Kabanata 28
Magkayakap
Ilang araw na ang lumipas matapos ang birthday ni Fate. Inabala ko ang sarili sa mga kung ano-anong gawain. I regret going to that party. Is it that hard to accept me in their family? My heart aches at that thought.
"Ang lakas din naman ng loob mo para dalhin dito ang bastarda mo, Julius!" dinig kong mahinahong pagalit ni Lola kay Daddy.
Nagtago ako sa likod ng pader. Bastarda lang naman ako sa pamilya nila. Pinunas ko ang luhang dumaloy sa pisngi at umalis na. Nakauwi na ang lahat ng mga bisita at kami na lang nila Daddy.
If they don't want me to be part of their family, then no. I don't fit in. I won't try to fit in.
Gaya nang sabi ni Leiou, hinintay niya ako hanggang sa makauwi. Ilang oras din siyang naghintay!
I saw him drinking coffee. Tumingin siya ng makita ako. I smiled at him.
"Are you okay?" he asked when we're inside the car.
"Yes."
Hinatid niya ako patungo sa bahay... I thought we're going to have ..a date. Gosh!Dis-oras na ng gabi at date pa rin ang nasa isip ko!
Kinabukasan, sa bahay lang ako since it's weekends.
"Hey!Masyado ka namang abala sa cellphone mo!" nagulat ako sa nagsalita. I saw their faces. Itinago ko ang telepono at ibinibaba ang mga paa.
"May kausap ako bakit ba!Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko at tumayo.
"Masama bang dalawin ka namin?" si Maia. May sinisipat siya may paa ko. Iniwas ko tuloy. "What's that?" itinuro niya ang anklet ko.
"Wow!Sino nagbigay niyan sayo?" they look at me maliciously. Ikinunot ko ang noo. Naupo ako sa sofa.
"Syempre, tinatanong pa ba yan?The one and only, Papa Leiou!"masiglang sagot ni Nortia at ni-shake pa ang mga kamay.
"Kayo na?" lumapit sa akin si Maia.
"Napakain ka na niya?" kumunot lalo ang noo ko.
"Napakain?" naalala ko ang sa La Purisima. "Oo." tumango ako. Napahawak si Nortia sa bibig niya.
The way Nortia reacts is a bit weird. Tinampal ni Maia si Nortia.
"Nagkainan na sila.." hindi makapaniwalang saad ni Nortia at umiling pa.
"Ano bang iniisip mo, Norsh?"
I asked when I realised something. Her mind is different from us...you know..it needs cleaning. Tumawa si Maia ng mapagtanto niya rin siguro. Napairap ako.
"Bakit?Ang sabi mo kasi nagkainan na kayo!"
"Ang sabi ko kumain." idiniin ko ang huling salita. "You need some cleaning, Norsh."
"Naku!Baka sa La Purisima mangyari!" pang-aasar pa ni Nortia. Nagkasundo ang dalawa sa pang-aasar.
Tomorrow, we'll leave. Doon kami magpapalipas ng bakasyon dahil na rin sa kahilingan nila Lola.
At least, there, I can feel that I belong. I can feel that they love me. My life is much better before when all I know is that...my father is already dead. Mas maayos iyon, wala akong inaasahan na pagmamahal mula sa kanya... I'm not saying that I can't feel his love for me. Sana pala ay hindi na ako naging kyuryoso sa mga bagay-bagay noon.
Nag-vibrate ang cellphone ko.
'I'm going back to La Purisima.'
Napangiti ako sa nabasa. Tinanong ko kasi kung nasaan siya. I want to surprise him. He's been really busy these pass few weeks. Pero kahit na ganoon ay hindi niya ako binigo sa sinabi niya liligawan niya ako. Walang palya iyon. Kahit na gabi ay hindi siya pumapayag na hindi ako makikita sa isang araw.
Nakakainis!Kinikilig tuloy ako.
