Survival #15: Conclusions

69 5 2
                                    

"Are you serious? Baka naman guni-guni niyo lang nila kuya 'yon? Baka naman hindi ka talaga nakagat?"

Pagod akong tumingin kay Yuri. "I am not a liar. At bakit naman ako magsisinungaling sa 'yo? Totoo nga 'yon!"

Bitbit ang aso ay nagtungo ako sa laboratory ni Yuri at swerte naman dahil naroon siya. Hapon na pero abala siya sa kung ano sa mga libro na hawak niya nang pumasok ako. Nagtaka siya sa dala kong aso lalo pa sa sinabi ko.

She asked me if I'm okay, and congratulated me because of the successful mission. Aniya ay bilib siya sa akin dahil nakabalik akong buhay at hindi infected. And she asker how it went and then I told her about it.

"Let me look at your hand again?"

Iniabot ko sakanya ang kamay ko. Itinuro ko ang likod no'n kung saan ako nakagat at sinuri niya pang mabuti. Pang-ilang beses na niya iyong tinignan pero ayaw pa ring maniwala.

Sino ba naman kasing maniniwala sa sugat na naghilom agad? Even me, I can't still believe it! Pero nakita ko mismo ang unti-unting paghilom ng balat ko! It's impossible yet it happened!

After scanning the back of my hand, he turned to the dog that's playing meters away from us. Inilipat niya ang tingin niya sa akin, pinakatitigan akong mabuti.

"What?" Tanong ko.

"Hindi kaya... infected ka na?"

Nagulat ako sa sinabi niya at agad na kinabahan. Posible nga iyon! At dahil siya na ang nagsabi, mas nadagdagan lang ang kaba ko! Mas may alam siya kesa sa akin tungkol sa mga bagay na iyan.

Lumunok ako. "I am?"

"No, no, impossible. Kung infected ka, dapat ay nasa labas pa lang kayo, hindi kana normal. And your eyes..." Lumapit siya lalo sa akin at tinitigan ang mga mata ko. "It should be white but, bakit naging itim ang isa? At ang isa naman ay nanatiling asul?"

"Hindi ko rin alam. I honestly don't know what's happening to me Yuri. I-I'm scared."

She pulled me for a hug. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin. And I want to find out why is this happening to me!

"I'll help you. Pangako tutulungan kita sa abot ng makakaya ko," puno ng sinseridad niyang sabi.

Bumitiw siya sa yakap at umupo sa harap ng computer niya. Sumunod ako at nanatiling nakatayo sa likod. Isa iyong bio data ng isang scientist base sa larawan na nasa itaas sa bandang gilid. And when I saw the name, nagulat ako.

"Thanks to the technology now a days, nahanap ko rin ang hinahanap natin Tine. Kagabi ko lang 'to nakita at ginusto kong sabihin sa 'yo agad pero pinalipas ko muna ang misyon mo," sabi niya habang may tinitipa.

"Pristine Benitez Mendoza," mahinang basa ko sa naroon.

"It came from a private site. At nang pinaghirapan kong pasukin ay nakuha ko naman ang hinahanap ko. There she is, Pauline Mendoza. Ang scientist na pinaka-kailangan natin sa misyon nating dalawa."

Yumuko ako at lalong lumapit doon para mas makita pa. Gumilid siya para mas bigyan ako ng access sa computer. Kinuha ko ang mouse sa tabi at nagsimulang mag-scroll doon.

All the important informations of her are here. Her age, her birthday, her religion, her occupation, the name of her husband, and the number of her child. Pero pangalan lang ng asawa niya ang nandito at wala na ang sa anak niya. Nasabi naman dito na babae iyon.

"True enough, she'd been killed in a laboratory that she and her friend owns. Kasama niya ang sanggol pa lamang na anak sa pagkasunog. Apat sila na namatay roon," sabi niya sa gilid ko.

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon