My mind immediately forget about that damn Marco when I got to see again what's in front of me. At ang katotohanang haharapin ko ngayon.
That I am their hope.
Bakit sa lahat, ako pa? Can I really do that? Sobra bang magaling ang future ako at ganoon kataas ang expectations nila sa akin?
Iniisip ko pa lang na may mga taong naghihintay sa akin sa labas, umuurong na agad ako sa planong pagbalik sa nakaraan. I can't just turn my back at them lalo na dahil kailangan nila ako. Ang magaling na Pristine ay hinihintay nila.
Ang buong kwarto ay complete package na. Hindi katulad sa training room sa mansion, dito ay pwede pang mag-practice ng baril kung gusto mo. Meters away from where I was, there are targets.
Huminga ako ng malalim at inilapag ang mahabang baril. Hawak ang isang hand gun ay ipinosisyon ko ang sarili ko. I'm sure the room is sound proof. Hindi maririnig ang ingay sa loob, ganoon din sa labas.
Hindi na ako nag-abala pang gumamit ng kung anong gears, basta itinutok ko iyon sa isa sa mga targets at agad na ipinutok. At ang butas sa gilid ng malaking pulang bilog doon ay nagpapatunay na hindi pa ako ganoon kagaling tumira.
Fuck, I'm suck at shooting.
Kung totoo nga ang sinabi ni papa na hindi basta-basta ang mga nasa labas, mukhang mahihirapan ako kung physical skill ko lang ang gagamitin. Gun is must kung gusto kong makabalik ng hindi ba infected.
Bale lima ang nandoong pwedeng tirahin kaya iyon ang pinagkaabalahan ko. Ngunit, iisa lang ang medyo tagumpay ako. Pero, malapit lang iyon sa pinakamaliit na bilog. I need it to be in the center.
Sinubukan ko ang iba't ibang baril. Mula sa maliit, hanggang sa malaki. Medyo nabibigatan pa ako sa iba pero sinubukan ko pa rin. Hindi ko alam kung saan gawa ang mga tinitira ko at bakit hindi pa nasisira.
Nang napagod ay ibinaba ko ang hand gun at hinarap ang iba't ibang kasuotan na nandoon. It is a different protective suits. Dark green, blue, and a camouflage suits are in there. Maayos iyong nakasabit sa sampayang gawa sa bakal.
Different sizes din. Mula sa maliit, hanggang sa pinakamalaki. Meron ding mga mask na sakop buong ulo. May mga gloves, gun holster (iyong suot ko sa bewang) at mga boots na din.
Maybe this is the armory room not just a barrels area? Nakakamangha at kumpleto pa. Lahat ng kailangan sa pakikipaglaban ay nandito. Iyon lang, ang mga heavy equipments tulad ng basuka lang ang wala. Siguro ay nasa ibang kwarto.
Hindi mainit sa buong kwarto pero pinagpawisan pa rin ako dahil sa pageensayo. Lumabas ako roon para sana kausapin pa ulit si papa. But then, paano ko gagawin 'yon kung hindi alam ang buong lugar na ito?
Isinara ko ang pinto at nagsimula ng maglakad. Tahimik na ang buong lugar. Ang kaninang mga abalang tao ay wala na ngayon. Malinis na buong paligid. Puro mga naglalakihang kahon ang nakikita ko sa labas.
Lumapit ako sa mga iyon at sinuri. Ito ang mga ginagawa kanina. At halos lahat ng tao dito ay ganoon din. Nakakakuryuso tuloy kung ano ang laman nito? At bakit ito ang pinagkakabalahan nila?
Lumapit ako sa isa sa mga iyon at tinignan kung may nakasulat pero wala. Ganito din ang pinagtaguan namin ni Yuri noong unang punta namin dito. Sa ibang parte ay mga maliliit ng kahon na naka-ayos.
Sa dulo ay ang dinaanan namin nung babae. Sa gilid, daan ulit na hindi ko alam kung saan papunta. Kaya doon ako dumiretso. The whole place is realy wide. Pwedeng pwede pang mawala ako dito.
Ang daang iyon ay diniretso ko lang. Still, kahit pa nakalabas na ako, wala pa ring sinagot ng araw akong nakikita. Parang nakakulong kami sa isang igloo na gawa sa semento o ano.
BINABASA MO ANG
Operation: Last Suicide
Science FictionIt all started when Pristine and her best friend, Yuri came to an old and abandoned laboratory to find an answer for their so called "own research". Dahil sa kagustuhan na makagawa ng antidote ng isang nasabing virus ay pinili nilang puntahan ang si...