Kabanata 2
BingiLeiou help me to get home. Nagpumilit. Tahip-tahip ang kaba ko dahil baka may makakita sa amin. He even lend his slippers to me.
Mahirap daw kapag isinuot kong muli ang boots dahil may sugat ako. Pero agad ko rin namang ibinalik ng makarating ng mansion.
Dahan-dahan akong naglakad papasok. Medyo natuyo na ang damit ko.
"Senyorita?" si Manang Nelia. Napahinto ako nakagat ang labi.
"Bakit ganyan ang itsura mo?" kyuryoso niyang tanong. Humarap ako at ngumiti.
"Wala po, galing lang sa ilog."
I tried to smile than to show my hurting face. Naglakad ako paakyat sa hagdan.
"Aww," bulong ko tuwing hahakbang paakyat. May natamo din pala akong sugat sa aking tuhod.
Hindi ko pinahalata kila Lola na may sugat ako sa paa. Syempre papagalitan ako no'n at baka hindi na ako hayaang lumabas mag-isa.
Kinabukasan ay pumunta ulit ako sa kubo. Nadatnan kong muli sila Gian at ang kanyang ilang kalaro.
Hinangin ang buhok kong natural na wavy at hanggang siko ang haba ng mga 'yon.
"Hi!" bati ko sa kanila.
"Hi, Ate Eileu!"ang dalawang bata.
Kinuha ko ang loob ng mga bata para makinig sila sa akin. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila. Ranging from 5-10 years lang. Kung kahapon ay dalawa ngayon ay lima na.
"Elena, nandito ka lang pala!" si Alondra. Nakasuot siya ng unipormeng pamasok. May pasok pa sila hanggang ngayon?
"Alondra!" masigla kong bati sa kanya pero isang hilaw na ngiti lang ibinigay niya sa akin. Napawi ang ngiti ko.
Is she still mad at me for what happened eight years ago?
We used to play before. I let her borrow my toys and barbies.
"Alondra, nasaan na si Maggie at Suzzie?" mahinahon kong tanong.
Pinilit ko. Napalingon siya sa harap ng pinto ng kanilang bahay. Nakita ko doon ang dalawa kong manika.
Nagpupuyos ako sa galit. Pinuntahan ko ang mga manika na medyo naputikan. Kinuha ko sila at binalikan si Alondra. Hindi makapag-salita. Sa inis ko'y itinulak ko siya at napasalampak siya sa lupa.
"Ikaw na nga yung p-pinahiram tapos tingnan mo ang ginawa mo!" sigaw ko sa kanya at tumalikod na. Umiyak ako.
Napatigil ako ng makita ang lalaking nakatayo at mariin na nakatingin sa akin. Dumiretso siya kay Alondra at tinulungang tumayo.
Iyak ako ng iyak no'n dahil sa manikang naputikan at... dahil kay Leiou. Pakiramdam ko'y napakasama ng tingin niya sa'kin.
He was in his puberty stage while me is in my barbie days.
Hindi naman iyon pinalagpas nila Lolo at Lola. Pinag-sorry nila ako kay Alondra. It was against my will.
Kinalimutan ko na 'yon. We are so young back then. I just want to be friends with her! Actually, I just laugh at it when I remember it. Kahit sinong bata, if their toys got ruined, sinong matutuwa?
"Tita, mamaya na po. May gagawin pa po kami." paliwanag ng batang babae.
"Tinatawag ka nga ni Kuya!"
The girl pouted.
Ipinapahiya niya ang kanyang pamangkin. Alondra is beautiful. Filipina beauty.
BINABASA MO ANG
Catching the Warm Sun(Maldita Series #1)
RomantizmEileuthea is always longing for a father's love. She only feel it when she's with her grandparents in La Purisima. April comes again and she was very excited going back to that province because she was not that happy in school. She was excited to...