Chapter 19: You're important to me

180 5 1
                                    

FEIRA'S POV

Hindi ko magawang hayaan nalang si Ced sa silid niya. Hindi ko alam pero nag-aalala talaga ako sa kaniya. Oo, sinabi ko na limitahan ang aming sarili subalit, bakit ako mismo ang nagbabalewala sa mga sinabi ko.

Pagkatapos ihanda ni Manang ang mga kakailanganin ko ay pumasok muli ako sa silid niya. Natutulog ito habang may mga butil ng pawis ang tumutulo sa gilid ng noo niya. Tahimik kong nilapag ang munting palanggana sa sahig. Binasa ko ang bimpo saka ito piniga, tinupi at ipinatong sa noo niya.

Napatitig ako sa kaniyang mukha. Bumuntong-hininga ako.

"Ginagawa ko ito dahil kaibigan kita. Hindi ko naman kaya na hayaan ka lang," mahinang sambit ko.

"Huwag mo akong iwan, please. Wife, please!" pagsasalita niya kahit natutulog.

"Nanaginip siya." Lumapit ako at umupo sa kama niya.

"Wife, please. Come back. I can't live without you," sabi niya habang may luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.

"Iniwan ba siya ng asawa niya?" tanong ko saka hinawakan ang pisngi niya.

"Ced?" pag-gising ko sa kaniya. Marahan kong niyugyog siya pero hindi pa rin siya gumigising.

"FEIRA!" biglang sigaw niya saka napabangon. Napitlag ako dahil sa pagkagulat. Nang lumingon siya sa gawi ko ay nanlaki ang mga mata niya.

"Feira? Bakit mo binanggit ang pangalan ko?" naguguluhan kong tanong.

Napahawak siya sa ulo niya saka ako tinanong, "Bakit ka bumalik rito?" Kinuha niya ang bimpo na nasa noo niya at nilagay ito sa tabi ng lampshade.

"May dala akong porridge at gamot," sagot ko. Sumandal siya ng maayos sa headboard.

"Lagay mo lang diyan at umalis ka na," malamig niyang saad.

"Um, alam kong sinabi ko na lilimitahan natin ang ating sarili dahil ayaw kong magtaksil sa asawa ko ngunit napalapit ka na rin sa akin at tinuturing na kaibigan. Kung ayaw mo talaga, kahit ngayon lang; hayaan mo ako na alagaan ka. Kapag gumaling ka na ay hahayaan na kita," sabi ko sa kaniya at hindi siya umimik.

Kinuha ko ang pagkain niya. "Kain ka na," sabi ko sa kaniya habang bitbit ko ang kutsara na may lugaw. Tinignan niya lang ito saka binaling ang tingin sa akin. Nakatitig siya sa akin mukha at mayamaya ay huminga ng malalim. Binuka na niya ang kaniyang bibig. Sinubuan ko na siya.

Mayamaya niya ay naubos na niya ang pagkain. Inabotan ko siya ng tubig at gamot. Ininom niya ito at pagkatapos humiga.

"Pwede ka na umalis dito," sabi niya ngunit hindi ako kumilos. Nais ko siyang bantayan.

"Ginagawa ko na ang nais mo. Kumain na ako at uminom ng gamot. Mayamaya ay magiging maayos na rin ako kaya bumalik ka na sa mansion," sabi niya saka nagtalukbong ng kumot.

"Ma'am, dumating po si Sir Gilbert. Hinahanap kayo," sabi ni Manang sabay dinala ang tray.

Bago ako tumayo at lumabas sa silid ni Ced ay tinignan ko muna siya. Tuluyan na akong lumabas at sinara ang pinto.

•••••

CED'S POV

I had a dream, sort of a nightmare that I wasn't able to save her. She died in front of my eyes. Blood coming out from her body and for the second time, she leaves me again.

The moment she stormed out from my room, I cried. Inalis ko ang pagkakatakip ng kumot sa akin.

"She leave me and went to that guy," sabi ko sa akin sarili. Pinahiran ko ang aking luha gamit ang aking palad saka bumangon. Sinuot ko ang aking jacket at lumabas.

I have to make sure that she's safe since Gilbert is home.

••••

Naglalakad ako papunta sa mansion at pumasok. Nilibot ko ang aking paningin sa sala, hindi ko nahagilap si Feira. Pumunta ako sa dining area at nakita ko sila ro'n. Kumakain silang dalawa ni Gilbert.

"Huwag kang mag-alala. Tuloy ang kasal natin. I'll make sure to cancel my schedules for that day for our marriage and honeymoon. Alam kong gustong-gusto mong makasal sa simbahan kaya nga pinagbigyan kita, diba? Kahit na ikinasal na tayo, civil wedding. Kaya huwag kang malungkot diyan," rinig kong sabi ni Gilbert.

"Pineke mo naman!" mahina kong sabi.

"Hindi naman ako malungkot," sabi ni Feira.

"Then? What's with that face? You look down and have a lot of something in mind," tanong ni Gilbert sa kaniya.

"Um, maybe I'm just tired preparing for our upcoming wedding," sagot nito.

Naisipan kong umalis na ro'n at pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. Pagkatapos ay nilagay ko ang baso sa sink at lumabas na sa kusina.

Nakasalubong ko si Manang.

"Oh, Lance? Bakit ka lumabas sa silid mo? Bumaba na ba ang lagnat mo?" tanong ni Manang at tumango ako.

"Maayos na po ang pakiramdam ko," sagot ko saka pilit na ngumiti. Nilagpasan ko na siya at lumabas na ng mansion. Naglalakad ako pabalik sa aking quarter.

•••••

May 20, 2014

"We already have the invitation, Ma'am Feira,"

Nandito na ako sa garden. Sabi kasi ni Manang, pinatawag ako ni Feira.

"Pinatawag niyo 'ko?"

Tinignan ako ni Feira saglit saka binalik ang atensyon sa mga kausap niya.

"Give me some of the invitations. I'll invite personally my friends and relatives," sabi ni Feira at nagbow lang sa kaniyang ang dalawang babae at umalis na.

"Kamusta ka na? Maayos na pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

"Pinatawag niyo ako para tanungin niyan?" malamig kong sabi. Tumayo siya at naglakad patungo sa akin. Ngayon ay nakatayo na siya sa harap ko.

"Well, pinatawag kita kasi ipagmamaneho mo ako. Pupuntahan ko ang mga relatives ko at mga kaibigan ko sa college,"  sabi niya sa akin.

"Kaya tinanong kita kung maayos ka na kasi ikaw ang sasama sa akin," dugtong niyang sabi.

'Hindi ako maayos kasi kinakabahan ako sa bawat araw na dumadaan,'

Biglang pumasok sa aking isipan ang panaginip ko kagabi.

"Ced?" tawag ni Feira sa akin na nagpabalik sa aking sa reyalidad.

"Ha?"

"If you're still not fine, si Mano--" putol niyang sabi kasi nagsalita ako.

"No!" agad kong pagtanggi na ikinagulat niya.

"I mean, you asked me bakit nagbabago agad ang isip mo. Tss!" naiinis kong sabi.

"Kasi ayaw kong mapaano ka," sabi ni Feira.

"Tss. Walang magyayari sa akin," seryoso kong sabi.

"You're important to me, Ced. Kaya nag-aalala ako sa 'yo. You are my friend, my listener, the person who made me not to feel alone kasi nasa tabi kita. That's why I'm worried. I treat you as a friend, a very precious friend," sabi niya sa akin. Umiwas ako ng pagtitigan sa kaniya.

"I'm fine. I'll drive you to wherever you will go. Ako lang at wala ng iba," sabi ko saka siya tinalikuran. Nauna akong naglakad at nakasunod lang siya sa akin.

IAMADW: SAVING MY WIFEWhere stories live. Discover now