Survival #22: Scene

68 3 0
                                    

"Saan ka pupunta?"

Habang itinatali ang buhok ko at nagmamadali sa pagsuot ng combat boots ay sumulyap ako kay Clever. Gising na siya at nakaupo na sa sofa. Gulo gulo ang buhok niya at nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

"Hindi mo na kailangang malaman. Pakibantayan na lang si Bryan. At kung sakaling pumunta dito si Yuri, sabay na kayo kumain. Dito sa loob."

Tumayo na ako at naglakad na palapit sa pinto. Sinundan niya ako ng tingin at tumayo siya. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya at seryoso akong tinignan.

"Lalabas kaba?"

His voice is husky, probably because he just woke up. Nakatalikod ako sakanya at hawak na ang doorknob. Tumango ako at sumagot nang hindi siya nililingon.

"Yes, and I want you to take care of my baby."

"Sure, uh... take care," mahina niyang sambit.

"I will," sagot ko at lumabas na.

Dahil maaga pa ay hindi pa naglalabasan ang mga tao. Patakbo kong tinungo ang barrels area. Dahil sa pagmamadali ay kung anong baril na lang ang kinuha ko.

Isinukbit ko ang mga iyon sa gun holster sa bewang ko. Naglagay lang ako ng mga bala sa bulsa at lumabas na agad ako doon. Tumakbo ako palabas.

Nakalabas na sila papa dahil nauna sila at sarado na ang gate. Nakatayo roon ang apat na tagabantay. Tig-dalawa sa magkabilang gilid.

Habang palapit ako ay humarap sila sa akin na para bang handa na silang pigilan ako sa paglabas. Ang parehong mga kamay ko ay may hawak na baril. Bumaba ang tingin nila doon.

"Pakibuksan ang gate. Kasama ako sakanila papa ngunit nahuli lang," sabi ko.

Nagkatinginan silang apat. Nang tumango ang isa ay unti-unti na nilang binuksan. Nagpasalamat ako at hindi na kinailangan ang pag-cover nila dahil ako na mismo ang bumaril sa mga sumubok na atakihin ako.

Bumabaril ako habang tumatakbo. Hindi ganoon karami ang umaatake sa akin ngayon. Nabawasan na siguro nila papa kanina.

Habang nasa daan ay natanto kong hindi ko nga pala alam kung saang pharmacy! Saan nga ba 'yon? Palpak Tine!

Umiling ako at nagpatuloy na lang sa pagbaril at pagtakbo. Palinga-linga ako sa paligid nagbabakasakaling may makita akong sign kung nasaan sila papa.

Maraming pharmacy ang nakapalibot sa siyudad. At kung iisa-isahin ko 'yon, baka mahuli na ako?

Binilisan ko ang pagtakbo para makarating na sa siyudad. Bumagal ang pagtakbo ko dahil sa harap ko ay ang kumpulan ng mga infected, napadami nila.

Nakalimutan ko nga pala ang silencer! Dahil sa pagmamadali ko kanina! Sound is their eyes, right? Kung magpapatuloy ako sa pagputok, mas madali para sakanila ang mahanap ako.

Their ears are sharp. Kahit pagtapak ko sa lupa ay naririnig nila. Hindi talaga option ang baril kapag mga ganito eh. I should have brought a samurai or a baseball bat.

No choice, nagpaputok ako ng baril sakanila. Kung hindi ko naman gagawin, ako ang mapapahamak. At hindi man bumaril, sabi ko nga, maririnig pa rin nila ang footsteps ko.

Tumingala ako sa kalagitnaan ng pagbaril. Pumatak ang isang butil ng ilan sa mukha ko. Madilim ang kalangitan at nagbabadyang bumuhos ang ulan.

Nakalayo na ako at nakikinita ko na ang mga sirang gusali ng siyudad sa malayo. Hinahabol pa rin ako ng mga infected. Bumuhos na rin ng tuluyan ang malakas na ulan.

May nakita akong sirang sasakyan na nakaparada sa gilid ng isang gasolinahan. Mas binilisan ko ang pagtakbo at ganoon din ang mga humahabol sa akin. Nang makalayo na ako sakanila ay lumapit ako doon sa kotse.

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon