Survival #27: Plan

65 5 2
                                    

Inilapag ang pagkain na inutos niya sa mga katulong dito (na mayroon talaga at para sa 'min lang) sa nakahandang lamesa sa harap namin. Hindi iyon ganoon karami, sakto lang para sa aming dalawa.

When the maids left, sa pagkain ako nakatingin habang ramdam ko ang tingin niya sa akin. I don't know if I can share this problem of mine with him. Parang ayoko. I know he's tired. Ayoko ng dumagdag pa.

"Are you really okay? What's bothering you?"

Naiiyak, tumingin ako sakanya. Humahanga ako. Hindi ko alam kung paano. Pero parang sobra niya akong kilala. Na kahit kaunting galaw ko lang ay alam na niyang may problema ako. Na hindi ako maayos.

I had the urged to hug him so I did. Ibinagsak ko ang mukha ko sa dibdib niya at iniyakap sa bewang niya ang mga braso ko. Slowly, my tears started to fell.

Matapang ako, oo, pero iyon ay sa oras ng pakikipaglaban sa labas. But when it comes to this, I know I am weak. Alam kong hindi dapat ako naniniwala pero paano kung nasa harap ko na nga ang katotohanan?

"Tell me, anong problema?"

Just his soft voice calms me. Punong-puno ng pag-aalala ang boses na iyon. Swerte ko, I have him here.

I just moved my head, not wanting to talk. Alam kong mababasag lang ang boses ko kapag nagsalita ako.

Sabi ko hindi ko sasabihin, pero bakit ganito? Hindi ako malakas. He's... he's my weakness. Tanging siya lang ang nakakagawa nito sa akin.

"Whatever it is Alex, you know I'm here. Just let it all out and give it to me, please? Ayokong umiiyak ka. It kills me," malungkot niyang sabi habang yumuyuko para tignan ang mukha ko.

Lumipas ang halos trenta minutos na umiyak lang ako at hinayaan niya lang ako. Hindi na niya ako pinilit pang magsalita. At nang tumahan ay inaya na niya akong kumain. Hindi ako makatingin sakanya, nahihiya dahil sa ginawang pagyakap at pag-iyak sakanya.

"We will be outside again for some food stocks. I promise, it will be the last. Pagkatapos no'n, I'll be with you. I promise you that."

Huminto ako sa pagkain at tumingin sakanya. He's looking at me seriously. Sobrang lapit niya sa akin. His legs are touching mine. Ang kaliwa niya ring kamay ay nasa likod ko, nakaakbay sa akin habang ang isa ay nakahawak sa kutsara.

"Y-You don't need to do that. Pwede namang sumama ako sainyo, ire-request ko kay Papa."

"This time, kahit hindi ko sabihin, hindi ka niya papayagan."

"Bakit?"

"He's preparing for your upcoming mission. The biggest one. He's planning on coming with you. Malaki iyon at napaka-importante."

Nagpatuloy ako sa pagkain at kumunot ang noo. Wala namang nababanggit sa akin si papa tungkol diyan. Kasi kahit naman nasa iisang lugar lang kami, bihira pa kaming magkita at magsama. Ganoon din si kuya Theo.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Umusog ako dahil doon. Taka niya akong tinignan. Naiilang akong tumingin sakanya.

"I'll go with you. Sinabi ko ang planong pagsama sa papa mo pero sinabi niyang hahayaan niyang ikaw mag-desisyon no'n. Will you let me come with you, Alex? Please?"

"W-Wala pa namang sinasabi sa akin si Papa na tungkol diyan eh."

"Because he's still planning on it. And that mission is for you."

Tumango ako. "I'll think about it."

Nabigla ako nang makita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsimangot niya. Tuluyan na akong tumingin sakanya, natatawa. Malungkot siyang tumingin sa akin.

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon