Kabanata 27

11 1 0
                                    

Kabanata 27

Surprise


Magana akong nakinig sa lecture ng aming matandang professor. Usually, madalas ay inaantok ako sa oras niya pero iba ngayon.

Nag-vibrate sa kamay ko ang cellphone. Nasa bandang likod ako kaya hindi ako makikita ng propesor. Binasa ko ang text mula kay Leiou.




Makinig ka sa lecture niyo:)

Sumimangot ako. Itinaob ko ang cellphone at napangiti muli. Pinagmasdan ko ang kanyang cellphone.

We've exchanged phones last night. Sabi niya kasi. Ibinigay niya sa akin para mapawi ang nararamdaman ko. If Alondra will call, then I'll answer it. Ang cellphone ko ang gamit niya. Tiningnan ko ang contacts niya, iilan lang ang laman.

Nakita ko ang pangalan ni Alondra. Napairap ako. I was about to delete it pero hindi ko na itinuloy. Tss.


"Eileuthea, bago ba ang cellphone mo?" tanong ni Nortia habang kumakain kami ng lunch. We met today because she's bored.

Inagaw niya ang cellphone mula sa kamay ko. Tiningnan niya ang harap at likod. Madali niyang nabuksan iyon dahil wala namang passcode.

"This is not yours!" eksaherada niyang saad. Mukha bang ninakaw ko?Inagaw ko iyon sa kamay niya.

"Sa palagay mo Norsh kanino 'yan?" mapang-asar na tono ni Maia. Minsan lang kami magkasabay ng lunch dahil sa di magtugmang schedule.

Umirap ako.

"Kay Byron?" sabi nya. Umirap din si Maia.

"Gaga, kay Leiou syempre!" uminom siya ng tubig. "Alam mo ba..."

"Hindi." sagot Nortia.

Natawa ako sa dalawa. Seryoso si Maia sa pagk-kwento pero ginagago siya ni Norsh.

"Nakita ko 'yan kahapon sa parking sinundo ni Leiou!" bulong ni Maia kay Nortia. Hindi akalain na makikita niya iyon. Well, it doesn't matter, anyway.

Hindi ko pinansin ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.

"Mga lalaki talaga, kung hindi dalawa ang calculator, dalawa ang cellphone!" napatingin ako kay Nortia. "Paano ka naman nakakasiguro na iyan lang ang cellphone niya? Maraming pera 'yon. Iba-ibang cellphone kada-babae!" she concluded.

May punto siya. Paano nga kung may ibang cellphone pa siya na para lang kay Alondra? Napa-iling ako sa naisip. Nilalason lang ni Nortia ang isip ko. I should trust, Leiou.

"Don't compare him to your exes, Norsh. Iba-iba silang lahat." I sipped on the coke.

"No, they are all just the same." she simply said and bite the big pork belly.

"Broken again." saad ni Maia at abala din sa pagkain. Tss. They are too slow.


Ilang araw din kaming nagpalit ng telepono ni Leiou. Dahil abala rin siya sa trabaho hindi ko siya nakita ng ilang araw. He's in Davao again but we have our communication. He will call every night and when he's free.

"Hija, your everyday supply of flowers is here." si Mommy. I am almost already done with my make up. Kita ko na ayos na si Mommy. Bihis at naka make up na.

"Again?" sabi ko at tumingin sa salamin. She put it on my bed. Leiou never fails to sent flowers everyday. Kung wala siya, nariyan ang mga magagandang bulaklak.

I put the light red lipstick on my lips. Ayos na siguro 'to. Bagay ang puti kong dress at ang bangs kong nakalaylay.

Today is Fate's birthday. Minsan ko na lang siyang makita dahil sa Maynila na siya nag-aral ng kolehiyo. Ayos na rin siguro iyon dahil sa tuwing nakikita niya ako ay kumukulo ang dugo niya sa akin. I can't blame her though. Kahit sino naman siguro.


"Hi, Tita Eula." narinig kong bati ni Ron kay mommy sa sala. Ngumiti ako ng makita sya.

"Hi." tangi niyang nasabi habang nakatitig sa akin.

"Let's go." pag-anyaya ko. He insisted to drive us there. Choice niya 'yon kaya bahala siya.



Kita ko ang pagbulong-bulungan ng mga tao ng dumating kami. I don't know if it's because of Ron with me or...because of the past that cause a severe wound on each parties. The hall is big and surrounded by flowers.


"Byron!" tawag ng mga kaibigan niya. He held my hand. Si mommy ay pinuntahan na si Tita Cybele. Nailang ako sa mga tingin ng mga kaibigan ni Ron. They look at our hand.

"Hi, guys." bati niya sa mga kaibigan. I smiled shyly at them. The other girls are staring at us. "Si Eileuthea." pagpapakilala niya.

"Girlfriend mo?" tanong ng isang lalaki. Hindi sumagot si Ron sa halip ay tumawa lang.

"F*ck you, dude!" nagkantyawan ang magkakaibigan. Masaya ang mga lalaki samantalang ang mga babae ay nakasimangot.



Nagsimula ang party at ang pagdating ni Fate. Hindi ako makapalag sa ginagawa ni Ron. Salamat na lang at dumating sila Janus at Daddy.

Ang ibang mga kamag-anak nila Daddy ay dumating rin. Pati ang Mama ni Daddy ay dumating din.

Janus kissed Lola's hands. Kinuha ko ang kamay ni Lola para magbigay-galang pero tinabig niya ang kamay ko. Natulala at napahiya ako. Hinawakan ni Daddy ang braso ko. My chest hurt ache at that.

"It's okay, hija." sabi niya ng mawala sa harap namin sila Lola. Tumango at ngumiti ako.

"Ate Eileu, I have something to show you." si Janus. I know they are just trying to make me feel okay. I'm okay. It's okay, if they can't accept me to be part of their family.

Hinatak ako ni Janus patungo sa labas ng hotel patungo sa garden.

"Ano ba ang ipapakita mo, Janus?" tanong ko.

"Easy."

Pinihit niya ang ulo ko patungo sa isang direksyon. I saw Leiou standing with his hands on his pocket.

"You're b-back." tangi kong nasabi. Ang titig niya'y tagos hanggang buto.

"Yeah. I was about to surprise you...instead, I'm surprised." malamig ang kanyang mga tingin. Lumapit ako sa kanya.

"Why?" I asked without looking at him.


"Ang akala ko may babalikan pa ako...ang akala ko may liligawan pa ako, wala na pala." napalingon ako sa kanya.

"Bakit?" natatawa kong tanong.

"Why are you laughing?Masaya ka ba na nasasaktan ako?" napawi ang mga ngiti ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na kayo na pala ng lalaking 'yon? Pinaasa mo ako, Eileuthea." I felt him at that.

"What are you saying?Ni-wala nga akong boyfriend. Tsaka ni-hindi pa kita sinasagot kaya paa..no--" hindi ko naituloy ang sasabihin nang mapagtanto ang sinasabi. I saw his lips twitched at that.

"Really?" he filled the spaces between us. Nakagat ko ang labi at napayuko. My heart is beating so fast and aloud. "But he'd touched and held your hand." he whispered.

I swallowed hard.

"Ate." unti-unting lumayo si Leiou sa akin. "Sorry, bro." ang natatawang Janus.

"Hinahanap ka na sa loob." Dagdag pa niya. Tumingin ako kay Leiou at tumango siya habang nakangiti.

"Go ahead, I'll wait you here."

Nanlaki ang mata ko. Hinatak na ako Janus papasok sa hall. Omygod!Ano ba iyong pinagsasabi ko!


Catching the Warm Sun(Maldita Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon