Maaga akong nagising kaya naisipan kong lumabas na sa aking silid na naka sando at black jogging pants. It is still 5:00 am in the morning. I saw Manong watering the flowers infront of the mansion.
"Manong, let me be the one to do that." Sabi ko.
"Ako na rito, hijo" sabi niya
"Linisin mo nalang iyong kotse na gagamitin ni Seniorita Feira mamaya. " Sabi niya at tumango lang ako saka siya tinalikuran at pumunta sa washing area ng mga sasakyan.
Napahawak ako sa aking beywang habang nakatitig sa itim na sasakyan.
"Okay, Lance! Let's get started!" Sabi ko at nagsimula ng linisin ang sasakyan.
Kalahataing oras lang ay tapos ko ng linisin ang sasakyan. Kinuha ko ang wrist watch ko at sinuot ulit. Hinubad ko kasi iyon kanina.
Napatingin ako doon sa aking relo. " 6:00 na pala." Sabi ko at pinuntahan ulit si Manong upang magtanong kong ano pa ang dapat kong gawin. Nang nakarating na ako sa harap ng mansion. Nakita ko si Manong na inaayos ang gripo.
"Anong nangyari?" Tanong ko at tumakbo papalapit sa kaniya at tinulungan siyang hawakan ang gripo na umaagos ang tubig.
"Nasira eh. Papatayin ko sana, nag isara ko nabali iyong hawakan niya." Paliwanag niya. Parehas na kami basang-basa ngayon.
"Tss. Tumabi nalang po kayo. Ako na po mag-ayos. Kailangan ko ng mga tools. " Sabi ko at dali-dali naman siyang tumayo at tumakbo papunta sa garage.
Maya-maya ay may dala na siyang tools at sinimulan ko na ang pag-ayos.
"Tapos na." Sabi ko sabay tumayo sa pagkakaluhod ng isang tuhod.
I looked at myself. I'm freaking wet. Sinuklay ko ang aking buhok pataas dahil bumabagsak ito dahilan para matakpan ang mga mata ko.
Naglakad ako papunta sa likod ng mansion, at dumaan sa likod ng kusina. Nagulat nalang ako ng nakita ko si Feira na nasa refrigerator, nakatayo habang may hawak na isang basong tubig.
Seryoso ko lang siyang tinignan, at nakatitig din siya sa akin. Mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo kong nakatitig sa kaniya at pumasok na sa loob.
"Excuse me, Ma'am. Kukuha po ako ng tubig." Sabi ko kasi nakaharang siya sa daan. Hindi siya umimik dahil nakatulala siyang nakatitig sa akin.
"Hey!" Pasigaw kong sabi. Napitlag siya at agad na tumagilid upang makadaan ako.
Kumuha ako ng isang basong tubig at ininom ito. Nilagay ko ang baso sa sink.
"Bakit ang basa mo?" Tanong niya. Nilingon ko siya at hinarap.
"Inayos ko ang gripo sa labas." Sabi ko at tinalikuran na siya.
Bumalik ako sa aking silid at naligo na.
Pagkatapos kong naligo at lahat-lahat ay lumabas na ako sa aking silid at pumunta sa kusina.
Nakita ko ang mga katulong, si Manang at Manong na kumakain na. Kasabay si Feira. Nagulat ako ng nakita ko siyang kumakain kasabay ng mga tauhan niya dito kusina na imbis doon sa dining.
Napangiti naman akong nakatitig sa kaniya. Nang nakita na niya ako na nakatayo sa labas ng pinto, agad kong sineryoso ang aking mukha.
"Waah! Lance! Dito ka sa tabi ko." Kasam-bahay 1
"Mag-almusal ka na, Lance!" Kasambahay 2
"Halika na dito!" Kasambahay 3
"Seniorita Feira? Ang gwapo-gwapo naman po ni Lance." Kasambahay 4
YOU ARE READING
IAMADW: SAVING MY WIFE
RandomStory Description: A/n: This is the Book 2 of I ACCIDENTALLY MARRIED A DEAD WOMAN. Read the Book 1 first then this. If the one that you love the most more than your life, leave you. It is the most painful moment in our life that sometimes could make...