo nakikinig sa mga tsismis? And what they have done to caused that trouble you are talking about? Bakit sila ang sinisisi?"

"I have confirmed it a long time ago. Hindi rin malabo na gawin nila iyon dahil hindi sila iba sa mismong may gawa! So I am asking you this because I want to do something to stop it! It is my task!"

"But you retired a long time-"

"Oh Darling, I can go back whenever I want to. Lalo pa't nanganganib ang mundo dahil sa mga hinayupak na iyon."

Nagpupuyos sa galit, umalis ako doon. I heard them called me pero hindi ako huminto. Dumiretso ako sa kwarto at ni-lock ang pinto. Itinapon ko sa kung saan ang bag ko.

I hate it when he's thinking that way to my friend! Ayoko ng ganoon! Ano bang iniisip ni Papa at ang mga magulang ni Yuri ang sinisisi niya?

And, what trouble is he talking about?

The virus Yuri have said? Hindi ba alam ni Papa na sila pa nga ang humahanap ng lutas para doon? Whatever the reason of his anger towards them is beyond me.

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon