Survival #2: Sorry

165 11 1
                                    

Growing up without a mother isn't easy. Ayos lang naman sa akin dahil meron naman akong Papa at si kuya Theo, pero, mas maganda pa rin ang may mama. I grew up not telling anyone how I really feel.

Siguro dahil na rin sila lang ang kasama ko ay medyo naimpluwensyahan nila ako. Lumaki akong mas gusto ako ng shirts kesa mga dress. I am not fond of girly things like color pink. Noong bata lang ay ginustong magkaroon ng manika pero agad ding nagbago.

It is my personal nanny back then who assist me when I have my first menstruation. Siya din ang nagsabi sa akin na dapat kong pangalagaan ang sarili ko lalo na't babae ako. And she said that I should act one.

How could I when my father wants me this way? I often wander if it will be really nice if I was born boy. Mas madali siguro para sa akin ang lahat ng ito kung naging lalaki lang ako.

When I was still on my first grade in elementary, doon ako inumpisahang i-train ni Papa. Kada uwian ay diretso uwi ako at training na agad ng karate. And I can't forget those times when I would cry because of exhaustion and pain.

"Your feet must reach higher than that."

Halos sumigaw ako tuwing natatamaan ako ng mga punches niya kapag sa boxing naman. He said that my punches need to be strong. Hindi nga niya gaanong nilalakas ang suntok niya pero masakit pa rin.

May sariling gym sa mansion and there, when I turned twelve, lagi na ako doon. I need to be fit. I need to be energetic for me to do what I needed to do. Minsan pa ay naroon din si kuya kaya agad din akong umaalis dahil naiilang.

And at this moment, parang nagsisisi akong ganito ako. Simple, may pagka-boyish, at hindi alam mag-ayos. I don't know, I just felt that when I saw one of kuya Theo's rumored girlfriend.

Unang kita ko sakanya ay noong dinala siya ni kuya sa bahay noong birthday niya. Which is last week, doon na rin nag-umpisa ang mga insecurities ko. Like, she's very pretty and she looks gorgeous. Habang ako ay mistulang white lady lalo na kapag naka-white dress.

Sa school lang ako nakakasuot ng skirt dahil iyon ang uniform namin. A white blouse with a necktie that's fitted on me and a short black skirt. Ang medyas ay mahaba na hanggang tuhod kaya kumportable naman ako.

"On the way na daw si kuya Theo. Saan mo daw gustong kumain?"

Nag-angat lang ako ng tingin kay Yuri. Nasa field kami ngayon sa silong ng mga puno. Tapos na ang buong klase sa umaga at lunch na. Nakaupo ako habang siya naman ay nakatayo, palinga-linga.

I sighed. "Didn't I told you to just tell him we're busy? Ganoon naman lagi ah? Bakit iba sinabi mo sakanya ngayon?"

That's the truth. Tuwing nasa mansion ay tinatanong ako ni kuya kung pwede daw ba niya akong puntahan sa school pero lagi akong tumatanggi. Noong ibang bumisita si Yuri sa amin ay kinuha ni kuya ang number niya para malaman ang kalagayan ko. And every time he'll ask Yuri about me, I would tell her to just lie.

Ngumuso siya. "Mapilit kasi siya, eh. Nagtaka siya na lagi naman daw tayong busy eh matagal pa naman ang finals? Kaya ayon, sabi ko hindi tayo busy ngayon."

Napakamot siya sa ulo niya at nahihiyang ngumiti sa akin. Nagtagal ang tingin ko sakanya at bumuntong hininga ulit. Siya na nga itong nag-aalala para sa akin, ako pa itong nagagalit.

"It's okay Yuri. Iniisip ko lang na baka hindi ko lang din siya kausapin kapag nandito siya."

"You really never talk in your house? Imposible?"

I bite my lower lip. "Barely. We barely talk. At kapag sisimulan niyang kausapin ako ay aalis agad ako at tatalikuran siya."

Umupo siya sa kaharap na upuan at hindi makapaniwalang tinitigan ako. Pumangalumbaba siya sa harap ko at kumunot ang noo.

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon