Survival #13: Remember

84 5 4
                                    

"There's a lake behind this warehouse. Magagamit nating shortcut iyon papunta sa kabilang bayan kung nasaan ang building at mga survivors," kuya Theo explained.

Tumango kaming pareho ni Marco. We don't have much time kaya kailangan na naming magmadali. Gusto ko mang tanungin si kuya tungkol sa sinabi niya kanina at humingi ng sorry kay Marco ay hindi ko na ginawa.

Nilagyan ko ng bala ang baril na naubusan kanina. Abala ako roon nang nagulat may marinig akong iyak ng tuta. Hinanap ko iyon at natagpuan ang isang kulay itim na tuta sa silong ng mga sirang tabla. Takot na takot iyon dahil nang lapitan ko ay agad na lumayo sa akin.

"Huwag mong lalapitan. It might be infected," Marco said behind me.

He's got a point. Hindi ko pinilit na makuha iyon, imbes ay sinuri ko na lang. It's normal. Ang mga mata ay hindi naman puti katulad ng mga nasa labas. Wala ding bakas ng sugat at dugo. Ang balahibo na itim na itim ay malinis.

"Sino namang nakaiwan nito dito? Imposibleng dito 'to nakatira," sabi ko sa sarili.

Umupo ako para mas makita pa ang tuta. Inabot ko ang kamay ko at sinubukang tawagin. Ngunit takot talaga at ayaw na lumapit. I tried to get a hold of it but to my horror, bigla akong kinagat!

"Shit!" Sabi ko at agad na napa-atras.

Agad na dumalo si kuya at si Marco sa akin. Walang alinlangang binaril iyon ni Marco at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa akin. Si kuya ay napatingin sa kamay kong kinagat.

"I told you don't come near it! At hinawakan mo pa?"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Marco at tumingin na din sa sugat ko. Ngunit ilang segundo lang ay agad na nawala ang sugat? Ang kaunting dugong lumabas na lang ang natira. And, the hell? Bakit parang iba ang kulay no'n?

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa pagtataka. Lumapit sa akin si kuya dahil mukhang nakita rin niya ang nangyari! Si Marco naman ay lumapit din pero nahuli na. Nagkatinginan kami ni kuya.

"K-Kuya," kinakabahan kong sabi.

Hindi halatang infected ang aso na 'yon! At talaga bang ganito kapag nakakagat ng infected? Humihilom at may halong violet ang dugo?!

Kuya grabbed my hand that's bitten and scanned it. Umupo na din sa harap ko si Marco at tumingin sa kamay kong wala ng sugat at bakas ng kagat ng aso. Parehas na gulat na tingin ang ibinigay nila sa akin.

Hinaplos ko ang kamay ko para hanapin ang sugat doon. Nandito lang iyon pero bakit nawala! Makinis na ang balat ko at parang walang nangyari! Kung hindi dahil sa kaunting dugo na naroon ay hindi mo malalaman na nagkaroon ng sugat!

"Where the hell is your wound?" Tanong ni kuya.

Hinablot naman ni Marco ang kamay ko sakanya at siya naman ang tumingin doon. Hinaplos niya rin iyon na parang hinahanap ang sugat. Pinahid niya ang dugo na naroon at pinagmasdang mabuti.

Tulad ko, nagtataka din siya kung bakit ganoon na lang ang kulay ng dugo. Seryoso siyang tumingin sa akin.

"The color of your blood is different," he said.

I can hear the loud beats of my heart. Am I infected now? Are they going to shoot me now? Lumapit sila lalo sa akin.

"Tine, your eyes," sabi ni kuya habang pinagmamasdan ang mga mata ko.

Pumikit ako. "S-Shoot me now! Bago ko pa kayo makagat! Come on!"

Pumikit ako ng mariin at hinintay na barilin ako. Sa sobrang katangahan ko, ito at infected ako! Kung bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? There's no time for this, I'm already infected.

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon