Ang sabi ni papa ay sa misyong ito, aalamin lang kung saan ang lokasyon ng mga survivors. At kapag nalaman n namin, sasabihin lang namin sila na hintayin ang pagbabalik namin kasama ang mga iba pang tauhan ni papa para mas sigurado ang kaligtasan ng lahat.
Iyon ang plano. Ngunit nang marating namin ang gusaling kinaroroonan nila ay bigla na lang nagkagulo. Some can't understand the said plan. Some said they're okay with. And some just didn't mind our presence there and made their own plan of escaping.
"It's the only place that's safe. Wala na kayong iba pang mapupuntahan kundi doon. If you guys won't cooperate with us, then it's up to you. We're here to inform you," kuya said sincerely to the people here.
Sa tantya ko, aabot sila sa limampu. May mga bata pa at may isang sanggol. Karamihan sakanila ay gusto nang sumama sa amin. Pero pilit na pinapaintindi sakanila ni kuya. Pati si Marco ay nakisama na rin.
"Wala na kaming nakakain dito! At kung kailan pa kayo babalik ay baka patay na kami! Kailangan na naming sumama sainyo!
"Oo nga! Ialis niyo na kami dito!
Nagsitanguan sila at sumangayon sa sinabi ng isang lalaki. Umiling si kuya at si Marco naman ay tumingin na lang sa akin. Napalunok ako dahil mukhang hindi na makukumbinsi pa ang mga nandito. Masyadong matigas ang ulo nila.
"If you'll come with us, delikado po iyon. Hindi po namin kayang protektahan kayong lahat," malumanay kong sabi.
Mukhang napaisip sila sa sinabi ko kaya tumahimik ang ilan. Ang iba naman ay mukhang ayaw talagang paawat at naghahanda na sa pagsama sa amin. Umiling na lang din ako sa katigasan ng ulo ng iba.
"Kaligtasan niyo lang ang iniisip namin. Kung ipagpipilitan niyong sumama sa amin ngayon, mapapahamak lang kayo," dagdag pa ni kuya.
Nagtinginan silang lahat. Ang mga babae ay niyakap na lang ang kabilang mga anak at ang iba ay tila sumuko na lang at umupo sa isang tabi. Ang mga kalalakihan ang sadyang ayaw makinig.
"O, siya, tangina, umalis na kayo at ipadala niyo agad ang mga tutulong sa amin dito! Ano pa't pumunta kayo dito kung hindi niyo lang din kami matutulungan?! Magsi-alis na kayo!" Sigaw ng pinaka-matandang lalaki sa amin.
Lumapit sila sa amin at halos itulak na kami. Hinawakan agad ni Marco ang kamay ko at hinila ako paalis doon. Sumunod na agad sa amin si kuya. Tumingin ako sakanilang lahat, bigo.
Why can't they just trust us?
Mabigat ang loob ko habang paalis kami doon. At kahit pa bumabaril ang hindi naalis sa isip ko ang mga tao na naroon. Kung ako ba ang nasa pwesto, malamang ganoon din ang reaksyon ko? Siguro ay masyado na silang nakulong doon.
Ganoon pa rin, tulad kung paano kami pumunta doon ay ganoon din pabalik. Habang nasa bangka ay may mga infected na sinundan kami hanggang sa lawa. Kami ni Marco ang bumabaril, habang si kuya ang sumasagwan.
Sa warehouse ulit kami dumaan. Palabas na kami sa harap na pinto ng makita kong masiglang nakatayo roon ang tuta! Natigilan agad ako habang nakatitig doon. Huminto rin sila kuya at sinundan ng tingin ang tinitignan ko.
"What the? Paano nabuhay 'yan?" Puno ng pagtatakang tanong ni kuya.
Tahimik lang si Marco pero kunot ang kanyang noo. Lumapit siya doon sa tuta at umupo para mas mapantayan iyon. Kinuha niya ang baril niya para barilin pero pinigilan ko agad.
"Don't!" Sigaw ko at tumakbo palapit sakanya.
Pinulot ko ang tuta na maamo na ngayon at binuhat iyon. Nang tumayo ako ay tumayo din si Marco. Galit niya akong tinignan. Pinantayan ko ang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Operation: Last Suicide
Science FictionIt all started when Pristine and her best friend, Yuri came to an old and abandoned laboratory to find an answer for their so called "own research". Dahil sa kagustuhan na makagawa ng antidote ng isang nasabing virus ay pinili nilang puntahan ang si...