Kabanata 6

13 1 0
                                    

Kabanata 6
Irresponsible

Gusto kong lamunin na lang lupa. Frustrated kong isinubsob ang sarili sa unan. Bakit kailangang sa harap niya pa?

May kumatok sa pinto.

"Bukas po 'yan." sabi ko.

"Senyorita." sumilip ako at nakita si Ate Maria na may dalang pagkain. "Hindi pa po kayo nananghalian." umirap ako ng hindi niya nakikita.

"I won't eat 'til you stop calling me Senyorita." pumikit ako.

"Señ--...  Eileu, ala una na! Magagalit sila Don Dencio kapag nalaman nila 'to." saad niya.

Bumangon ako sa kama at sinilip kung ano ang dala niya.

Kare-kare.

"Okay, fine. Kakain na ako... sa isang kondisyon."

I smiled playfully at her while she's confused. Kinuha ko ang dala niyang pagkain at sinimulan nang kumain.

"Ate Maria..." nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig. "Kilala mo ba si Leiou?" tanong ko at sumubo muli.

"Ah, oo naman. Ang gwapo ng binatang iyon, e." nakangiti niyang sagot sa akin. Naupo siya sa kama ko.

"Bakit? Gusto mo?" nasamid ako sa tanong niya.

"Hala! H-hindi ah. Tinatanong ko lang naman." kinagat ko ang kutsara.

She smiled maliciously.

Ate Maria is an old unmarried woman. Hindi naman gano'n katanda. Late forties siguro.

"Nasaan po ang nanay ni Leiou?" tanong ko ng habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Naku. Patay na ang nanay no'n limang taon na ang nakalipas." my eyes widened in shock.

"Bakit hindi ko alam iyon?" frustrated kong tanong.

"E, wala naman kayo no'n dito. Hindi bakasyon nangyari iyon kaya hindi mo talaga alam."

"E, ang papa niya?" alangan kong tanong.

"Nasa eskwelahan. Propesor ang tatay no'n. Nakakaawa ang nanay niya. Karma niya 'yon." I hear the sadness in her voice.

"Bakit po?"

"Kasi dating nobya iyon ng Tito mo. Kumabit daw sa kay Sir Au--..." hindi niya naituloy ang sasabihin at napatingin sa akin.

"Ano po? Kay Tito August? E, paano naman si Tita?" tanong ko. "Ano pong ikinamatay niya?"

So, they are ex-lovers even before?

"Naku. Wag mo nang isipin."

"Pakisagot na lang po yung tanong ko!" medyo naiirita na ako.

"Ewan ko. Basta ang usap-usapan ay kinulam daw kasi hindi naman matukoy ang pagkamatay. Wala naman kasing maka-bagong mga instrumento para malaman kung ano ang sanhi. Ang lakas-lakas pa no'n kaya nagtaka ang mga tao."

Nahabag ako sa kwento niya. Hindi ko alam iyon.

If that's true that her mother is having an affair with Tito August kaya pala hindi ko nakikita si Tita Alicia! Maybe, that was the reason, huh?

Nang mag-hapunan ay sakto ang pagdating nila Lolo at Lola galing bayan. Tumayo at nagmano sa kanila. They look tried as they sit in the dining table.

"Lola, nasaan po pala sila Tita Alicia?" nagkatinginan ang dalawang matanda.

"Nasa bahay nila sa Naga, hija. Bakit mo naitanong?" si Lolo.

"Wala lang po. I haven't seen her even Tito August came here... last time." paliwanag ko.

Catching the Warm Sun(Maldita Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon