CED'S POV
Tomorrow is her wedding. I've been lying on my bed for how many minutes while staring at the ceiling. Nasa ibabaw ng aking noo ang kanang braso ko.
Agad akong napabalikwas ng bangon saka tinignan ang orasan sa gilid ng lamp. Alas kwatro pa ng umaga, hindi na ako muli dinalaw pa ng antok. Naisipan kong magjogging nalang.
Isinuot ko ang aking grey na hoodie jacket habang pinarisan ko ng itim ng jogging pants at sapatos. Kinuha ko ang aking mp3 at ipinasok sa aking bulsa saka ko isinuot ang earpiece.
Lumabas na ako sa aking quarter at tumakbo sa papunta sa pathway hanggang sa narating ko ang gate. Nakita ko si Manong Guard na kumakape. Binati ko siya bago ko nilagpasan.
Habang tumatakbo ako ay maraming mga bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Paano na lang kung magkamali ako bukas? Kinakabahan ako sa mangyayari.
Binilisan ko ang aking pagtakbo sa walang kakotse at katao na daan. Hindi ko namalayan na dinala ako ng aking mga paa sa aming mansion.
Napatitig ako sa malaking gate.
"Sa m-mga oras na 'to, nasa S-States ako," sabi ko habang hinihingal. "Hays! Kapagod!" I groaned as I put my hands unto my knees.
Nang maramdaman ko na hindi na ako masyadong pagod ay tumakbo na naman muli ako hanggang sa marating ko ang gubat.
Tumigil ako at nakatayo sa daan habang pinagmamasdan ang masukal na gubat.
Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob ng gubat. Naririnig ko ang mga huni ng ibon at dumampi sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. Medyo madilim rito sa loob ng gubat dahil alas kwatro pa ng umaga. Wala pa ang araw.
Mayamaya lang sa maingat na paglalakad ay narating ko na ang mismong lugar kung saan babarilin si Feira. Naglakad na naman ako ng diretso hanggang sa narating ko puno na kung saan siya ililibing.
Umupo ako sa bato na narito habang nakayuko ang ulo. "I'll make sure to save you tommorow, Wife. I'm gonna make sure that you will not die tomorrow," mahinang sabi ko saka tumingala at bumuga ng hangin.
•••••
"C-Ced?" Nanlaki ang mata ni Feira na nakatitig sa akin. Nakita ko naman kung gaano kamugto ang kaniyang mga mata. Namumugto ito at halatang nagkaroon siya ng eye bags.
"S-Saan ka galing?" tanong niya. Kakarating ko lang galing sa gubat. Dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng maiinom ngunit bigla siyang sumulpot sa kusina.
"Ang aga niyong nagising, ah. 5:30 pa ng umaga," pagpuna ni Manang pagkapasok niya rin sa kusina.
"Galing po ako sa labas. Nag-jogging ho," sagot ko saka binuhusan ng malamig na tubig ang aking baso.
"Ma'am Feira, may kailangan po kayo?" tanong ni Manang sa kaniya.
Nakatitig sa akin si Feira. No'ng tinanong siya ni Manang ay napunta ang atensyon sa kaniya saka sumagot, "Uuwi na po si Gilbert. Magluto ho kayo ng masarap putahe, Manang."
Dali-dali akong umiwas ng pagtitig sa kaniyang ng dumapo na naman ang paningin niya sa akin.
"Bukas na pala ang kasal mo, Ma'am. Siguradong excited kayo no? Ang aga niyo pong nagising," nakangiting sabi ni Manang. Humakbang siya papalapit kay Feira saka inilagay ang mga kamay nito sa magkabilang balikat ni Feira. "Huwag kang mag-alala. Magiging maayos ang lahat. Mangyayari na ang nais mo," dagdag niyang sabi.
"O-Opo," tanging nasabi niya na may malungkot na boses.
"Ma'am Feira, aalis ho ako," singit ko sa usapan.
Nilagpasan niya si Manang at dali-daling lumapit sa akin. Gumuhit sa mukha niya ang pagkagulat. "Ha? Bakit?"
Humakbang ako paatras sabay lumunok sa sarili kong laway dahil medyo malapit siya sa akin.
"May importante po akong gagawin, Ma'am Feira," sabi ko. "Best wishes nalang po sa kasal niyo." Ngumiti ako ng pilit saka tinap ng isang beses ang balikat niya. Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at lumabas sa backdoor ng kusina na kung saan patungo sa quarter ko.
•••••
FEIRA'S POV
Dali-dali kong sinundan si Ced. Ano ba ang ibig niyang sabihin na may gagawin siya? Iiwan na niya ako? Bakit? Naiilang ba siya dahil umamin ako sa kaniya? Hindi ko gusto na iwan niya ako.
"Ced?!" tawag ko sa pangalan niya kaya agad siyang tumigil sa paglalakad at nilingon ako.
"Why are you following me?!" Kumunot ang noo at agad na tumingin sa paanan ko. "You lost your other slipper," sabi niya.
Napatingin naman ako sa paanan ko. Tama nga siya, sa kakahabol ko sa kaniya; hindi ko na namalayan na nawala na pala ang isang tsinelas ko.
Napakamot ako sa aking batok. "Hindi ko namalayan," nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Tss!" he hissed in annoyance. "Paano 'pag nagkasugat 'yang paa mo? Tapos nagka-infect! Nag-iisip ka ba?" Bakas sa mukha niyang ang inis.
"Hindi ko nga namalayan," nakangusong sagot ko. Umiwas siya ng tingin sa akin saka hinihilot ang sentido ng ilong niya.
Nagulat nalang ako na bigla niya akong pinasan at nakapiggy-back ride na ako sa kaniya. Bago marating ang quarter niya ay madadaanan niya muna ang garden. Pina-upo niya ako sa bench na narito.
"Stay here. Hahanapin ko ang isang pares ng tsinelas mo," seryosong sabi niya saka ako iniwan.
Tumitig lang ako sa kaniyang matipunong likod hanggang sa nawala na ito sa paningin ko. Bigla akong napahawak sa dibdib ko na kung saan ang aking puso. Napakabilis ng kabog nito.
Mayamaya lang sa paghihintay sa kaniya ay bumalik na siya, dala ang aking isang tsinelas. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at isinuot ito sa akin.
Sa piling ni Ced, ramdam ko kung gaano ako kahalaga at iniingatan.
Pagkatapos niyang maisuot sa akin ang tsinelas ko ay pinagpagan niya ang kaniyang mga tuhod saka tumayo ng maayos.
"Bumalik ka na sa mansion," sabi niya sa akin.
Agad akong tumayo. "Saan ka nga pupunta? Bakit ka aalis?" Madami akong tanong sa kaniya ngunit matagal siya bago umimik. Nanatili lang siyang nakatingin sa aking ng seryoso.
"Ced?" banggit ko sa pangalan niya.
"Dadalawin ko ang asawa ko. Bukas ang death anniversary. Baka, bukas ng hapon pa ako makakauwi," sagot niya sa akin.
"G-Gano'n b-ba?" tanging nasambit ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Nalulungkot ako para kay Ced. Napakabuti niyang asawa.
"If y-you don't mind, ilang taon na siyang p-patay?" tanong ko sa kaniya.
"You don't have to know. It's nothing to do with you," malamig niyang turan.
"Maghahanda na ako at aalis. Again, best wishes sa kasal mo bukas, Ma'am Feira," sabi niya saka nagbow ng kaunti sa akin. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako at iniwang mag-isa sa hardin.
"Why don't I feel happy?" malungkot kong bigkas sa hangin saka naisipan na bumalik na sa mansion.
YOU ARE READING
IAMADW: SAVING MY WIFE
RandomStory Description: A/n: This is the Book 2 of I ACCIDENTALLY MARRIED A DEAD WOMAN. Read the Book 1 first then this. If the one that you love the most more than your life, leave you. It is the most painful moment in our life that sometimes could make...