Chapter 26: The Plan

152 8 3
                                    

CED'S POV

Nandito lang ako sa gilid, nakikinig sa usapan nila sa loob ng dining. Bawat katagang binibitawan ni Gilbert ay labas lang sa ilong niya. Alam kong planado na niya ang lahat. Kanina pa 'to nakayukom ang mga kamay ko dahil sa galit. Huminga ako ng malalim para ikalma ang aking sarili.

Kumatok ako sa pinto. Nasa pintuan ako, hinihintay na makuha ko ang atensyon nila sa pagkatok ko sa pinto na nasa gilid.

Tinignan ako ni Gilbert at Feira.

"Oh, Lance. How are you?" tanong ni Gilbert sa akin na may pekeng ngiti sa mukha.

"Eto, gwapo pa rin," seryosong sagot ko na ikinatawa niya.

"You're funny," tumatawang sabi niya.

'Tinatawa ng kumag na 'to? Gwapo naman talaga ako. Palibhasa, pangit ka. Mapalabas man o sa loob,'

"I'm not. I'm even wearing a serious expression and tone while saying it," sabi ko sa kaniya.

"Okay. So, what do you want?" tanong niya sa akin. Tinignan ko muna saglit si Feira saka ko siya sinagot.

"Aalis ako. Uuwi muna ako sa amin. Dadalawin ko ang asawa ko," sabi ko sa kaniya.

"Oh? Really. You don't have to come back. Get your things. Once we're married, I'll be staying with her so there's no need for your existence," he smirked as he leaned on his chair.

'Liar! You are a fucking liar, you fucking jerk!'

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Really?"

"Hon, there's no need for him to le--" Hindi natapos ni Feira ang sasabihin niya dahil nagsalita si Gilbert.

"We don't need him, hon," sabi niya. Tinignan niya ng seryoso si Feira. "Why? Do you want him?"

Yumuko si Feira na umiiling habang nakayukom ang mga kamay sa ibabaw ng lap niya.

Gusto ko siyang lapitan at kunin siya pero hindi ko magawa.

'Hang on there, wife. Endure it. Tommorow you'll be free and safe,' sabi ko sa aking sarili.

"O-Okay, S-Sir. Saka k-ko na babalikan ang ilang mga gamit ko," sabi ko sa kaniya na nauutal, puno ng kaba ang aking puso.

"I told you not to come back. Don't worry, I'll ask someone to get your things and send it to your address. I will pay so, no worries," sabi niya sa akin.

Muli kong tinignan si Feira. Nakayuko lang ito. Parang pinupunit ang puso ko sa aking nakikita.

"Sige," tanging nasambit ko saka ako umalis sa dining area.

Lumabas na ako sa mansion at naglalakad na sa pathway. Napatigil ako sa paghakbang at muling lumingon sa mansion.

"Hold on, wife. Babalik ako. Ililigtas kita," sabi ko saka tinuloy ang paglalakad hanggang sa marating ko na ang gate at lumabas.

Nasa daan na ako at naglalakad na patungo sa crossing para pumara ng taxi.

••••

THIRD PERSON'S POV

Tila bang pinupunit ang puso ni Feira dahil wala siyang nagawa para pigilan si Ced sa pag-alis. Pinipigilan niya ang kaniyang mga luha na huwag tumulo dahil nasa tabi niya si Gilbert na kumakain.

Hindi niya akalain na ito na ang huli nilang pagkikita ni Ced. Hindi rin siya makakontra kay Gilbert dahil asawa niya ito. Wala rin naman siyang mapapala dahil hindi naman siya mahal ni Ced. Sa isip niya, sana pumunta si Ced sa kaniyang kasal upang itigil ito. Pero, alam niya na hindi mangyayari 'yon. Wala namang rason si Ced upang maging hadlang sa kasal nila ni Gilbert.

"Napakahambog ng driver mo, Feira," sabi ni Gilbert pagkaalis ni Ced.

"Good thing he'll be gone permanently. We don't need him anyway. Manong is here. He can be our driver and I'll hire someone to be our bodyguard,"

Inangat ni Feira ang kaniyang paningin. Tinignan siya ni Gilbert. Batid niya na may nangyayari sa kaniyang asawa.

