Chapter 10: Fired

223 7 2
                                    


Tapos na ang ensayo. Umalis na sina Jay at kami nalang ni Feira ang naiwan sa loob ng simbahan.

"Where do you want to go next?" Tanong ko at agad siyang napatingin sa akin. Nakatitig siya sa aking mga mata at gayun din ako.

"May problema ba?"

Umiling siya. " W-Wala naman."

"Really? "

Tumango siya at nagkibit-balikat lang ako. Tatalikuran ko na sana siya upang mauna ng lumabas sa simbahan ngunit tumigil ako sa paglakad dahil tinawag niya ako.

"Ah, Ced!"

Nilingon ko siya. "Oh, bakit?"

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa labas ng simbahan. Hihintayin nalang kita don sa kotse." Simpleng sagot ko. Tinalikuran ko na ulit siya at naglakad na. Rinig ko siyang tawag ng tawag sa pangalan ko habang patakbong lumalakad kasunod sa akin.

Pinagbuksan ko siya ng pinto sa kotse. Umikot ako at umupo sa diver seat. Binuhay ko na ang makina at nagmaneho na ako.

"Iuwi no nalang ako, Ced. Gusto kong magpahinga." Sabi niya at nilingon ko siya sa tabi na nakakunot ang noo.

"You're not feeling well?" Alalang tanong ko.

Umiling siya na may ngiti sa labi. "No. Ayos lang ako. Napagod lang kanina." Sagot niya.

" You know what? You made me smiled earlier. About your vow. " Sabi ko ng seryoso habang ang mga mata ay nasa daan. Nakita ko siyang lumingon sa akin, sa aking peripheral vision na seryosong nakatitig sa akin.

"Um.. hindi ko nga maintindihan eh." Panimula niya.

"Bigla lang kasing lumabas sa bibig ko iyon. Iyong puso ko, hindi ko maintindihan. " Sabi niya. Dumiretso ang tingin niya sa harap habang nilalaro ang kaniyang mga daliri.

"Actually, para sa akin. Napaka mesteryoso mo.  Naguguluhan ako sa pagkatao mo. Feeling ko kasi may tinatago ka. Feeling ko kasi matagal na kitang kilala. " Dagdag niyang sabi na naguguluhan.

Nilingon ko siya.

" I don't need to say anything to you, Feira. Just listen to your heart and you'll get the answer. "Seryoso kong sabi.

Labis ang tuwa ni Feira dahil uuwi na si Gilbert. Kahapon ko pa siyang naririnig sa sala, sa kusina, sa garden na kausap si Gilbert. Ngayon na uuwi na iyon ay hindi maialis sa mukha niya ang saya.

Nasa kusina ako, tahimik na kumakain. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa papasok sa kusina. Hindi ko tinignan kung sino iyon.

"Ced! Bilisan mo na diyan! Kukunin pa natin si Gilbert sa airport."

I tsked.

" Ced!" Tawag niya sa pangalan ko.

'Nakakainis!'

" Can't you see I'm still eating."

"Hindi ba sinabi ni Manang sayo na dapat hinanda mo na ang sarili mo ng maaga dahil pupuntahan natin si Gilbert sa airport?" Tanong niya at nagkibit-balikat lang ako.

I'm chewing in a slow motion and drink my coffee in a slow motion.

Narinig ko siyang nagpadyak ng kaniyang papa.

"Si Manong nalang!" Naiinis niyang sabi. Tatalikod na sana si Feira ngunit pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pagtayo ko at tinulak papasok sa ilalim ng mesa ang upuan.

"Ma'am, kita mo na ngang kumakain pa ako. Ayan tuloy, nagmamadali na ako. Ako na maghahatid sa inyo." Sabi ko at umirap sa ere na patalikod sa kaniya. Nilapag ko ang aking pinagkainan at sumunod na sa kaniya.

IAMADW: SAVING MY WIFEWhere stories live. Discover now