Kabanata 29

10 1 0
                                    

Kabanata 29

Girlfriend



Bumaba ako para makapag-almusal. I am wearing a white floral dress and a simple black sandals.


Pilit akong ngumiti pero hindi nagsasalita. Lumabas ako ng mansion para magpahangin. Hinangin ang damit ko, good thing that it's long. I stayed in the garden for a while. Natanaw ko ang mga bata na naglalaro sa kapatagan. Malapit iyon sa kubo kung saan ko tinuturuan ang mga bata noon.

Napalingon ang mga bata sa banda ko kaya kumaway ako. Lumapit ako patungo sa kanila.


"Ate Eileu!" sigaw ng isang bata. She knows my name?

"Si Ate Eileu nga!" sigaw ng mga bata ng makalapit ako.

Lumapit sila patungo sa akin at niyakap ako. Amoy-araw ang mga bata.

"Ate Eileu, natatandaan mo pa ba kami?" tanong ng isang babaeng dalagita. Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko siya.

"Gian?" tumango siya habang nakangiti. "Omygod!Ang laki-laki niyo na!"

Tuwang-tuwang ang mga bata sa pagdating ko. Matagal-tagal din kasi akong hindi bumisita dito. Simula noon ay hindi na ulit ako nagpunta dito. What for? Para ipaalala sa akin si Leiou?

Bawat sulok ng La Purisima ay siya ang sinisigaw.

Nakipag-kwentuhan ako sa kanila. Sumilong kami sa kubo nang tumaas na ang araw.

"Ate, kita mo ang bahay na 'yon?" itinuro ni Gian ang bahay na malapit sa gate ng mansion.


"Sino ba ang may-ari ng bahay na 'yan?" I asked and stared at the house.


"Si kuya Leiou!" napalingon ako kay Gian. "Ipinatayo niya 'yan tatlong taon na ang nakalipas. Akala ko nga ikakasal na kayo kaya siya nagpatayo ng mansion.." bakas ang panghihinayang sa tono niya.



"Wala bang girlfriend si Leiou?" tanong ko.

"Ang sabi niya kasi...magkakaroon na daw. At umaasa ako na ikaw ang babaeng iyon, Ate Eileu." she said seriously. Parang kinurot ang puso ko.



Tumawa ako. "Malabo." saad ko at isinuot ang sombrero. "Aalis na ako, Gian. Halika at ihahatid na kita sa bahay niyo. Baka hinahanap kana." paliwanag ko.


Sumimangot siya. Pinisil ko ang pisngi niya. "Come on. Amoy-araw ka na." inamoy niya ang sarili. Natawa ako.


"Talaga, Ate?" paulit-ulit niya iyong sinabi hanggang sa makarating sa bahay nila.




Bumalik ako sa mansion para makapag-lunch. Baka hinahanap na rin ako.

Dali-dali akong tumakbo patungong kusina. Naabutan ko si Ate Maria at Manang na nagluluto.

"Ate Maria! Manang!" nagulat sila sa bigla kong pagdating. "Sino po ang may-ari ng bahay malapit sa mansion?"


"Iyong malapit ba sa may tarangkahan?" tanong ni Ate Maria. "Ay naku, kay Leiou iyon. Matagal na rin simula nang maitayo ang mansion. Bali-balita noon na mag-aasawa na pero wala naman kaming nakikitang babae na pumasok sa mansion. At saka ang alam namin, hindi natutulog diyan si Leiou. Doon pa rin sa dati nilang bahay."


Tumango ako. He must be very successful. This is insane!I've said that I don't want to talk about him but look what I'm doing.



Nagmuni-muni ako sa kwarto. Sila Mommy at Lola ay wala. I don't know where are they. He said that he'll court me and he did!


Hindi ko lang alam kung maniniwala ako gayon' nakita ko sila ni Alondra na magkayakap. Pinapaikot niya lang ba ako? Ang sabi niya ay uuwi daw siya ng La Purisima. Hindi niya pa ba nabalitaan na nandito ako?I want to surprise him but I am the one whose surprised.


I spend my afternoon on my bed. I've read my favorite novel. But it doesn't satisfies me.


Dahan-dahan akong bumaba patungo sa sapa. I can hear the sounds of the insects and the cracking of woods that I'd stepped on.

Walang pinagbago ang sapa. It's still looks the same. Naupo ako sa malapad na batong nakita. Malapit ng lumubog ang araw. Kaya medyo madilim na dito. Natakot ako ng may narinig na naglalakad. Lumingon ako at nakita ang nakatitig na si Leiou. Kumalabog ang puso ko.

"You should've told me that you're here." umirap ako at tumitig sa tubig.

"Abala ka kasi kaya 'wag na lang." umupo siya sa tabi ko. Umusod ako ng kaunti.


"I'm not." he paused for a while. "May problema ba tayo, Eileu?You're not even reply--"lalong kumalabog ang puso ko.

"Walang tayo, Leiou." paglutol ko sa kanya. "Bumalik ka na sa Alondra mo!" hindi ko napigilan ang sarili.

He laughed. Lalo akong nainis.

"Paano naman napasok sa usapan si Alondra?"

"Why don't you ask yourself!" tatayo sana ako pero napigilan niya ako gamit ang kanyang dalawang kamay.

Hindi ako humarap sa kanya.

"We're just nothing. Kaya nga ikaw ang niligawan dahil ikaw ang gusto ko, Eileuthea." he whispered in my ears.


Hindi ako gumalaw at nagsalita. Is it true?

"Can I kiss you?" napalingon ako sa tanong na iyon.

Bumungad sa akin ang kanyang mukha. Napatili ako nang kinuha niya ako at dinala sa kanyang mga hita. Napahawak tuloy ako sa leeg niya.

Pinaunalan niya ako ng maiinit na halik. Nagulat ako do'n. He stopped and smiled.

"Sorry. Nabigla ba kita?" tanong niya. My face heated profusely. Nag-iwas ako nang tingin. Kinuha niya ang aking mukha at iniharap sa kanya. "Hey." tumingin ako sa ibaba.

Damn. I can't even kiss him right. I don't know how. Nang makahugot ng lakas ng loob ay tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang namumula niya labi.

I close my eyes and give him a long swift kiss.

Bumitaw ako at nag-iwas ng tingin. "Is that a yes?" he happily asked.

Natawa ako sa tono niya. Ang cute. Hinalikan niya akong muli...sinabayan ko ang ritmong itinuro niya.

"You're my girlfriend now, Eileuthea. I'm so happy. Thank you." he said and hugged me.

"Ako lang ang girlfriend mo?" I asked. I put my head on his chest.

"Bakit?Ilan ba dapat?" he asked, smiling. Ngumuso ako.

"Hindi mo girlfriend si Alondra?" I asked in a suspicious tone. Tumingala ako para makita ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ikaw nga ang girlfriend ko." convincing me and with the sounds of finality.

Ngumuso ako.

Catching the Warm Sun(Maldita Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon