Maaga akong gumising kinaumagahan at agad na naligo tsaka nagbihis. Hinayaan ko muna ang aso na maglaro sa loob at tahimik na lumabas. It's four in the morning and the place is really quiet.
Today, I'll try to find out some evidence if Yuri said is really true. Pupuntahan ko si papa ng hindi niya alam. Kung pwede ring pati kay kuya Theo ay gagawin ko. Kung bakit hindi man lang sinabi sa akin ni papa ang tungkol doon ay hindi ko alam.
Why would he keep it a secret to me? Alam din kaya iyon ni kuya Theo? At kung magkaibigan nga sila, alam din kaya ni papa na kakalat nga ang nagawang virus kaya niya pinatay si Pauline at ang mga kasama nito?
I am flooded with so many questions. I want to seek answers. Pero nasa posisyon nga ba ako para magtanong? O baka naman alam na ito ng future ako?
Never mind. I will know it my own. At kung may makuha man akong impormasyon ngayon ay maganda iyon. Maybe I would dig deeper some time para malaman ko na ang totoo.
Somehow, naging inosente sa paningin ko si Pauline. Kung kaibigan nga niya si papa, hindi malabo na ginawa nga niya ang potion na iyon para makatulong kila papa pero aksidenteng naging virus.
Kung bakit siya pinatay at nasaan ang antidote ay kailangan kong malaman. Wala naman masama kung susubukan ko. Buong mundo ang nakasalalay dito.
Maingat kong isinara ang pinto. Hindi pa nakakalayo sa kwarto ay nakita ko na si Yuri na papalapit sa akin. Nagulat ako at ganoon din siya. Nang makalapit sa akin ay nagsalita siya agad.
"I was about to wake you up! Pero nauna kana," she whispered.
"Bakit mo gagawin 'yon?"
"Siyempre! We'll do our investigation now! Ikaw? Ba't ang aga mo ngayon? At saan ka papunta?"
Luminga ako sa paligid. "Ganoon din ang nasa isip ko. Then it's good that you're now here."
She also scanned the whole place. Walang tao. Tahimik. Medyo madilim din ang paligid. She took out her phone and turned on the flashlight. She held my hand and started walking.
"You have a phone?" Tanong ko.
"Oo. Bakit? Ikaw wala?"
I nodded as my brows met. "Saan kaya ang cellphone ko?"
"I just found this in my room. Halughugin mo lang kwarto mo baka naroon."
Tumango ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad. The hallway on the side is quiet too. Medyo maingat din kami sa paglalakad dahil baka may makarinig. Palinga-linga kaming pareho at hinahanap kung saan ang dapat puntahan.
"There must be a blueprint of the whole place. Saan kaya 'yon?" Yuri said.
"Nalibot mo na ba ang buong lugar?" Tanong ko.
Umiling siya. "Not yet. Kaya nga kailangan nating mahanap ang blueprint ng buong lugar. I'm sure nandito lang 'yon nakapaskil."
We continued walking. Hawak ng kaliwa niyang kamay ang phone bilang ilaw at ang kanan naman ay hawak ang isa kong kamay. Palapit na kami sa dulo nh hallway nang may marinig kaming yabag.
"Fuck," Yuri cursed.
"Shit, saan tayo magtatago?" Natataranta kong tanong.
"Ssh," sabi niya at pinatay ang ilaw sa phone.
Hinila niya ako padikit sa pader. Ang yabag ay unti-unting lumalapit at kita na namin ang anino na papasok sa kung nasaan kami. Kinakabahan na ako habang si Yuri ay kampante lang na nakatingin sa paparating.
"Umalis na tayo dito!" Bulong ko.
"Hindi tayo aalis. You know we need to do this, Tine," may diin sa pagkakabulong niyang sabi at ibinalik ang tingin bukana ng hallway.
BINABASA MO ANG
Operation: Last Suicide
Ficção CientíficaIt all started when Pristine and her best friend, Yuri came to an old and abandoned laboratory to find an answer for their so called "own research". Dahil sa kagustuhan na makagawa ng antidote ng isang nasabing virus ay pinili nilang puntahan ang si...