Survival #21: Please

70 3 0
                                    

"Open your eyes," utos ni Yuri sa lalaki.

Gabing gabi na pero nandito pa rin ako sa laboratory niya. Binilisan ko ang pagligo at dinala na dito ang aso. Kinuha ko ang dog food sa isang lamesa at ipinakain iyon kay Brian. Iyon ang napili kong ipangalan dito since lalaki siya at bagay naman.

Habang wala daw ako ay panay ang tanong ng lalaki kay Yuri kaya sabi niya ay hintayin daw ako at ako daw ang sasagot sakanya. Hinayaan niya muna ito at ngayon lang sinuri nang nandito na ako.

Habang sinusuri siya ni Yuri ay nakatingin siya ng seryoso dito. Ako naman ay nagmasid sakanya.

Malayong malayo na sa hitsura niya ang pagiging infected. Normal na ang kanyang galaw. Nakakapagsalita siya at nakakakita. Even his skin, naging normal din.

Hinaplos ko ang leeg ko. I swear I felt his teeth on my skin. Naramdaman ko ang sakit ng pagbaon ng ngipin niya sa balat ko.

Pero naramdaman ko din ang unti-unti nitong paghilom! At siya... he become uninfected when bite me. Paano nangyari 'yon?

Anong meron sa dugo ko?

Hindi ba ay ganoon din ang sa aso? Ang kaibahan lang, hindi iyon infected pero nasalin ng isang mata ko ang kulay ng mata no'n.

Tinignan ko naman kanina sa salamin kung may nagbago sa mga mata ko pero wala naman. Ganoon pa rin ang mga kulay nito.

"Anong nararamdaman mo?"

Lumipat ang tingin ko kay Yuri na napaka-seryoso ngayon. Kahit pa nakatingin siya sa lalaki ay makikita mong malalim ang iniisip niya.

"I'm fine," bumuntong hininga ang lalaki at naglipat ng tingin sa akin.

Pinantayan ko ang titig niya at ako naman ang nagsalita.

"Do you remember everything? Mula sa kung paano ka naging infected?"

Mabilis na nagdugtong ang kilay niya. "I don't. How the hell will I know? At paano ako napunta dito? Where the hell are we?"

Tumikhim ako dahil bakas ang pagkairita sa tono niya. Hinawi niya kulay abong buhok niya at madilim na tumingin sa akin.

"But do you know who you are?" Sabay taas ng kilay ko.

"Yes, I do," aniya at tumango. "I'm Clever Abalos. Twenty six, a seaman. How about you?"

Bakas sa aura niya ang awtoridad at pagka-strikto. Halos pareho sila ni Marco na laging seryoso ang mukha. Parang laging galit at gustong manakit.

"I'm Pristine and that is Yuri. At kung mapapansin mo, we are in an isolated area. There's a virus out there and many infected. And you are once one of them."

Dahil sa sinabi ko ay pinagmasdan niya ang mga kamay niya at buong katawan. Lumapit naman sa akin si Yuri na kanina pa pala nakatitig sa akin.

"May I check on you too?" Tanong niya.

Tumango ako at inumpisahan na niya ang pag-check sa akin. Wala naman akong kakaibang naramdaman. Although dapat ngayon ay infected na ako. Baliktad pa, gumaling pa ang infected.

Dapat ay pula na rin ang- wait, did I just said na gumaling ang infected?

Does that mean, there's a thing in me that can cure an infected?

Nakatingala ako kay Yuri at nang nagkatinginan kami ay tumagal iyon. Para bang nag-usap kami sa pamamagitan ng pagtitigan.

"May iba ka bang nararamdaman?"

I moved my head. "Wala naman. Bakit?"

"Nothing. Bukas na ulit tayo mag-usap. Gabi na, magpahinga kana."

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon