Kabanata 30

11 1 0
                                    

Kabanata 30

Halik




Sa gabi ay hirap na akong makatulog. My heart is just too happy. Nag-uumapaw.

Shit. Bakit ba sinagot ko agad siya? Ilang linggo na ba simula ng manligaw siya? Kinuha ko ang kalendaryo at binilang.

Nakagat ko ang labi. Three weeks? Am I that easy to get?Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Pumikit ako at nag-relax.  Wala na akong magagawa.


Kinabukasan ay tanghali akong nagising. Nagulat ako nang makita si Mommy na nasa loob ng kwarto.

"Get up. Someone is waiting downstairs." napabalikwas ako sa kama dahil doon. Is it Leiou? Shit. Hindi ko naman akalain na maaga siya pupunta para magpakilala ng maayos kila Lola!

Nagmadali ako sa pagligo.



Kinakabahan tuloy ako sa magiging reaksiyon nila Lolo at Lola kapag nalaman nila na may relasyon na kami ni Leiou.


Pababa pa lang ako ay natanaw ko na ang nakangiting Byron.

"Hi. Surprise!" he is about to kiss me but I refuse. Halata sa kanyang mukha ang pagkagulat. " Sorry."


"What are you doing here, Ron?" I asked casually.

"Binibisita ka...and..to meet your grandparents too." he smiled.

Tumikhim ako.


"Wala sila Lola ngayon, e." pagdadahilan ko.

"It's okay, I can wait. I'll stay here for three days." masigla niyang bigkas.

F*ck. Siya lang ang masaya.

Baka dumating din si Leiou!Tiningnan ko ang oras at tanghalian pa lang. Nakahinga ako ng maluwag.

Gusto ni Ron na ipasyal ko siya sa plantasyon o kahit saan. Hindi ako makatanggi dahil narinig iyon nila Manang at pati ni Mommy.

"Ipasyal mo na, Senyorita." Ate Maria said maliciously.

Wala akong nagawa. I ended up walking in the plantation with him. Kapansin-pansin ang suot niya. Parang modelo ng sikat n brand ng damit. Nakatingin tuloy sa amin ang mga trabahador.

"Ang lawak ng lupain niyo, Eileu."

"Nila Lola." pagtatama ko sa kanya. Inaani na ang mga mais. Maraming sako ang nasa harapan namin binubuhat iyon ng mga lalaki ng walang kahirap-hirap.

Nagulat ako ng hawakan ni Ron ang kamay ko. Hinayaan ko na. I will clear everything to him after this.

Binati ko ang mga nakitang tauhan. They greeted me too.


Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa koprahan.

Natanaw ko ang malapad na balikat likod ni Leiou. He's removing the peel of the coconut using the sharp metal.

"Anong ginagawa nila?" tanong ni Ron na nagpalingon kay Leiou.

Omygod!Agad-agad kong kinalas ang kamay ko. Napatigil siya sa kanyang ginagawa.

What the hell is he doing here?Tahip-tahip ang kabang nararamdaman ko.



"Anong ginagawa mo dito, Senyorita?" tanong ni Leiou.

Now, he's calling me Senyorita again. "W-wala. Ipinapa..pasyal ko lang si Ron. Kaibigan ko." Leiou smirked.

Napalingon sa akin si Ron. "Bakit ka nagpapaliwanag sa kanya?" tiningnan niya si Leiou.

"Oh sorry, ikaw pala yan. We've met right?"

Lumapit si Ron kay Leiou. Itinigil ni Leiou ang ginagawa at hinarap kami.

Ron eyed at him, natatawa. It's insulting!

May takas na pawis mula sa noo ni Leiou.



"Mauuna na ako." paalam ko sa dalawa. Gusto ko nang makaalis. Ramdam ko ang pagsunod ni Ron. Nakakainis.


"Hey."

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating sa mansion.

"Umuwi ka na, Ron. We'll talk tomorrow." pagod kong sabi at umakyat na ng kwarto. Tumango naman siya.


Sorry. May nagawa ba ako?

Nabasa ko ang text ni Ron. Huminga ako ng malalim. I should've tell him the truth before...well I told him already. Nagbingi-bingihan lang siya.


Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Sumilip si Ate Maria.

"Si Leiou nasa baba." kinikilig pa siya.

I knew it. Inayos ko muna ang sarili bago bumaba. Kinakabahan akong tumungo sa sala. Nagulat lalo ng madatnan sila Lola at Lolo!

Tumayo si Leiou at ibinigay ang isang bulaklak na kulay asul. Naupo ako sa harap nila Lolo. Bumaba na rin si Mommy.

Seryoso ang mukha ni Lolo samantalang maaliwalas at nakingiti naman si Lola.

"Lola, Lola and Mom. Si Leiou po, b-boyfriend ko."

I don't know what to say due to my nervousness. Lola smiled wildly as she sip on her tea.

"Congrats, apo!" si Lola.

"Kailan pa?" nagulat ako sa tanong ni Mommy. I thought, she's a big yes to Leiou?Nakagat ko ang labi.

Tita na nga ang pinatawag niya, e!

"M-mommy.." nag-aalangan ako kung sasabihin ko ba.

"Kahapon lang po." nagulat ako sa pagsabat ni Leiou. Naramdaman ko ang kamay niyang pumunta sa baywang ko.

Si Lolo ay tahimik, walang imik. "Sino iyong lalaking pumunta kanina dito?" tanong ni Lolo.

"Si Ron po, kaibigan ko." nanlalamig ang kamay ko sa kaba.

Naghapunan kami kasama si Leiou. I think, Leiou is approved.

"I'll introduce you to Papa, once he's back. Gustong-gusto na niyang matapos ang seminar niya." natatawa niyang sabi. The stars above are twinkling. Malamig din ang simoy ng hangin.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang nakita ko kanina, Eileuthea." he added.

Anong sasabihin ko?What can I to make it up to him?Should I console him?

"Holding hands while walking, huh?" he mocked.

Ngumuso ako. "Hinawakan niya kasi--"hindi ko na naituloy. Parang mali. "I mean, we're just friends." palusot ko.



"Friends?Ikinahihiya mo ba ako, Eileuthea?" pumungay ang kanyang mata.

"What?..of course not!" nag-iwas ako ng tingin. Naglakad patungo sa bench. "I will tell him tomorrow. Sorry. Humahanap lang ako ng tiyempo para makausap siya. I see him as my friend, that's all!Noong nakita ko kayong magkayakap ni--" sumimangot ako. Masyadong madulas ang dila ko. Tiningala ko siya.

"What?" natatawa niyang tanong.

"See? Itinatanggi mo pa." hinampas ko ang tiyan niya. Shit.

What am I doing? I felt his abs!

Umupo siya sa tabi ko. "It's nothing. Siya lang ang nakayakap."

"Asus. Nagpayakap ka naman!" hasik ko at tumawa lang siya. But it was just a joke. I know. Alondra is just an intruder.

Tumango ako. Simula ngayon, I will trust him. We're building our foundation of this relationship. Except from love, trust should be present too.

I gave him a smack kiss on the cheeks. "Nakalimutan mo na ba?" tanong ko habang hawak ang pinto. "Isa pa?" tanong ko dahil wala pa rin siyang ekspresyon. Tumingkayad ako at hinalikan muli siya.

He smiled wildly. Halik lang pala ang katapat.

Catching the Warm Sun(Maldita Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon