GILBERT'S POV
I wasn't able to go to the resort because of the urgent meeting. I'm busy handling the papers of Feira's company and business. Walang kaalam-alam si Feira na unti-unti ko ng kinukuha ang kayamanan niya.
Mahal ko si Feira pero mas mahal ko ang maging mayaman sa lahat. Ang pamilya ko ay hindi mayaman, nang dahil sa tulong ng ama ni Feira, guminhawa ang buhay namin at nagkaroon ng maliit na kompanya.
Tinignan ko ang aking relo, alas kwatro na ng hapon. Siguro nakauwi na si Feira galing sa resort.
Lumabas na ako sa aking opisina. Naglalakad ako patungong elevator. Nang nakarating na ako ay agad na akong pumasok at pinindot ang G1.
Nasa parking area na ako. Habang naglalakad ay kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at tinawagan si Feira.
Nakailang ring na pero hindi niya parin ako sinagot. Bigla naman akong nagtaka dahil hindi ganito si Feira. Isang ring lang ang sinasagot na niya agad ang tawag ko na may galak sa boses.
Pumasok na ako sa aking sasakyan at binuhay na ang makina.
Ang kanang kamay ko ay nasa manubela habang ang isa naman ay hawak ang aking cellphone. Hinanap ko ang number ni Manong at tinawagan siya.
Pagkasagot niya ay tinanong ko na siya agad.
"Is Feira already there?"
' Wala pa po, Sir. '
"Supposedly, they'll be back at 4:00 pm." Sabi ko at napansin ko na madilim ang langit. Parang uulan pa ata.
'What happen to them? '
"Okay. Just call me when they got home." Utos ko sa kaniya.
' Okay po, Sir. '
****
LANCE'S POV
NANDITO kami sa loob ng lobby habang hinihintay na tumila ang ulan. Nakailang beses na rin akong sumulyap sa aking relo. Mag-aalas-7 na ng gabi.
"Feira, stay here. I'll be back." Sabi ko at hahakbang na sana ako ng pinigilan niya ako. Nakahawak ang kamay niya sa bisig ko.
"Ang lakas ng ulan, Ced. Titila din ito. At isa pa, alam ko na bumabaha ngayon sa mga daanan." Sabi niya.
"Baka hinahanap ka na sa inyo. Just call him about our situation here." Seryoso kong sabi at tinanggal na niya ang kamay niya sa bisig ko, kasabay ng pagkuha ng phone niya sa loob ng kaniyang bag.
"Hello, Hon? Yes, hon. Nasa resort parin kami. Malakas ang ulan at bumabaha pa. Sabi mga tao rito, puno raw ng tubig ang mga daanan."
"Bakit pa kasi diyan pa ang napili mo.?! Ayos ka lang ba diyan? Make sure you'll do nothing that will make me mad, Feira"
"Ano naman ang gagawi--" putol niyang sabi dahil narinig ko ang pagputol ng linya.
Malungkot na sumulyap sa akin si Feira.
YOU ARE READING
IAMADW: SAVING MY WIFE
De TodoStory Description: A/n: This is the Book 2 of I ACCIDENTALLY MARRIED A DEAD WOMAN. Read the Book 1 first then this. If the one that you love the most more than your life, leave you. It is the most painful moment in our life that sometimes could make...