Chapter 21: I'm scared

157 4 0
                                    

CED'S POV

Nakatitig ako kay Feira na abala sa pagpupunas sa basa kong buhok dahil sa ulan. Pagkapasok namin sa mansion ay agad niyang inutusan ang isang maid na kumuha nang malinis na towel.

Napalunok ako ng malaki, nilalayo ang mukha ko sa kaniya dahil papalapit nang papalapit ang mukha niya. Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Medyo yumuko nga ako upang hindi siya mahirapan.

"Ako na magpupunas, Ma'am Feira. Ako na." Binawi ko ang towel sa kamay niya.

Sobrang bilis nang tibok ng aking puso. Sa sobrang bilis ng pagtibok nito, halos habol ko na ang aking paghinga. Umiinit rin ang magkabilang pisngi ko.

Nagulat siya sa biglaang pagkuha ko sa towel na hawak niya kanina. "Bakit? Ako na," pagpupumilit niya.

Aagawin niya sana ang towel kaya naman ay itinaas ko ang kamay ko sa ere, hindi niya ito naabot at muntikan na siyang masubsob sa dibdib ko sa kakatalon niya.

Nilagay ko ang isang palad ko sa noo niya at mahina siyang tinulak palayo sa akin saka ko pinunasan ang buhok ko.

"Umakyat ka na sa taas at magpahinga na," sabi ko sa kaniya saka siya tinalikuran. Hahakbang na sana ako ngunit bigla niya akong tinawag.

"Ced?"

Lumingon ako, seryoso siyang tinignan. "Oh?"

Tumingin siya sa baba saglit habang nilalaro ang mga daliri niya saka niya inangat ang kaniyang ulo at nagsalita. Mapula ang magkabilang pisngi niya. Tila bang nahihiya siya o ano.

"M-Maraming salamat sa lahat," pasalamat niya.

Tumango ako. "It's fine." Tatalikod ulit sana ako ngunit nagsalita na naman siya.

"Hindi pa tayo nagdinner. Gusto mo sabay na tayo?"

Hindi ako umimik at tinignan lang siya.

Nahihiya siyang kumamot sa likod ng kaniyang ulo at ngumiti sa akin. "Ayaw ko kasi kumain na mag-isa. Tiyak, tapos na ang mga maids," sabi niya.

"Sige," pagpayag ko.

Lalapit sana siya sa akin ngunit nagsalita ako. "Go and change first," utos ko sa kaniya.

Ngumuso siya sa akin saka tumalikod sa akin at umakyat sa hagdan.

••••

Tinulungan ako ni Manang sa paghanda ng mga pagkain.

"Malapit na," biglang usal niya.

Kumunot ang noo ko dahil naguguluhan ako sa sinabi niya. "Po?"

Tumingala siya at sinalubong ang tingin ko.

"Apat na araw na lang. Mawawala na siya," seryosong wika ni Manang.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pagkagulat. Bigla ako nakaramdam ng kaba sa aking dibdib.

"Ano'ng ibig niyong sabihin? S-Sino ang mawawala?" kabado kong tanong.

Alam ko ang kaniyang tinutukoy ngunit nais kong makasigurado kung iyon ba ang pinupunto niya.

"Lance. Nalalapit na ang mission mo na iligtas siya. Kapag nabigo ka, wala na akong magagawa," sabi niya.

Napasinghap ako. "I-Ikaw 'yong m-matanda na nagbigay sa akin ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan?"

Tanging tango lang ako sagot niya sa akin.

"All this time, you're just here?" tanong ko.

"Oo. Kailangan kong bantayan ang mga kilos mo. Alam ko mga pinagagawa mo. Ginugulo mo siya, Lance. Minsan, hindi mo namamalayan na naipapakita mo ang iyong emosyon na dapat hindi mo pinapakita sa panahong 'to," sabi ni Manang sa akin.

"May nagawa ba akong mali? Masisira ba ang lahat?" alala kong tanong.

"Na kay Feira ang sagot," sagot ni Manang. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking mga palad dahil sa pag-aalala.

