Survival #26: Mad

74 3 2
                                    

"You are her daughter, Pristine. You are the daughter of Pauline and Jeffrey Mendoza. Now, hindi pwede. Dahil kapag nalaman ng lahat, mapapahamak ka lang," she sadly said.

Umurong yata yung mga luha ko sa sinabi niya. Gulat, at pagkalito ang ibinigay ng mga mata ko sakanya.

"Wh-What? I-Imposible 'yan! No... I'm not..."

The look she gave me told me that she's so sure. She knows what she is telling me and she's a hundred percent sure that it's true. A legit information.

"Uh... You mean Pauline? The great scientist back then?"

Walang sumagot sa tanong na iyon ni Jin. Yuri's eyes met mine and they're locked. Clever shifted on his seat, dahilan kung bakit pati ako ay nagalaw.

"I won't tell it to you if I'm still not sure about it. Your features, are like her! Can't you see it? Unang kita ko pa lang sa litrato niya, nakita na agad kita!"

"Bakit ako mismo hindi ko nakita?"

Sinapo ni Yuri ang noo niya. "Maybe it's in you! Sinusubukan mo lang i-deny! What about the piece of an old paper we found on Tito Adrian's library? Hindi pa rin ba pumapasok sa isip mo kung bakit na kay Tito 'yon?"

"Kasi hindi ko na iniisip pa! You're joking... and it's not funny, Yuri! Patay na si Mom, at siya ang tunay na Mommy ko."

A moment of silence enveloped us. Patuloy na ang pagbuhos ng luha ko habang nakatingin kay Yuri na walang makikita sa mukha kundi ang determinasyon na panindigan ang sinasabi.

Jin, beside her, is also quiet at hinahayaan lang kaming mag-usap. Si Clever sa tabi ko ay ganoon din at hindi na nagsalita pa.

Bakit ba ito na ang pinag-uusapan namin ngayon? And how the hell she can say that? Imposibleng ako! And I saw Pauline's pic, I've never seen my face in her! Swear! Ano itong sinasabi ni Yuri kung ganoon?

"Pristine, I promise, you are her daughter. Hindi lang dahil napatunayan ko na nasa 'yo nga ang antidote, kundi dahil sa note na tinatago ni Tito! He was the one who killed them and he saved you! He told you tons of lies!"

"I told you my father can't do that! Wala siyang kinalaman dito! Wala!"

Para na akong sasabog. Kung hindi lang ako nagtitimpi, baka tumayo na ako at sinigawan siya. Pinunasan ko na lang ang mga luha ko sa mukha at tumayo.

"I'll just go to my room," humihikbi kong sabi.

Walang pumigil sa akin, maski si Yuri. Dire-diretso ang lakad ko palabas at patungo sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto at nakatulalang umupo sa dulo ng kama.

My Papa and Pauline are friends! Hindi niya magagawang patayin ito! At bakit ba niya sinasabi na ako nga ang anak ni Pauline? She once told me that it's already dead!

Why am I crying? I don't know. I... I'm kind of feeling betrayed by my father. Na kahit itinatanggi ko sa sarili, bakit parang pakiramdam ko totoo nga? Na pakiramdam ko, he really lied to me.

At bakit naman niya gagawin 'yon? Gosh, Tine! Don't think ill of him! He's your father! He cares for you! He loves you!

Palala na ng palala ang lahat dito. I'm right, we should've did something to come back! Kung sana, gumawa na lang kami ng paraan para makabalik, wala na sanang ganito!

Nakatulog ako. Hindi ako lumabas para kumain. Tulog din namang si Bryan kaya bukas ko na lang siya pakakainin. Hindi rin bumalik si Clever dito. Siguro doon na natulog kay Yuri.

Kinabukasan, mahapdi ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Wala akong ganang kumain but for Bryan's sake, lumabas ako para kumuha ng pagkain ko pati na rin sakanya. Clever is still not here in my too. Baka doon nga talaga sa laboratory natulog.

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon