Kabanata 1

34 2 0
                                    

Kabanata 1
Sugat

Gaya ng inaasahan, nagkaroon ng maiksing misa si Lola. I know, she was just worried. Tuwing narito ako sa mansion nila Lola nararamdaman ko na hindi ako nag-iisa. Hindi naman ako pinapabayaan ni Mommy pero iba ang pakiramdam ko kapag ako lang ang naiiwan sa bahay namin sa Bulacan at minsan ay kasama ko ang mga kasambahay.

"Lola, I told you po, hindi ako kumain kasi hindi ako nagugutom." paliwanag ko at isinabit ang aking kamay sa kanyang braso at humilig sa kanyang balikat.

"Hindi ko na po uulitin." I said and raise my right hand.

Mabuti na lang at hindi ako napagalitan ng todo. Well, hindi naman talaga ako pinapagalitan. Naalala ko muli ang mukha ng taong sinadya ko sa koprahan.

"Be preapared hija,  your Tito's will be here later." nagulat ako sa sinabi ni Lola bago umalis ng kwarto ko. Sila Tito?

Naghanap ako nang maayos na dress. My Tito's are strict and a bit dictator. Bumaba na ako patungong dining para masalubong sila.

Maya-maya pa ay nakita kong pumasok ng dining si Tito Felix. Napangiti ako at gano'n din siya. Sa braso niya'y nakasabit ang kamay ng kanyang asawa. Pangalawang asawa. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa babaeng 'to. 

"Hi, Tito Felix!" bati ko at niyakap siya.

Sila Lola at Lolo ay hindi makangiti ng buong puso. Dahil siguro sa kasama ni Tito Felix. My Tito's are gwapo. Parang hindi sila tumatanda.

"Hi, Tita Rida."

Rida. Yak. Lumapit ako at nagbeso.

Pwe. Ramdam ko ang kaplastikan niya.

Well, the feeling is mutual. Tito Felix is popular in this place and in the neighboring places for being charismatic. He entered the politics few years ago and of course... all are blinded by his charms. He's a doctor too.

Kinabahan ako bigla ng nakitang papasok na si Tito August.  Ang noo'y natural na lukot kaya lagi mong mapagkakamalang galit. Hinanap ko kung kasunod niya ba si Tita Alicia pero wala akong nakita. Baka abala sa ospital.

I greet all of them just like how I greet my favorite tito, earlier.

"So, hija are you staying in your school?" tanong ni Tito August.

"Siguro po." sagot ko.

"Why don't you try in Manila? Mas maganda do'n." suhestiyon ni Tito August.

Uminom ako ng tubig.

"Ayaw po ni Mommy na mag-Maynila ako." he laugh mockingly.

"Si Eula talaga." at napailing-iling habang tumatawa.

Pagkatapos ng hapunan na iyon ay parang may gusto akong alamin. Nagusap ulit kami ng mga kaibigan ko. Si Nortia ay nasa bahay nila nagmumukmok at si Maia ay nasa Ilocos.

Napabuntong hininga ako. Sana ay hindi na lang gumabi. Kinabukasan ay parang hindi ako natulog. Matamlay akong nagbihis at kumain ng almusal.

"Manang sila Lolo po?" tanong ko habang pinaglalaruan ang tinapay sa kamay.

"Nasa sentro po, Senyorita. Linggo ngayon kaya nando'n sila sa simbahan. Ang sabi kasi ng Lola niyo ay ayaw niyo daw magising kaya hindi ka na isinama."

Napatango ako.

Naglakad-lakad ako  patungo sa mga katabing bahay nila Lola dala ang isang libro. Ang mga bahay dito ay magkakalayo. Ang sunod na bahay ay nasa isang daang metro, siguro.

"Tao po." tawag ko sa labas ng bahay na hindi kalakihan.

Ang bubong ay gawa sa yero at ang dingding naman ay sementado. May sumungaw na  babaeng hindi katandaan.

Catching the Warm Sun(Maldita Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon