Kabanata 10

14 1 0
                                    

Kabanata 10
Nene

"Lola, pupunta lang po ako doon." bulong ko at itinuro kay Lola ang batuhan habang kausap niya ang ilan pang matatanda.

Sumama ako kay Lola sa kanilang pagligo sa hot spring. La Purisima is known for it's natural hot springs. Pati sa mga karatig na siyudad ay mayroon din pero resort na iyon. Hindi tulad dito.

Almost two weeks na lang at babalik na ako sa Bulacan. Babalik na ako sa impyernong eskwelahan na 'yon, but thank you for my friends dahil hindi ganoon kainit do'n.

Tinanaw ko ang mga tao na nasa baba. Ang iba'y masayang nagtatawanan kasama ang pamilya never experienced that.

Tumayo ako para lumusong na sa hot spring. Tinahak ko ang pababang daan, pumunta ako parteng kaunti lang ang tao.

"Ang ganda pala dito!" dinig kong wika ng isang babae. "Teka, akala ko ba pupunta siya?" dugtong pa.

Sinilip ko kung sino ang paparating. Kumapit ako sa bato dahil baka dumiretso ako pababa sa tubig.

"Susunod daw siya, may tatapusin lang." narinig ko ang pamilyar na boses. Halos mabali ang leeg ko mahanap lang ang nagsalita.

Sila Alondra!

Nagtago ako sa likod ng malaking bato. Ayokong may mabuong tensyon sa pagitan naming dalawa. Syempre, kapag nagsimula siya hindi ako papatalo!

Umakyat ako pabalik. Nangangalahati na ako sa hagdan ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Eileu? Ikaw nga!" I saw the smile in her face pati sa mga kaibigan niya. "Gusto mo sumama sa'min? Birthday ko ngayon!" hindi ako nakapagsalita sa alok niya.

"Eileuthea," narinig ko ang boses ni Lola sa itaas. "Sige, sumama ka na muna sa kanila." napangiwi ako sa sinabi ni Lola.

They are seven in the group ang tatlo ay lalaki at apat ang babae. Isa lang ako. Ipinagtabuyan ako ni Lola para makisalamuha sa kanila. Of course it's an order from the elder, kaya dapat sundin.

May mga dala silang pagkain. Tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ang paligid. Sila'y nagku-kwentuhan. Kinakausap naman ako ng tatlong lalaki pero hindi ang mga babae.

"Si Leiou!" daing ng mga babae at lumingon sa itaas.

Napaigtad ako sa gulat. Nataranta ako sa kinauupuan kong bato. Natanaw ko nga siya at may kasamang dalawa pang lalaki. Ang isa'y may shades pa at hindi nagkakalayo ang itsura nito kay Leiou.

"Leiou, buti nakarating kayo." bungad ni Alondra.

Malapad ang kanyang ngiti.

Hindi ako gumalaw sa kinauupuan, nakatalikod sa kanilang lahat. Ang mga paa ko'y nasa tubig. Paminsan-minsan ay nahahagip sila ng mata ko. Kinakabahan tuloy ako.

"Happy birthday." simpleng bati ni Leiou na ginaya ng dalawa niyang kasama.

Nagtago akong muli patungo sa batuhan baka magalit pa sa akin si Alondra. I can here their laughs from here. Masaya silang nagki-kwentuhan. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta nang marinig silang patungo na sa tubig. I calmed myself para di obvious.

"Eileu! Nandito ka lang pala." puna nang isang lalaking kaibigan ni Alondra.

Ngumiti ako bilang sagot. The guy sit beside me. Ginaya ang ginagawa ko. Ang iba'y nasa kabilang lagoon nagtatampisaw.

Leiou's eyes drifted on me... and next to the guy beside me. Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa aking mga paa.

Ang suot kong shorts ay maiksi lang at ang itim kong bra ay kita dahil nakababa ang puting maluwag na t-shirt. Hinayaan kong makita ang aking balikat. Nag-angat ako ng tingin at mariin ang kanyang tingin. Naalis lang iyon ng tawagin siya ng kaibigan niya at sumama sa grupo nila Alondra.

I wonder what's the feeling of having an interaction to a group of people. I painted a little smile on my face.

"Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" tanong ko dahil nananatili pa rin siyang nakaupo sa tabi.

"Ayos lang... wala kang kasama dito, e." napakamot siya ng batok.

"Ayos lang ako dito. What's your name, anyway?" tanong ko.

I only have two friends on my list. Si Nortia at Maia lang ang itinuturing kong kaibigan. Hindi ko pa nararanasan ang magkaroon ng kaibigan na lalaki.

"Franco." he said and extended his arm for me. Tinaggap ko na.

He's kind of funny, sometimes. Masayang kausap. Nang umahon sila ay tanghalian na. Natanaw ko si Alondra at Leiou na nag-uusap.

"Alondra! Halina kayo!" sigaw ng babaeng kaibigan niya.

Umahon ako sa tubig. Franco help me to get up. Ang mga kaibigan ni Alondra ay may hawak na hindi kalakihang bilog na cake. Palapit pa lang sila.

"Babalik na ako sa taas." bulong ko kay Franco pero pinigilan niya ako at nahawakan ang braso.

Ang buhok niya'y basa at kaunti lang ang tangkad sa akin. Maayos naman ang katawan, hindi nga lang katulad ng kay Leiou.

What?

"Happy birthday!" sigaw nilang lahat.

Alondra covers her mouth in shocked. May mga hawak na lobo ang mga kaibigan niya. Si Leiou ay nakatingin sa kamay ni Franco na nasa braso ko? Hindi ko alam.

"Mag-wish ka, Alondra!" inilapit nila ang cake kay Alondra. She took a glance to Leiou before blowing the candle. Napairap ako.

Naupo sila sa kwadradong mesa. I'm not familiar with some of the foods. I realised that there are no more seats for me. Nahiya ako, sampid lang talaga ako rito. Tumayo si Leiou mula sa kinauupuan niya.

"Dito ka na." I saw Franco stand up too.

"San kana mauupo, Leiou?" si pabidang Alondra.

"Ayos lang akong nakatayo." sagot naman niya. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Ayos lang ako, babalik na lang sa cottage namin sa itaas." sagot ko.

"Okay. Ihahatid na kita." nagulat ako sa sinabi niya. Before I could say anything, he grab my arm and walked away from them.

"Hindi mo na ako kailangang ihatid pa." masungit kong sabi at pumiglas sa hawak niya nang makalayo kami at mapadpad kami sa liblib na bahagi ng lugar na ito. Hindi ko na alam kung nasaan kami.

"Bakit? Sino ang gusto mong maghatid sayo? Ang totoy na 'yon?" nag-init ang ulo ko sa sinabi niya but still, he looks so calm.

"So, ano ako sayo? Nene?" I saw the shock in his face. Tumawa ako. "Excuse me, Manong! Aalis na ako." I spit in his face and turned my back.

"Sandali." nakuha niya ang siko ko. "Can you..." kinuha niya ang damit kong nalaglag mula sa balikat at pilit na isinabit sa balikat ko.

"Change your clothes. I almost see it... they almost..." pumikit siya at tumingala. Ako naman ang tulala ngayon.

Tumingin muli siya at nalaglag muli mula sa balikat ko ang damit. Kinuha niya muling iyon at itinaas. Tinampal ko ang kamay niya.

"Ano ba!Ganyan talaga, yan. Nasa style ng damit! Fashion ang tawag jan!" sagot ko.

"I don't care."

"I don't care, too!" inis kong sagot at tinalikuran siya. Nagmartsa ako sa mga tuyong dahon.

Bakit ba siya nakikialam?Anong pakialam niya? Bakit hindi na lang siya nag-stay sa birthday ni Alondra! Bakit sa akin nakatuon ang atensiyon niya.

Hinanap ko ang daan pabalik. Tuliro ba ako kanina noong hawak niya ang kamay ko?

No..Duh.

Nagbihis na ako ng damit at hindi na muling bumalik doon. Alas tres ng umuwi kami ni Lola at natanaw ko pa rin sa ibaba sila Alondra. Kinuha ko ang bag at isinabit sa balikat. Magpakasaya kayo! Mukhang maligaya ang birthday ni Alondra.

Catching the Warm Sun(Maldita Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon