Chapter 15: I will not stop

160 4 0
                                    


CED'S POV

Pagkagising namin ay agad na naghanda ng kaniyang sarili si Feira. Nag-almusal kami at nagbiyahe pabalik sa mansion nila.

"Pauwi na ako," sabi niya kay Gilbert, sa kabilang linya.

Itinuon ko lang ang aking atensyon sa daan at nakikinig sa bawat salitang binibitawan niya.

"Yes. I'll be there," sabi niya saka pinatay ang tawag.

"Ano ba ang gusto niya? Paliparin ko 'tong kotse, Ma'am Feira?" tanong ko.

Tinignan niya ako at ngumiti. "May kailangan daw akong pipirmahin kaya minamadali na niya akong umuwi," sagot niya.

"Maghintay siya. Ayaw ko naman na mapahamak ka. Dapat, safe and secure 'tong pagmamaneho ko kasi ikaw ang nakasakay sa kotseng 'to," seryoso kong sambit. Kita ko sa aking peripheral vision ang paglingon niya sa akin. Tanging side lang ng aking mukha ang kaniyang nakikita.

Lumipas ang ilang oras sa pagbiyahe at sa wakas ay nakarating na kami sa mansion. Pinark ko na ang kotse at pinagbuksan siya ng pinto, saka siya lumabas. Nilabas ko ang ilang gamit niya at inabot sa kaniya.

Nauna na siyang pumasok sa mansion at pinark ko muna ang sasakyan.

Pagkatapos, naglalakad na ako papasok ng mansion at nakita silang dalawa sa sala.

"Sa susunod hon, dapat samahan mo na ako," sabi ni Feira na nakaupo sa sofa.

Umupo si Gilbert, kasalungat niya at may nilapag na brown envelope sa mesa.

"I need you to sign this," tanging sambit nito.

"Hon, next time, samahan mo na ako," pangungulit ni Feira.

Huminga ako ng malalim habang nakayukom ang aking kamay. Nanggigil ako sa galit. Hindi ko gusto ang inaasta ni Gilbert sa asawa ko. Hindi ko gusto na ginagawa niyang tanga ang asawa ko. Hindi ko gusto ang panahong ito dahil mahal siya ni Feira at wala lang ako sa kaniya, isang hamak na driver.

Ngunit, gusto ko ang panahong 'to dali maliligtas ko si Feira sa lalaking mahal na mahal niya, si Gilbert.

"I know you wanted to get marry in the church, so bad; but, can you disregard that first and sign this?" sabi ni Gilbert.

Her face softened and tears shimmered in her eyes. She faked a smile to him and get the envelope. She opened it and got the paper inside. Inabotan siya ng ballpen ni Gilbert at pinermahan ito na hindi man lang binabasa ang laman. Sa nakikita ko, napakalaki ng tiwala ni Feira sa kaniya o hindi kaya, wala siyang pakialam sa kayamanan niya. Ang importante sa kaniya, si Gilbert.

Pagkatapos na pirmahan ni Feira ang documents ay agad na tumayo si Gilbert kaya napatayo rin si Feira at nagsalita.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

Sinagot siya ni Gilbert na nakatalikod sa kaniya. "Sa kompanya." Tinalikuran na siya at naglakad na papalapit sa akin na kung saan nakatayo ako sa labasan. Tinignan niya ako ng seryoso at ganon din ako.

"Ingatan mo ang papeles na 'yan. Mukhang importante, eh," sabi ko at nginitian siya na nakakaasar.

Binangga niya ang balikat ko at tuluyan ng umalis sa mansion. Si Manong ang nagmaneho sa kaniya at umalis na sila.

Naglakad ako papalapit kay Feira na nakatungo habang mahigpit na nakahawak ng mga kamay sa gilid sofa. Umupo ako sa harapan niya at tumikhim kaya napaangat siya ng tingin.

"You okay?" tanong ko.

Inipit niya ang iilang hibla ng kaniyang buhok at tumango. "I'm okay."

"Liar," tipid kong sabi.

IAMADW: SAVING MY WIFEWhere stories live. Discover now