Gaya ng inaasahan, mahaba ang biyahe. Mabuti at sinagip ako ni Leiou mula sa pagkabagot. We're texting. Ang gusto niya nga ay tawag pero pingil ko na dahil nasa tabi ko si Mommy.
"M-mommy, pupunta po ba sila Tito?" kinakabahan kong tanong. Nagkibit-balikat si Mommy dahil inaantok. Hoping that they won't come.
I saw the modern house in our way to mansion. It was built near to the other gate of my grandparents mansion. It's quite beautiful. Ang mga ilaw ay bukas.
Gabi na ng makarating kami sa Mansion. Masayang-masaya ang dalawang matanda sa pagdating namin.
Sinalubong kami ng kanilang mainit na pagtanggap. I miss this. Pati sila Manang at Ate Maria ay nakangiti.
"Good morning, Lola." bati ko ng madatnan si Lola na nagkakape.
"Hija, ang aga pa!Mag-eehersisyo ka?" tanong ni Lola.
Ngumiti ako at tumango. I put the hood onto my head. Masigla akong lumabas ng mansion. Kung sa paligid ng mansion ako tatakbo baka may mga hayop akong makasalubong kaya mas maganda kung sa kalsada na lang.
Madilim pa at malamig ang simoy ng hangin. Nagstretching muna ako sa bakuran at saka tinakbo ang daan patungo sa sentro. Gusto kong malaman kung malayo ba kapag tinakbo ko iyon gamit ang mga paa. Tatlo hanggang limang minuto lang kapag nakasakay.
Nang mapagod ako'y sumakay na lang ako pabalik sa mansion. Nakakapagod pala. I can't run anymore.
Natanaw ko ang bahay nila Leiou mula sa kalsada. Pinahinto ko ang driver at bumaba na. Maaga pa kaya baka tulog pa iyon. Dahan-dahan kong iniapak ang masasakit na paa sa hagdan. Nagdadalawang isip kung tutuloy ba o hindi dahil itsura ko.
Natanaw ko mula sa kinatatayuan ko si Leiou...Alondra is hugging him. She's still wearing pajamas. Nakapantulog pa at tumungo na dito!Hindi ko maramdaman ang mga binti. Ang alam ko'y masasakit iyon pero bakit parang umakyat ang lahat ng sakit patungo sa dibdib?
I ran as fast as I could neverminding my aching legs. I'm not expecting that scene. I want to surprise him...but looks like I'm the one who's surprised!
Ipinaligo ko ang malamig na tubig. Baka-halluscination ko lang ang nakita! Talagang magkayakap pa!
Nagulat ako ng tumunog ang cellphone. Nakita ko ang pangalan ni Nortia. Napairap ako.
I had no choice but to answer it. Hindi ako nagsalita at gano'n din siya. I heard her sniffed.
"Are you crying?" galit kong tanong. Narinig kong muli ang kanyang pagsinghot mula sa kabilang linya.
"Nortia!" sigaw ko dahil hindi siya nagsasalita.
Narinig ko siyang humalakhak.
"Joke lang!M-mukha bang totoo?"she said between her laughs. "Kamusta?Nagkita na kayo ni Papa L?"
"Whatever, Norsh. Don't you dare mention his name." pinagmasdan ko ang sariling repleksiyon sa salamin.
"Sino?Si Leiou?" gusto ko siyang sungalngalin dahil do'n. Pinutol ko ang tawag dahil wala naman siyang magandang dulot.
Ngayon ko lang napagtanto. What if they slept together?Kung hindi naman talaga totoo ang naisip ko kanina...na hindi naman talaga tumakbo si Alondra ng nakapantulog patungo kay Leiou? Tama. Natulog silang magkasama.
May kumirot ang dibdib ko. You'll pay for this, Leiou.
BINABASA MO ANG
Catching the Warm Sun(Maldita Series #1)
RomanceEileuthea is always longing for a father's love. She only feel it when she's with her grandparents in La Purisima. April comes again and she was very excited going back to that province because she was not that happy in school. She was excited to...