Kabanata 16

14 0 0
                                    

Kabanata 16
Teacher

Inabala ko ang sarili sa pag-iisip ng isusulat. Sa dami ng naiisip kung maaaring maging topic ay hindi ako makapag-decide.

Nakita ko ang mga litratong ibinigay sa akin ni Sasha. May maganda din palang dulot ito!

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. My eyes is just too sleepy to open it. I snooze the alarm. It alarms every ten minutes and snoozed it for 3 times.

I'd just realise what I did. It was already six fifteen in the morning!What the hell.

I took a bath as fast as I could. Kailangang makaalis na ako ng bahay dahil malalate na ako, panigurado.

Delikado.

Apat na minuto na ang nakalipas ng makarating ako sa ikatlong palapag kung nasaan ang aming room. I was praying hard that our teacher isn't inside, yet.
I opened the door and look at the table in front. Nakahinga ako ng maluwag ng walang makitang gamit sa ibabaw. I walked confidently.

"You're late, Miss Fontanilla." nagulat ako nang marinig ang boses ni Sir. Napalingon ako sa likod at napangiwi ng makitang naroon siya.

"Sorry, sir." sabi ko at yumuko.

"Letter from your parents tommorow. Sit down."

Napaangat ako ng tingin. Letter?Ganoon siya ka-strikto?Narinig ko ang pa-impit na daing ng ilang mga babae sa harapan. They are looking at the back.

Naupo ako at medyo lito.

"As you can see, Sir Leiou Del Fuego..." sabi ni sir Lorenzo at hindi na tinapos ang sasabihin. Napalinga ako at kinabahan. Nakita ko siyang tumayo mula sa isang upuan sa likod.

"Introduce yourself, Lei--. Sir." I saw the both of them smiled. Lumingon ang dalawa sa akin ng makahulugan. Naalala siguro nila.

Siya ba iyong tinutukoy ni sir na magiging bisita?Oh, I'm so lucky. I duck a bit in my seat.

"Good morning. I'm Leiou." ang kanyang matigas na ingles ang nagpatayo sa mga balahibo sa braso. "I'm in my fifth year of taking civil engineering. I'll be here for at more than two weeks." marami pa siyang sinabi na hindi ko na naintindihan. Umalis ako ng La Purisima dahil sa kanya tapos, naririto siya!

Ano bang buhay 'to.

He sits at the back. Kabado ako dahil baka matawag ako ni sir. Wala akong naiintindihan dahil sa kaba. This is embarassing. Bakit ngayon pa ako na-late!

"Ang gwapo ni sir Leiou!Ang sarap ligawan." si Nortia. Napalingon tuloy ako. "Sayang, dapat pala sa La Purisima ako nagbakasyon." tinampal ko ang braso niya dahil baka may ibang makarinig.

"Gaga, 'wag ka ngang maingay." I said.

Uwian na namin at papunta ako sa faculty nila Ma'am Lorry para ipasa ang nagawa ko kagabi. Sana ay magustuhan niya.

Kumatok ako at pumasok. Ngumiti ang guro ng makita ako. Ibinigay ko ang papel kung nasaan ang naisulat ko. She let me sit while she's reading it. Kinakabahan ako habang pinapanuod siyang basahin ang isinulat ko.

"Eileuthea.." tawag ni Ma'am nang matapos niyang basahin at ibinaba ang salamin. Kinabahan ako.

"This is..." huminto siya at umiling. Nawalan ako ng kumpiyansa. "This is too good! Nahigitan mo pa ang expectations ko." napawi ang kaba ko at napangiti ako.

"Thank you po, Ma'am!"

Masaya akong lumabas ako ng faculty. I've made it!

Alas singko na ng hapon at hindi ko alam kung paano ako uuwi. Maybe, ride a jeepney? Dinig ko mula sa gymnasium ang tunog ng mga instrumento at ang boses ng isang babae. Sumilip ako, sila Rachelle pala.

Nagulat ako sa biglang sumulpot sa aking harapan.

"Pauwi kana ba?" tanong ni Leiou. Nangapa ako ng isasagot.

"Hindi ba halata?" I said calmly and walked away from him.

Ramdam ko ang pagsunod niya. Iilan na lang ang mga estudyante sa labas ang iba siguro'y may klase.

"Bakit hindi ka nagrereply sa mga texts ko?" tanong niya at sumabay sa paglalakad ko. That's the first time I heard him say that in person.

"Wala akong load." agap kong sagot. He put his hands inside his pocket.

"Okay. Ilo-load na lang kita mamaya." napalingon ako sa kanya.

"No need. Marami akong gagawin mamaya.”

"Ano bang gagawin mo?Tutulungan na kita?" pumihit siya paharap sa akin. Napahinto tuloy ako.

"Hindi na." may nakita akong jeep na parating. "Hindi naman assignments ang tinutukoy ko." sabi ko at sumakay sa jeep.

Pag-akyat ko ay napangiwi ako dahil maliit na lang ang space sa upuan. Pinilit kong pagkasyahin ang pwet. Mabuti na rin ito dahil baka sumabay pa si Leiou. Umandar na ang jeep at may sumabit sa jeep. Napalingon ako at nakitang si Leiou iyon.

Napalunok ako nang makita ang braso niyang galit na galit ang mga ugat. I search for my wallet in my bag.

"Bayad po. Dalawa. Kakasakay lang." he said.

I stopped searching for my wallet. I don't want to assume that it was me. Wala naman siyang ibang kasama kaya alam kong ako iyon. Wala na akong nagawa.

Mukhang walang makakapigil sa kanya. Napaisip tuloy ako kung ano ang tunay niyang motibo. Is it true or he's just using me? Bakit?Dahil ba mayaman ang pamilya ko?But I think he's not that kind of man. Ano bang alam ko sa kanya?Wala naman. I don't know him.

"Sa susunod, you don't have to take me home." sabi ko nang makarating kami sa tapat ng bahay. "Ayokong maging laman ng usapan sa school."

Alam ko, kapag may nakakita nito lalo na si Sasha ay magiging trending ako.

"Iyon ang bahay ng Uncle ko. Sinabayan lang kita." ngumiti siya.

Napahiya ako doon, honestly. Umirap na lang ako pumasok sa bahay para hindi magmukhang napahiya.

Gusto ko nang magpalamon sa lupa. Bakit ko ba kasi naisipan na sabihin iyon?Wala pa si Mommy nang makapasok ako. Tanging si Manang lang ang naabutan ko.

"Eileu, bakit hindi mo pinapasok ang kaibigan mo?" nagitla ako sa bigla niyang sinabi.

"Hindi ko po kaibigan iyon. Teacher po namin." naupo ako sa sofa at binuksan ang tv.

"Teacher mo iyon? Bakit hindi mo pinatuloy?" tanong ni Manang, almost histerical. Mukhang mas worried siya dahil hindi ko pinatuloy ang isang 'yon.

E' ano kung teacher ko pa siya. I don't care.

Catching the Warm Sun(Maldita Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon