Kabanata 5
NamumulaI don't know what really happened last day. Kung ano man 'yon na ayaw nilang ipaalam sa akin ay hindi ko alam kung ano ang dahilan. That's the disadvantage if being young, when you want to meddle with things they wouldn't let you.
Si Mommy naman ay hindi ko na naabutan. Maagang umalis kanina. She just texted me.
Itinaas ko ang aking palad at saka kinuha ang araw gamit ang hinlalaki at hintuturo.
I am laying in the very green lawns in front of the mansion. Alas otso pa lang ng umaga kaya hindi pa masakit sa balat ang araw. Nakahanda na ako para turuan ang mga bata. May inihanda akong babasahin sa kanila para ngayong araw. Pero basics pa lang naman.
Tumayo ako para makapunta na sa kubo na nagsisilbing classroom namin. I walked down the stairs and hugged the books and the other is holding the cartolina and manila paper that will be serve as visual aids, plus the food for the children.
It's not that heavy, though.
Tumawid ako ng kalsada at sinalubong ng mga bata. Mabuti at paminsan-minsan lang may dumaraan na mga sasakyan dito. Ang mga batang ito ay naglalaro pa sa gitna ng kalsada.
"Ate Eileu.. tulong po gusto nyo?" tanong ni Gian.
"Hindi na. Kaya na ni Ate ang mga 'to." sabi ko at ngumiti.
Gian is the sweetest among them. Nakakatuwa ang batang ito. Kinuha niya ang kartolina na nasa aking kamay.
Nang makarating kami sa kubo ay parang gusto kong bumalik sa mansion. Leiou is looking at us while his hands are inside his pockets. Nakauniporme at dala ang backpack na itim. He smiled but I ignored it. Tumingin ako sa lupa.
Inilagay ko ang mga dala sa mesang pabilog sa gitna. Ang mga bata'y hindi ko pa man sinasabihan na maupo ay naupo sa pahabang upuan. Nag-indian sit sila sa upuang kawayan dahil medyo malapad naman iyon.
Si Leiou ay nakasandal sa haligi habang pinapanuod kami.
"Good morning, children!" bati ko sa kanila. Sumagot naman sila ng sabay-sabay.
"Wala muna tayong kwento ngayong araw ha. Tuturuan ko kayong magbasa ng alphabet. Kilala niyo na ba sila?"
Nagtaas ng sagot si Gian.
"Ate, bakit po hindi mo kinakausap si Kuya Leiou? N-nalulungkot siya do'n oh. Pinapunta ko pa man din siya dito." napalunok ako sa sinabi ni Gian.
Minsan duda ako kung bata ba ito si Gian e. Parang hindi.
"Aalis na yata si Leiou, Gian. Kay--"
"Hindi. Mamaya pa ang klase ko." sagot niya.
Napatango na lang ako. Kinuha ko ang visual aids at ang hanger na may mga ipit. Lumapit ng kaunti si Leiou.
"Ate Eileu, bakit po hindi Kuya ang tawag mo sa kanya? Lahat kami Kuya Leiou ang tawag bakit ikaw hindi?" ngayon ay si Karen naman ang nagtanong. The oldest one.
"Syempre, Ate Karen alangan namang kuya ang itawag mo sa boyfriend mo!" singit naman ni Gian.
Nagpasalit-salit ang tingin ko sa dalawa at saka napatingin kay Leiou na nagpipigil ng ngiti.
"Mga bata, tumigil na kayo. Magsisimula na kayo. Listen to your teacher." sabi niya sa mga bata at tumigil naman. I saw Gian smiling widely.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang ituturo ko gayong narito si Leiou at pinapanuod ang mga galaw ko. Ang kamay ko'y nanginginig at kitang kita ko iyon habang itinuturo ang mga letter sa kartolina.
BINABASA MO ANG
Catching the Warm Sun(Maldita Series #1)
RomanceEileuthea is always longing for a father's love. She only feel it when she's with her grandparents in La Purisima. April comes again and she was very excited going back to that province because she was not that happy in school. She was excited to...