"I need to go upstairs," pagpapaalam ni Feira.

"Okay. I'll be there too. Let's spend our remaining time together. Later, I'll check in to a hotel and we'll see each other again. The day of our marriage," nakangiting sabi ni Gilbert.

'The day of your death. I'm sorry, Feira,' sabi ni Gilbert sa kaniyang isipan.

"Okay," walang ganang sagot ni Feira saka tinalikuran si Gilbert. Naglalakad na siya palabas ng dining at tinungo ang sala hanggang sa marating na niya ang hagdan. Umakyat na siya sa taas na may mabigat na nararamdaman. Bawat paghakbang niya sa hagdan ay siyang ikinabagsak isa-isa ng kaniyang mga luha.

Dumiretso siya sa kanilang silid ni Gilbert. Sumilip siya sa bintana at nakita niya si Ced mula sa malayo, papalapit na ito sa gate.

"Ced," banggit niya sa pangalan nito habang mabilis na tumutulo ang kaniyang mga luha. "Don't leave me," dagdag niyang sabi.

"C-Ced." Napapikit siya sa kaniyang mata at tahimik na humagulhol. Mabilis niyang pinahiran ang kaniyang mukha na basa dahil sa mga luha ngunit nabigo siya. Mabilis pa rin ang pagtulo nito. Napadalusdos siya sa pader at umupo saka niyakap ang sarili. Tumungo siya kaya tumutulo ang mga luha niya sa kaniyang mga tuhod.

•••

Pumasok si Gilbert sa silid nila at nakita si Feira na natutulog sa kanilang kama. Pagkatapos niyang umiyak ng palihim ay nakatulog si Feira.

Nakatitig lang si Gilbert sa kaniya. "I love you, Feira. But, I'm sorry for hurting you. I'm sorry for loving your money even more," mahina niyang sabi upang hindi marinig ni Feira.

Lumabas siya sa silid nila at dumiretso sa kaniyang office. Umupo siya sa kaniya swivel siya. Bubuksan na sana niya ang puting folder ng biglang tumunog ang phone niya. Sinagot niya ang tawag galing sa kaniyang ate. Sinasabi nito na susunod nalang daw sila. Pagkababa ni Gilbert sa tawag ay nakita niya si Manong na papalapit sa desk niya.

"Manong, ihanda niyo na ang sarili niyo bukas. Pupunta ako sa simbahan at siguraduhin niyong hindi siya makakapunta. Dalhin niyo siya sa abadonadong gusali. Dumaan kayo sa walang mataong lugar. Naiintindihan niyo?" paliwanag niya sa matanda kung ano ang gagawin nito. Tumango lang si Manong na may nakakakilabot na ngiti sa kaniyang mukha.

"Habang nasa simbahan ako, makakatanggap ako ng balita na kikidnapin si Feira," sabi ni Gilbert habang nilalaro ang baril sa kamay niya. "But, iibahin ko na," dugtong nitong sabi.

"Ano 'yon, Sir?" tanong ng matanda.

"Sasabihin ko na nagback out si Feira sa aming kasal dahil kay Lancr. Habang papunta siya kay Lance sabihin natin na kinidpan siya ni Lance at pinatay. Bago magsisimula ang kasal, makakatanggap na ako ng tawag. Tapos aalis ako sa simbahan. Magkita tayo sa lugar at ilagay mo si Feira sa likod ng kotse ko. Ako na magmamaneho papunta sa abandonadong gusali," sabi ni Gilbert na may ngiting nakakakilabot sa mukha. Tinutok niya ang baril kay Manong sabay sabing, "BANG!"

"Diba? Hindi nila malalaman. Si Lance pa ang pagbibintangan." Humalakhak ito na parang demonyo. "Fuck him!"

"And Feira? Mamamatay na hindi makakasal sa simbahan." Tumawa si Gilbert. "I can't wait to get all her wealth," masaya niyang sabi.

IAMADW: SAVING MY WIFEWhere stories live. Discover now