Hindi ko alam kung ilang beses niya akong inangkin. Basta ang alam ko, tumigil lang kami nang sinabi kong pagod na ako at ganoon din siya. Nagpahinga muna kami bago nagpasyang maghanda na pabalik.
Tinanong ko rin kung bakit nandito pa siya gayong sinundo na siya nina papa. Ang sabi niya ay itinawag daw ng mga bantay sa gate kay papa ang tungkol sa pagpunta ko dito. Narinig niya iyon kaya ibinigay na niya kila papa ang gamot na kinuha at pinauna ang mga ito. Sinabi daw niya kay papa na hihintayin ako.
Hawak niya ang kamay ko pagkalabas namin sa grocery store. Hanggang sa dumaan kami sa tagong daan sa gilid ng bake shop. Tahimik ang naging paglalakad namin at tanging mga pagtapak namin sa lupa ang maririnig.
Sa ibang direksyon kami napadpad hindi sa dinaanan ko kanina kaya walang mga infected dito. Kaya din siguro hindi ko nakasalubong sila papa noong umalis sila kanina. Mayroon pa lang daan dito, kung alam ko lang sana hindi na ako nahirapan pa.
"You didn't saw them?" Tanong niya sa gitna ng paglalakad namin.
I looked at him. "No, sa iba kasi ako dumaan."
Her brows furrowed immediately at that. Hilaw agad akong ngumiti. Puno ng pagtataka ang mga mata niya na nakatuon sa akin ngayon.
"Dumaan ka sa main entrance? It has a cover right? Don't tell me..."
Dumilim ang tingin niya sa akin nang na-realize siguro kung paano ako nakapasok sa harang. Yumuko ako at tumingin na lang sa lupa. Galit ba siya? Bakit naman siya magagalit?
"Sorry," malungkot kong saad.
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya napabaling ako doon. Magkadugtong pa rin ang kilay niyang nakatingin sa akin base sa gilid ng mga mata ko. Gumalaw ang panga niya at sa daan na tumingin.
"Don't do that again," maawtoridad niyang sabi.
I slightly nod. "Then don't do that again, too."
Mabilis kaming nagkatinginan. Sa huli, tumango siya at nakita kong paggalaw ng adams apple niya. Ngumiti ako at sa daan na rin tumingin.
Habang naglalakad pabalik, ramdam ko pa rin ang sakit sa gitna ng mga hita ko. I can't believe I really did it with him!
My mind says it's wrong because I'm not the future version of my self! Na ako pa rin iyong labinlimang taong ako!
But my heart says it's not. Nandito na ako sa katawang ito, ako na ngayon ang nandito. There's no wrong at giving yourself to the man you truly want and trust.
Tinitigan ko ulit siya. He's so serious now na kahit sa daan nakatingin ay parang may malalim pa ring iniisip. He's jaw is clenching, para bang naiinis o nagagalit sa naiisip niya.
Bumuntong hininga ako. There's no regrets. Gusto ko siya. Or probably, I... I still don't know. I need to figure it out. Sandali ko pa lamang siyang nakilala para sabihin kong mahal ko na siya.
But you gave him your self right away! My mind shouted at me.
Lust enveloped my whole system that time. And my, sinong makakapagpigil kapag siya na? Wala! O baka ako lang ang hindi. He's... damn it, hot!
We're silent the whole time we're walking back. May iilan ding infected ang umatake sa amin at agad niya itong binaril. Hindi niya binitiwan ang kamay ko.
"Let me," pigil niya nang sumubok akong bumaril para tulungan siya.
Hindi kami gaanong nahirapan pabalik dahil iilan lang ang infected na nasalubong namin. Inilabas niya ang radiophone niya at ipinaalam ang pagdating namin.
BINABASA MO ANG
Operation: Last Suicide
Science FictionIt all started when Pristine and her best friend, Yuri came to an old and abandoned laboratory to find an answer for their so called "own research". Dahil sa kagustuhan na makagawa ng antidote ng isang nasabing virus ay pinili nilang puntahan ang si...