Kabanata 14
StalkerAng tensiyon sa pagitan namin ni Nortia ay wala na. She came here in our house to say sorry. But it's not a big deal for me.
Umalis ako kahapon dahil naiinis ako sa inaasta niyang pag-uugali. Her happiness should not rely to someone else. At isa pa, naiinis rin ako kahapon.
And...about Leiou, he's still sending messages to me. Hindi ko lang pinapansin. And it's so damn hard to ignore that!
"Eileu," Nortia said while looking at the ceiling of my room.
"Seryoso ako sa sinabi ko kahapon. Hihintayin ko ang araw na umiyak ka ng dahil sa lalaki. Kahit sabihin mo na hindi ka iiyak, iiyak at iiyak ka pa rin." she paused. Tulala rin ako. Tumawa siya.
"Umiiyak ako hindi dahil mahal ko pa siya. Umiiyak ako para sa sarili. Nahihiya ako na na-fall ako sa ganoong klaseng lalaki. Feeling ko wala ng natira sa akin. Ang tanga ko."
"Walang natira sa'yo kasi ibinigay mo ang lahat, sobra-sobra." sabi ko. I understands her. Kung pwede ko lang siyang sampalin para magising ay ginawa ko na. "It's okay to cry...but to cry because of your fucking ex-es is not okay. We'll only fall once, sa tamang tao na bubuo sa'yong pagkatao."
"Wow! In-love ?" she said and we both laughed. She's crazy...we're crazy.
Kinabukasan ay ang unang araw ng pasukan. Nakakatamad, honestly.
Si Mommy ay busy palagi sa trabaho. She needs to do it, for me...at nakakainis iyon. Kahapon na nandito siya at ngayong umaga rin. Hindi siya nagmamadali. Ihahatid niya raw ako patungo sa eskwela. Hindi na ako umapila para makasama ko siya kahit papano.
Natanaw ko ang malaking tarangkahan sa main gate at ang pangalan ng school. It's shouting for fame and elegance.
"Bye, Mom." I said and wave my hands.She waved too.
"Take care, sweetie. I love you." she's holding the steering wheel.
"Love you too, Mom."
Tumalikod na ako. Ramdam ko ang kaba para sa araw na 'to. I'm sure Sasha will see me.
Pumunta na ako sa room dahil naroon na raw ang aming guro para sa orientation. Nasabi na sa akin kung anong number ng room namin.
"Good morning, Sir." I said and bowed my head. Their eyes is on me.
"You're late, Miss. Find your seat." gusto kong magmura ng makita ang mukha ng guro. Si Lorenzo!
Ang kaibigan ni Leiou.
Ang polo niya'y nakatupi hanggang siko. Hindi ko alam kung saan ako uupo. Tatabi sana ako kay Nortia pero may itinuro siyang upuan sa pangatlong row pagkatapos ay yumuko siya. Si Maia ay kalinya ko pero nasa kabilang side naman.
"Alphabetical." she muttered. She covered her mouth, this time. "Ang gwapo." natawa ako at hindi na lumingon sa kanya. Nakayuko siya para hindi makita ni Sir.
"What's my first rule?" ang teacher. Napalinga ako dahil hindi ko alam ang sinasabi niya.
"No one is allowed to be late." they said in chorus.
He's our teacher in pre-calculus?What? First class in the morning at numbers na agad ang bubungad sa akin. Ang boring.
"By next week ay magkakaroon tayo ng bisita. Magiging teacher niyo din siya. Galing ng ibang lugar kaya sinasabi ko na ng maaga sa inyo."mukhang masungit si Sir.
"Lalaki po ba, Sir?" si Nortia.
"Yes. Bakit?Kung babae?" sagot ni Sir.
"Nakakalungkot iyon. Malay mo gwapo. Wala kasi akong makitang gwapo dito, e." nag-react ang mga kaklase naming lalaki.
BINABASA MO ANG
Catching the Warm Sun(Maldita Series #1)
RomanceEileuthea is always longing for a father's love. She only feel it when she's with her grandparents in La Purisima. April comes again and she was very excited going back to that province because she was not that happy in school. She was excited to...