THIRD PERSON'S POV
Nagulat ang kaniyang mga magulang nang makita nila si Lance. Tila ba lumiliwanag ang mukha nito. Noong nakaraang araw lang, wala siya sa sarili niya. Ngayon, hindi niya maalis sa kaniyang sarili ang ngumiti.
"Pwede na akong lumabas sa hospital? Ayos na ako," sabi nito sa kaniyang mga magulang.
"Maayos ka naman talaga, eh! Nadulas ka lang!" singit ni Johndro sa usapan.
"Fiancé mo lang ang super OA kung makareact," segunda ni Kaello.
Naguguluhan siya sa mga tinuturan nila.
'Ako? Nadulas? Diba, naaksidente ako?' tanong niya sa kaniyang sarili.
Biglang nanlaki ang aking mga mata ng marealize ko ang sinabi ni Tanda kagabi.
"Gulat na gulat ako ng tumawag ang Fiancé mo. Maayos ka lang naman pala. Nag-alala kami ng Daddy mo sa 'yo," sabi ng Mommy niya.
"Fiancé?"
Napasinghap si Johndro habang nakaturo sa akin. "Malala pala talaga siya!" Nilingon ni Johndro si Kaello na nasa tabi niya. "Diba? Tumama ang ulo niya sa semento?"
"Ginogood time tayo niyan," sabi naman ni Kaello sa kaniyang kaibigan.
"HEY!" sigaw ni Lance at tinapon niya sa kanila ang kaniyang unan.
"What happened? How did I ended up being here?" tanong niya sa kanila. Ang pagkakaalam niya ay naaksidente siya.
Dumating ang dalawa niyang kaibigan na sina Matt at Oscar. Tinuro sila ni Kaello. "Ask them," utos niya kay Lance.
Sinamaan siya ng tingin ni Lance at inirapan ito. Tinignan niya ang dalawa. "Nadulas daw ako?" tanong nito sa kanila.
"Kayo talaga. Aalis na kami ng Daddy mo, Lance. Aayusin pa naman ang kasal niyo ni Feira bukas," sabi ng Mommy niya.
Para siyang nabingi. "Ano?"
"Sige po, Tita. Kami na po bahala sa anak niyo," sabi ni Johndro habang kumakaway sa mga magulang ni Lance.
Lumabas na ang mga ito sa kaniyang silid.
••••
CED'S POV
"What's wrong with you? Amnesia lang?" tanong ni Oscar sa akin.
"No. I'm fine. I'm completely fine and happy," nakangiti kong sabi.
"Kapag ikakasal na ba bukas, nagiging ganiyan na kasaya?" tanong ni Matt at umupo sa paanan ng kama ko.
"Nadulas ka kasi kahapon palabas ng Bar dahil sa kalasingan at tumama ang ulo mo sa semento. Tinawagan namin si Feira tapos ayon, nataranta. Dalhin ka raw sa hospital. Buong gabi 'yon narito. Pinauwi muna namin para makapag-ayos," pagkwento ni Kaello.
"Oh, diba. Ikaw rin ang nagsabi," sabi ko sa kaniya at tumawa.
"Bagal ng dalawa, eh!" naiinis na turan ni Kaello.
"Aalis na ako rito. I want to see my wife," sabi ko sa kanila saka bumaba sa kama.
"Get my bag!" utos ko sa kanila.
"Woy! Sabi ni Feira, bawal! Hintayin mo muna siya," pagkontra ni Johndro sa akin.
"I want to see my wife," pangungulit ko.
"Soon to be, bro. Excited ka," natatawang sabi ni Matt sa akin.
Umupo nalang ako ulit sa aking kama. 'Buhay nga si Feira at ikakasal kami bukas,' sabi ko sa aking sarili at unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking mukha.
YOU ARE READING
IAMADW: SAVING MY WIFE
RandomStory Description: A/n: This is the Book 2 of I ACCIDENTALLY MARRIED A DEAD WOMAN. Read the Book 1 first then this. If the one that you love the most more than your life, leave you. It is the most painful moment in our life that sometimes could make...