Kabanata 26

12 1 0
                                    

Kabanata 26

Date

Lumipas ang mga araw at hindi ko pa rin naitatanong sa kanya kung ayos lang ba sya after that incident. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kanya ni Tito August.


Naalala ko ang dinala niyang pinya. Masarap siya kagaya ng dati. Sakto ang asim at tamis. Hindi rin siya makati.

Kaharap ko ang laptop para i-review ang thesis para sa final defense. May nalaglag na mga tuyong dahon mula sa puno. Tiningnan ko ang cellphone, baka-sakaling may nagtext. Itinaob kong muli nang makitang wala.

He must be hurt.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hinihintay ko ang text niya? May gayuma siguro ang mga pagkain na ibinigay niya sa akin!


Tatawagan ko sana ang dalawa nang maalala na abala din pala sila.

"Eileuthea!" lumingon ako. Hindi ako nagkamali. Si Byron. Inabala ko ang sarili sa thesis. "I'm sorry about that night." ang buhok niya'y nakadapa hindi katulad ng palagi niyang ayos.

"It's okay--"

"Anong ginagawa niyo dito?" naputol ang sasabihin ko dahil sa pagdating ni Annelie.

"Wala." sagot ko.


"Are you going to Fate's birthday?" tanong ni Ron. Tiyak ay invited din siya. Of cours, they're friends.

"Yeah, perhaps." tamad kong sagot ng hindi tumitingin sa kanya.

Tumingin ako sa relo at nakitang may kalahating oras pa bago ang sunod at huling klase sa araw na 'to. Umalis na kami ni Annelie at nagdahilang may klase na.

Sometimes, it's not good to be kind always. Kapag mabait ka ay sasamantalahin. Kapag mabait ka hindi sila maniniwala kung totoo ba 'yon. Kapag mabait ka, hindi ka totoo.

I don't know where to put myself.


Gusto kong ihagis ang telepono habang nasa klase. Atat na atat na akong lumabas. Wala akong nabasa sa mga texts niya maliban sa 'goodmorning' at 'goodnight'!I know that it's a bit cold.


Madilim na nang matapos ang klase namin. Dumiretso ako sa parking. The driver must be here, it's already dark.

Luminga ako para hanapin ang sasakyan ngunit naagaw ang mata ko ng lalaking nakasandal sa sasakyan niya.

He open the door when he saw me. Nagdalawang isip ako kung papasok o hindi. Sa huli ay naglakad ako palapit sa kanya. Magulo ang kanyang buhok at ang dalawang butones sa itaas ay hindi na nakakabit.

Ikinabit niya ang seatbelt ko. Masyado ata akong tulala.

"Sorry, kakauwi ko lang mula sa Davao." tumango ako. I'm not asking for an explanation. Kaya pala ganyan ang itsura niya, mukhang pagod. Pero unti-unting umaaliwalas ang itsura niya ngayon.


"Okay." tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi pa rin umaandar ang sasakyan.

"W-wala ka bang itatanong?" tanong niya.

"Anong itatanong ko?" I said casually.

"It's up to you." sagot niya at pinaandar ang sasakyan.

"Wala naman akong itatanong." sagot ko at umayos ng upo. Inayos ko ang paldang tumataas.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi niya naman sinabi.Abala ako sa pagtingin sa labas. Gusto ko siyang sigawan dahil mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan.


Catching the Warm Sun(Maldita Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon