Survival #4: Type

127 6 0
                                    

Our conversation went on and on. Nalihis nga lang sa mismong topic. Napunta ang pinag-uusapan namin sa kuya niyang malapit na daw umuwi dito. She said that her kuya is abroad, at matagal na doon. I didn't know na may kuya pala ang isang 'to.

"You have a brother and you never told me? Ang daya mo! Ang tagal na nating magkaibigan ah?"

Tumawa siya. "He isn't really my kuya. Ang sabi ni Daddy sa akin, kinupkop lang daw siya kasi natagpuan lang na palaboy-laboy. Since then, tinuring ko na siyang kuya at siyempre, tinuring na din siyang anak nila Mommy."

"Why he didn't stay here? Bakit nasa abroad siya ng ilang taon?"

"Hindi ko rin alam. Pero uuwi siya ngayon kasi malapit na siyang grumaduate. Gusto niyang magbakasyon muna dito, tapos babalik doon. Hindi ba graduating na rin si kuya Theo?"

"Hindi, he's still on his second year in college."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay umuwi na kaming pareho. Ang driver pa rin ang sumundo sa akin dahil busy na talaga si Papa. Honestly, inaasahan ko si kuya Theo na susundo sa akin, pero alam ko namang ayaw ko rin n'on.

It's awkward.

Pagdating sa bahay ay sinabing wala din siya doon dahil may pang-gabi na subject. Nagbihis na lang ako at agad na nagtungo sa training room. Nasanay na ako na lagi akong dumidiretso dito kaya kahit wala si Papa ngayon, ako munang mag-isa. Besides, kaya ko naman na.

Our training room is consisting of a three punching bags on the left side, and on the right side, different kinds of weapons are on the long rectangular table. Meron ding maliit na entablado sa gitna para sa training ng karate at taekwondo.

Wearing my sports bra, and a leggings, nagsimula akong mag-stretching. Ngayon lang ako nagsuot nito since ako lang naman mag-isa sa mansion. Kapag kasama ko si Papa, naka-karate outfit ako o simpleng T-shirt at shorts lang.

The wall of the room is mirror. Kaya naman, kitang kita ang sarili habang ginagawa ang training. You can determine too if your moves are wrong, o iba pa. Maitatama mo ang mga maling galaw dahil sa salamin.

Ilang minutong stretching ay kinuha ko ang punching gloves na nakasabit sa gilid at nagsimulang sumuntok. First punch, ibinuhos ko lahat ng lakas ko. The punching bag almost reach the one meter wall away in it.

Ilang minuto ang itinagal ko doon at sinunod naman ang mga kicks. Nag- practice din ako ng iba't ibang pagsipa. Umikot ako at buong lakas na isinipa ang paa sa ere. This one is the most difficult for me to do back then. Pero ngayon, napakadali na lang gawin.

Ilang oras na ganoon at huminto ako nang napagod. Ang puting-puti kong buhok ay itinali ko at hinihingal na nagtungo sa mahabang lamesa. Wala ito noon, pero ngayong lumaki na ako ay inilagay na dito ni Papa.

Hinaplos ko ang mga nakahilerang mga baril. Mula sa mga pistols, shotguns, hanggang sa mga naglalakihang rifles. Kinuha ko ang isa sa mga iyon at kunwari'y tumitiring ng isang bagay. Inilapag ko iyon at kumuha ng isang pistol, sinubukang ipaikot iyon sa aking kamay pero agad na nahulog.

"Kainis! Bakit hindi ko magaya si Papa?"

Nakita ko kasing ginawa niya ito noon. Walang kahirap-hirap niyang ipinaikot-ikot sa kamay niya ang baril. And with one swift move, he pulled the trigger. At siyempre, it hit the bull's eye.

Frustrated, I picked the gun and decided to take a shower. Gabi na at wala pa rin sila kuya at papa. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng pantulog ay mag-isa akong kumain. All the maids are just there, waiting for my commands.

"Hindi po uuwi si Papa? How about kuya Theo?" I asked our mayordoma.

"Hindi Pristine. Ibinilin na lang na pakainin ka dahil pareho silang bukas na uuwi."

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon