Chapter 20: One great true love

180 6 2
                                    

CED'S POV

Isa-isa namin pinuntahan ang mga malalapit niyang kamag-anak at mga kaibigan.

Ngayon, nandito kami sa matalik niyang kaibigan na si Laura. Masaya silang nag-uusap at paminsan-minsan ay nahuhuli ko silang dalawa na tumitingin sa akin. Nakatayo lang ako, malayo sa kanila.

Tumingala ako sa kalangitan na tila bang uulan pa ata. Narito kami sa harden at bawat pag-ihip ng hangin ay gumagalaw ang mga dahon sa puno na narito.

Tumayo silang dalawa at lumapit sa akin. Ngayon ay nakatayo na sila sa harapan ko.

"Uuwi na ba tayo, Ma'am Feira?" tanong ko sa kaniya.

"Feira told me you are already married, is that true?" tanong ni Laura sa akin. Tinignan ko si Feira na nagkibit-balikat sa akin.

"Ayaw niyang maniwala," sabi ni Feira.

Ibinaling ko ang aking tingin kay Laura. "Yes. I'm married and she's telling the truth," nakangiting sabi ko sa kaniya.

I saw her pouted. "Sayang naman," sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Um, why?" tanong ko sa kaniya.

"Kasi type kita," she giggled.

"May asawa na nga, Laura." Ipinatong ni Feira ang kamay niya sa balikat ni Laura at sinilip ang mukha nito. "Laura! Back to earth, please!"

"May asawa na ako, Ma'am Laura," sabi ko sa kaniya.

'Nasa tabi mo siya ngayon,'

"Don't say it twice in front of me,"  sabi niya na nakabusangot.

"By the way, we have to leave. Mukhang uulan pa ata," singit ni Feira sa usapan.

Niyakap ni Laura si Feira saka hinalikan ang pisngi nito. "Okay. Ingat ka and see you on your wedding!" masiglang sabi nito.

"Okay. Thank you, my bestfriend. Bye." Nakangiting kumaway si Feira sa kaniya. Nauna na akong naglakad at nakasunod lang sa akin si Feira. Kinuha ko ang sasakyan sa parking lot, pinaandar ito hanggang sa tumigil ako sa tapat ng mansion ni Ma'am Laura.

Lumabas ako at pinagbuksan ko siya ng pinto. Ngumiti siya sa akin saka pumasok sa loob. Sinara ko ang pinto at umikot papunta sa driver seat.

••••

"May gusto ka pang puntahan?" tanong ko sa kaniya habang ang aking mga mata ay nasa daan lang.

"Uuwi na tayo. Mukhang uulan na, oh. Kakagaling mo lang sa sakit, bawal ka maulanan," sabi niya. Saglit ko siyang tinignan na nakatingin lang ng diretso.

Binalik ko ang aking atensyon sa daan at palihim na ngumiti. "Nag-aalala ka talaga sa akin, ha," sabi ko sa kaniya.

"Oo naman," walang pag-aalinlangan niyang pag-amin.

"Salamat pala sa pag-aalala sa akin," panimula ko. "Salamat sa pag-aalaga sa akin." Tinignan ko siya at ngumiti sa kaniya. Natitig siya sa akin ngayon.

"At sorry dahil sinungitan kita," paghingi ko ng paumanhin.

"Sorry rin kasi makulit ako." Malungkot siyang tumitig sa akin. Mawala ang ngiti sa kaniyang mukha. "I'm sorry," paghinga niya ng paumanhin.

Nilagay ko ang kanang kamay ko sa tuktok ng ulo niya at ginulo ang kaniyang buhok. "Ayos lang," natatawa kong sabi sa kaniya dahil nakabusangot na siya ngayon. Ginulo ko kasi ang buhok niya. Abala siya sa pag-ayos nito saka tumingin ulit sa akin.

"When you were, um... not yet married, marami bang nagkakagusto sa 'yo? Pinagkakaguluhan ka ba?" tanong niya,"at saka marami na bang umaamin sa 'yo?"

Hindi ako umimik kaya nagtanong siya ulit. "Tama ba ako?"

Nasapo niya ang noo niya. "Syempre, marami 'yan. Gwapo ka at mabait. Lahat ng hinahanap sa 'yo ng isang babae, na sa 'yo na ata," sabi niya saka inalis ang palad sa kaniyang noo.

Palihim akong ngumiti at nilingon siya sa tabi ko. "Yes. Many to mention but they failed,"  sabi ko.

I saw how her brows met in confusion. Her lips slightly parted for a while then she asked, "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"They failed to get my attention." Tinignan ko siya. "They failed to steal my heart,"

'Because you already have it,' sabi ko sa aking isipan.

"And, they failed to become my one great true love," dugtong kong sabi sa kaniya.

"Your wife, siya ba ang one great true love mo?" tanong niya sa akin.

"Oo, siya," sagot ko na hindi siya tinitignan dahil nasa daan ang mga mata ko.

'Ikaw 'yon Feira. Ikaw ang one great true love ko,' sabi ko sa aking isipan.

"Ang swerte naman niya," rinig kong sabi niya.

"Mas swerte ako sa kaniya," sabi ko naman.

Biglang tumigil ang kotse sa tapat namin kaya bigla rin akong napa-break sa kotse. Agad kong hinarang ang kamay ko sa tapat ni Feira para hindi siya masubsob kahit naka-seatbelt na siya.

"Pambihira naman, eh!" naiinis kong turan. Tinignan ko si Feira at tinanong.

"Ayos ka lang?" buong pag-alala kong tanong sa kaniya.

Tumango siya at halata pa rin ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Nilagpasan ko ang tumirik na sasakyan sa harap namin.

Mayamaya ay bumuhos na ang ulan kaya, I turn on the wipers.

Kanina pa hindi nawawala ang kabado sa aking puso dahil sa nangyari kanina. Nagiging paranoid at nag-hy-hysterical ako.

"Huwag kang baba. Kukuha ako ng payong sa loob," sabi ko sa kaniya. Nasa tapat na kami ng mansion.

"Ako na. Kagagaling mo lang sa sakit. Tatakbuhin ko lang ang hagdan hanggang sa marating ko ang main door ng mansion," sabi ni Feira.

Bubuksan niya sana ang pinto ngunit hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan siya.

"Don't leave here once I have the umbrella." Inalis ko na ang kamay ko sa kaniya kaya inalis niya rin ang kamay niya sa handle ng pinto.

"Pero kas---" Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil agad akong lumabas sa kotse. Ginawa kong pantakip sa aking ulo ang aking suot na jacket at tumakbo sa hagdan hanggang sa narating ko ang mansion. Dumiretso ako sa kusina at tinanong si Manang kung may payong ba siya.

"Manang? May payong po kayo?" tanong ko. Nagulat si Manang na nakita akong basa na ng ulan.

Humakbang siya papunta sa likod ng pinto sa kusina at may kinuha, isang itim na payong. Inabot niya ito sa akin. "Eto, oh."

"Salamat po!" Tumakbo na ako palabas ng kusina hanggang sa nakalabas na ako, tumakbo pababa ng hagdan at nandito na ako sa tapat ng kotse.

Pinagbuksan ko si Feira at dahan-dahan siyang lumabas. Nakita kong napatitig siya sa akin. Dahan-dahang umangat ang kaniyang mga palad at sa hindi inaasahan ay hinaplos niya ang aking pisngi, pinapahiran ang ilang butil ng ulan na tumutulo sa buhok ko papunta sa mukha ko.

Tila ba bumagal ang lahat, pati ang pagpatak ng mga ulan. Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa. Umiwas ako ng pagtitig sa kaniya at tumikhim upang maibalik ang sarili namin sa katinuan.

"B-Basa ka ng ulan," nauutal niyang sabi.

"Huwag kang mag-alala sa akin. Tara na sa loob," sabi ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at inakbayan ko siya papalapit sa akin upang hindi siya maulanan. Sabay kaming naglakad hanggang sa makapasok na kami sa loob ng mansion.

IAMADW: SAVING MY WIFEWhere stories live. Discover now