Tapos ko ng ginagawa ang lahat ng mga gawain. Pumasok ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Nilagok ko ito at agad pa kumuha ng isa. Uhaw na uhaw ako at sobrang pawis na. Inilapag ko na sa sink ang baso. Lalabas na sana ako ng kusina upang pumunta sa quarter ng biglang may tumawag sa panglan ko. Lumingon ako at nakita si Feira."Ced?"
"Yes? Hindi ka pa natutulog?" Tanong ko at lumakad papalapit sa kaniya sabay lagay ng kamay ko sa noo niya.
"Kagagaling mo lang ha. Dapat ka na magpahinga. " Sabi ko at umatras sabay kuha ng towel ko na nakapatong sa balikat at pinahiran ang pawis ko.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya.
"Kakatapos ko lang linisin ang pool pati ang garage." Sagot ko.
"Ipaghahain na kita. Grabe ka naman magtrabaho. "
" Syempre. Sini-sweldohan mo ako dapat gawin ko ang trabaho ko."
Umupo ako sa stool at tinitignan lang ang ginagawa niya. Kumuha siya ng plato, kutsara at tinidor. Inilapag niya ito sa harapan ko.
"Saan ka? Sa dining o dito nalang sa kusina.?
I smiled. " Dito na. "
" Okay. " Ngiti niyang sabi.
Nakahain na ang mga pagkain sa harapan ko. Nagpapasalamat ako sa kaniya at nasa harapan ko lang siya na nakaupo.
Kumain lang ako ng kumain hanggang sa naubos ko na ito. Pagkatapos ay tumayo na ako at huhugasan na sana ang mga plato ng pinigilan niya ako.
"Diba driver at bodyguard lang kita? Naging kasambahay ka na rin pala. Ako na. Pagod ka na eh " sabi niya.
Ngumiti ako ng malapad." Wif-- uhm.. I'm okay. I'm not tired. Seeing you will make this tiredness go away. " Seryoso kong sabi. Nagkatitigan kaming dalawa. Halatang naiilang siya sa sinabi ko kaya ngumiti ako at tumawa.
"Tabi na diyan, okay? Huhugasan ko na ang mga iyan." Sabi ko at tumabi na siya.
Habang naghuhugas ako. Nasa stool lang siya nakaupo sa may likod ko.
Tinanggal ko na ang apron at hinarap siya.
"Pahinga ka na. Lalabas na ako. I-lock mo ng mabuti ang kusina. Ask some of your maid to double-check everything. "
" Teka..! " Pagpigil niya sa akin sabay tumayo.
Magsasalita na sana siya ng biglang nag ring ang phone niya.
" Si Gilbert tumatawag. Sasagutin ko muna." Sabi niya at tumango lang ako.
" Yes, hon. Okay. Don't worry. I miss yo--" putol niyang sabi sabay titig sa phone niya.
"Did he ended the call?" Tanong ko at malungkot siyang tumango.
" Then? Why that face?"
" Kasi binabaan niya ako na hindi pa nakapagsabi ng ' I miss you' sa kaniya eh." Malungkot niyang sagot.
" What did he want? What did he said?"
Ngumiti siya." Sinabi niya na hindi pa siya makakauwi sa isang araw. Ako nalang daw pumunta para e meet ang wedding planner namin. Mag-isa akong mag-practice bukas. Hehehe"
" Tss. Parang kinikilig ka pa ha."
" Syempre naman! Pangarap kong makasal, Ced. Iyon ang pinakapangarap ko. Ang makasal lalo na sa taong mahal ko. Oo, kasal kami ni Gilbert sa munisipyo pero hiningi ko sa kaniya na sana ikasal kami sa simbahan dahil iyon ang gusto ko. Sobrang excited na ako sa araw ng kasal namin" masaya niyang sabi habang pinagdikit ang dalawang kamay na nakatingin sa taas.
YOU ARE READING
IAMADW: SAVING MY WIFE
SonstigesStory Description: A/n: This is the Book 2 of I ACCIDENTALLY MARRIED A DEAD WOMAN. Read the Book 1 first then this. If the one that you love the most more than your life, leave you. It is the most painful moment in our life that sometimes could make...