"Ang importante, magpapakasal pa rin si Feira kay Gilbert. Kung mag-back out siya, maiiba ang lahat,"

"That's a good news, right?" tanong ko.

"Wala kang karapatan na baguhin ang nangyari na. Ang tanging ipinagkaloob lang sa 'yo ay iligtas siya sa mismong araw na 'yon," sagot ni Manang.

Magsasalita pa sana ako ngunit bigla nalang dumating si Feira sa dining room. Nakatingin siya sa amin ni Manang.

"Seryoso niyong dalawa, ah. May problema ba?"

Imbes na sumagot ako ay pinaghila ko siya ng upuan saka siya umupo.

"Maiiwan ko muna kayo," sabi ni Manang saka lumabas sa dining room.

Umupo ako sa gawing kanan ni Feira.

"May pinag-usapan ba kayo ni Manang?" tanong niya. "You look bother," dugtong niyang sabi.

Umiling ako biglang sagot at kumuha ako ng kanin. Nilagyan ko ang plato niya. Nakatitig lang siya sa akin. Halata sa mukha niya na ang pagiging curious.

Pagkatapos ko siyang lagyan ng kanin sa kaniyang plato ay nilagyan ko rin ang sarili ko.

Narinig ko siyang tumikhim kaya napatingin ako sa kaniya.

"Yes?"

Umiling siya.

"Eat," tipid kong sabi at nagsimula na kaming kumain. Pareho kaming hindi nagsasalita. Tanging ingay lang ng kubyertos ang maririnig.

•••

Tapos na kaming kumain. Tumayo ako upang iligpit ang pinagkainin namin.

"C-Ced?" tawag niya.

"Oh?" Tanging nasabi ko na hindi siya tinitignan.

"Bakit hindi mo ako kinakausap? Tila ba parang iniiwasan mo ako," sabi niya.

"What? You're thinking too much. I'm just tired. We all are, so, you should rest now. Ako na bahala rito," sabi ko sa kaniya.

"Nah. I've notice something,"

Nilagpag ko ulit ang mga plato sa mesa. Dadalhin ko na sana 'to sa kusina ngunit nagsalita na naman siya. Kunot-noo ko siyang tinignan.

"Ano?"

"Basta. I just can't point it out. Pagkatapos niyong mag-usap ni Manang, you look worried, scared, or whatever," sabi niya. "May sinabi pa siya sa 'yo?"

'Yes, wife. I'm scared. I'm so scared. I need your hug. I need you encouragement. I need you to cheer me on and said, I can do it.'

"Wala. Pinaalam niya lang sa akin na marami akong gagawin bukas dito sa mansion," pagsisinungaling ko.

"Talaga?" Parang hindi siya naniniwala.

"Oo nga! Tanungin niyo pa si Manang, Ma'am Feira," sabi ko sa kaniya saka kinarga ulit ang mga plato at naglakad na palabas sa dining room.

Nakasunod lang siya sa akin. "Akala ko ba magkaibigan na tayo? Mina-Ma'am mo na naman ako," reklamo niya sa akin.

"Ikaw ang amo rito, eh. Ma'am dapat. Remember, trabahante mo ako," sabi ko. Pareho na namin narating ang kusina.

Nilapag ko sa sink ang mga pinagkaininan namin saka sinuot ang yellow gloves.

"You're not just an employee. You're also my friend," sabi niya.

"Ayaw ko maging kaibigan ka," sabi ko. Bigla siyang hindi umimik kaya nilingon ko siya. Nakatungo ito, halatang nalungkot sa sinabi ko.

"Amo kasi kita. Amo," sabi ko sa kaniya.

Inangat niya ang tingin niya at halatang naiinis na ito. "Sinabi ko rin na kaibigan kita! Kaibigan! Gusto ko maging kaibigan ka! 'Yan nalang kasi pwede sa ating dalawa!" malakas niyang sambit na nagpadilat sa aking mga mata.

"Nakakainis ka na," medyo mahina niyang sambit.

"Oo na. Kulit. Matulog ka na ro'n. Marami ka pang gagawin bukas," sabi ko sa kaniya at tinalikuran na ulit siya.

IAMADW: SAVING MY WIFEWhere stories live. Discover now