Mula nang dumating ang mga sasakyan kanina, hindi na magkamayaw sa pag-uusap ang mga tao dito. Bumalik kami ni Yuri kila Clever at kinwento kung anong meron sa labas. May kutob akong may kinakalaman iyon sa plano ni papa na nabanggit sa akin ni Yuri.
Buong araw ay iyon ang naging usap-usapan. Naging abala din ang lahat dahil mukhang may mga iniutos sakanila si papa. Narinig ko rin na may meeting sila na kasama sila Marco.
Hindi ko na nakita pa si Marco kaya nag-stay na lang ako kila Yuri. Nag-usap ulit tungkol sa sinasabi niya at nag-test na kung ano ano. Masasabi ko ring, medyo naliliwanagan na nga ako at konting-konti na lang, maniniwala na ako.
Nagtataka rin ako, bakit ganoon? Nagtaka pa iyong kaibigan ni papa na may anak na babae si papa. Meron din sa loob ko na baka nga nagkataon lang? Hindi naman siguro dapat ay kilala ako?
Napagplanuhan din namin nila Yuri kung anong gagawin sa dugo ko. Hindi naman talaga pwedeng tulungan ang lahat dahil baka ako ang mapahamak. Ang sabi niya, gagawan na lang niya iyon ng paraan.
May nagawa na rin siyang gamot na makatutulong para makabawas doon sa virus, at sabi niya ay pwede iyong haluan ng kaunting dugo ko, at maaari na iyong antidote.
Kung ano-ano pang tests ang ginawa din niya kila Clever para daw ma-monitor din ang dugo nila. Siyempre, dati silang infected. Kumukuha din siya roon ng maaaring makakumpleto sa antidote na naiisip niya.
Natapos ang araw namin nang ihatid ulit ako ni Yuri sa kwarto kinagabihan. Hindi na ako umasa pa na magkikita kami ni Marco dahil alam kong abala siya ngayon.
Nakapasok na ako sa loob ng kwarto ko at isasara na ang pinto nang biglang may marahas na pumasok ako hinawakan ang braso ko. Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga sa kama na pinapatungan ng naka-itim na mask na lalaki.
May kasama siya, at nakita ko kung paano nito mabilis na ni-lock ang pinto na animong bantay pa roon, nakangisi sa amin. Naka-mask din siya pero bakas doon ang mala-demonyo nitong ngisi.
Mahigpit ang hawak niya sa akin lalo pa ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Sa tangkad niya, nang pumatong siya sa akin ay nahihirapan akong ibangon ang sarili ko!
"Let go of me!" Mga salitang sinasabi ko ngunit walang silbi dahil nga tinatakpan niya ang bibig ko.
Sinubukan kong sipain siya ngunit ang kasama niya sa likod ay hinawakan ang dalawa kong paa ng mahigpit. Naglabas ng tali ang nakadagan sa akin at nag-umpisang itali ang mga kamay ko.
Dahil isang kamay lang niya ang nakahawak sa dalawa kong kamay dahil abala siya sa pagayos ng tali ay kinuha ko iyong pagkakataon para bawiin ang kamay ko't sapakin siya ng malakas.
"Who the hell are you?!" Gigil na sabi ko.
Napaatras siya at doon ay tinulak ko siya ng malakas dahilan para mawala siya sa ibabaw ko. Bumangon ako at sinuntok siya sa mukha dahil hindi pa siya nakakarecover doon sa sapak ko kanina. Itinulak ko siya ng malakas at naitulak din ang kasama niya sa likod niya, nawala na ang pagkakahawak sa mga paa ko.
Pareho silang natumba sa sahig. Tumayo iyong kasama niya at umastang lalapit sa akin pero inunahan ko na ng malakas na sapak. Natumba siya, nadaganan pa ang nasa likod niya. Pareho na silang tumba ngayon.
Inis kong tinanggal ang bonet nila pareho. At laking gulat ko ng si Lester at si Warren iyon. Parehong dumudugo ang labi nila, si Warren ay nakayuko habang si Lester ay masamang nakatingin sa akin.
Sa inis ko ay sinapak ko pa si Warren dahilan para matumba siya at mawalan ng malay. Ramdam kong nagulat at natakot doon si Lester pero pinilit niyang magmukhang hindi natatakot at mas sinamaan pa ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Operation: Last Suicide
Science FictionIt all started when Pristine and her best friend, Yuri came to an old and abandoned laboratory to find an answer for their so called "own research". Dahil sa kagustuhan na makagawa ng antidote ng isang nasabing virus ay pinili nilang puntahan ang si...