CED'S POV
When she cries, I really wanted to hug her. The pain in my heart double when she uttered the words of not leaving her because she doesn't want to be alone.
It's my fault. I was too careless and not being mindful of my action. May mga bagay na nagagawa naming dalawa ngayon na magkasama; mga pinapangarap ko noon. Nagkakapagmasyal kami na walang iniisip. Magpunta sa amusement park, magdinner sa labas, at magkwentuhan hanggang maghating gabi. Nangyayari 'yon ngayon. Nakalimutan ko saglit na wala ako sa panahon ko at kailangan ko mag-ingat. I just love her so much that I wanted to show and tell it to her everyday. I messed up her mind and her heart. Is it a good thing, right? She will not going to marry Gilbert when her heart beats my name. But, what should be happen, will happen. Nandito lang ako para iligtas siya sa araw na iyon. Ayaw kong guluhin at ibahin ang panahon na 'to baka may mangyari pa na mas malala. Hindi ko kaya na may mangyari kay Feira. Sisiguraduhin kong ililigtas ko siya at magsasama kami sa hinaharap.
Mabigat ang aking paghakbang papalayo sa kusina. Unti-unti ng nawawala sa aking tenga ang ingay ng kaniyang paghikbi.
"Kailangan ko ng lumayo sa kaniya. Malapit na rin naman ang araw. Ayaw ko siyang guluhin dahil ayaw ko siyang mahirapan," pagbanggit ko sa ere.
Buong araw ay nilaan ko lang sa pagtatrabaho. Mula sa pag-aayos sa sasakyan, pagdidilig ng mga halaman, paggugupit sa mga ito, at pagwawalis sa pathway. Ginawa ko lahat ng iyon upang maialis sa aking isipan at pigilan ang aking sarili na kausapin siya.
Miss na miss ko na siya. Nais ko na siyang hagkan, mayakap at makatabi sa pagtulog. Miss ko na ang mga araw na sinasabi niyang mahal niya ako at hindi si Gilbert.
Pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig. Napasandal ako sa gilid ng mesa dahil medyo nahihilo ako. Dahil siguro ito sa sobrang pagkapagod. Umupo ako sa silya habang pinupunasan ang aking mga pawis.
"Lance, magpahinga ka naman. Kanina ka pa nagtatrabaho. Magmeryenda ka muna," sabi ni Manang.
Tumayo ako at inilagay ang basong ginamit sa sink bago nagsalita.
"Wala ho akong gana. Magpapahinga nalang po muna ako," sabi ko sa kaniya at umalis na sa kusina. Lumakad na ako papunta sa aking quarter. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong humilata sa kama. Napatitig ako sa kisame ng ilang minuto bago bumigat ang mga talukap sa aking mga mata.
••••
FEIRA'S POV
Kabababa ko lang galing sa akin silid. Naglakad ako papunta sa kusina at inutusan si Manang na dalhan ako ng meryenda sa garden. Nais kong magpahangin. Masyadong magulo ang isipan ko ngayon.
Umupo ako sa bench na narito, kaharap ang fountain.
"Ano na ba 'tong nangyayari sa akin?" tanong ko habang nakatingala sa langit. Huminga ako ng malalim saka tumayo. Lumapit ako sa fountain at umupo rito.
Nilublob ko ang aking kanang kamay sa tubig. Maya-maya ay dumating na si Manang na may dalang tray. Nilapag niya sa mesa ang pagkain.
"Narito na ang iyong meryenda, Ma'am Feira," nakangiting sabi ni Manang. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.
"Um, Manang?"
"Bakit, hija?"
"S-Si Ced po?" tanong ko.
"Si Lance?"
Tumango ako.
"Ewan ko sa lalaking 'yon. Ginagawa na lahat ng trabaho. Pinapagod niya ang kaniyang sarili. Hindi na nga nananghalian, hindi pa nagmeryenda," sabi ni Manang na nakakunot ang noo.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. "Po?"
Umupo ako na wala sa sarili.
"Babalik na ako sa kusina," pagpapaalam ni Manang at tumango lang ako.
"Bakit hindi siya kumain? Ano ba ang problema niya?"
Napakamot ako sa aking ulo. "Bakit ka nag-aalala sa kaniya, Feira? Bakit ka naaapektuhan?"
"Ano ba ang ginawa ko? Hindi ko na nga siya pinaalis. Nagbago na nga ang isip ko. Nagtatampo ba siya sa akin?" malungkot kong sabi habang nakahawak sa basong may laman na juice. Napatitig lang ako ro'n at maya-maya, bigla akong tumayo.
"Hindi 'to pwede. Kailangan ko siyang makita upang siguraduhin kung ano ang nangyayari. Driver ko naman siya at kaibigan. Tama! Tama, Feira." Lumakad ako papunta sa quarter ni Ced.
Nakatayo ako sa tapat ng kaniyang pinto at nagdadalawang-isip na kumatok.
"Kakatok ba ako o hindi?" tanong ko sa aking sarili habang napakagat sa ibabang labi.
"Ano naman ang sasabihin ko kapag tatanungin niya ako?" Inis kong kinamot ang ulo ko.
"Bahala na nga!" Kumatok ako ngunit walang sumagot. Nilapit ko ang aking tenga sa pinto pero wala akong naririnig na ingay sa loob. Pinihit ko ang doorknob ngunit nakalock ito. Kumatok ako ulit.
"Bakit hindi niya ako pinagbubuksan," natataranta kong sabi. Umalis ako at patakbong naglakad papunta sa kusina, sa backdoor ako dumaan. Mas malapit kasi rito sa quarter niya. Nakita ko si Manang na nagluluto para sa hapunan.
Nagulat siya ng makita ako. "Oh? May kailangan ka?"
"Manang? May susi ho kayo sa silid ni Ced? Kumakatok kasi ako pero hindi niya ako pinagbubuksan. Nais ko lang malaman kung ano na ang nangyari sa kaniya. Yayayain ko rin sana siyang kumain,"
"Alam ko na, hija. Naiintindihan ko," nakangiting sabi ni Manang.
"Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa," sabi niya ulit sabay bigay sa akin ng susi na nasa bulsa niya.
"Ang susi ng silid niya ay 'yang kulay silver na susi," sabi ni Manang.
"Salama po," pasalamat ko saka dali-dalong tumakbo pabalik ro'n. Nang makarating na ako ay binuksan ko agad ang pinto niya.
Pagbukas ko, pumasok agad ako at nakita ko siyang nakatalukbong. Habol ko ang aking hininga. Lumapit ako sa kaniya at inalis ang pagkakatakip ng kumot sa kaniya. Nakapikit ang mga mata nito.
Ipinatong ko ang aking palad sa noo niya. Napitlag ako ng dahil sa pagkagulat ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sabay inalis ang kamay ko sa noo niya.
"Mainit ka, Ced. May lagnat ka," sabi ko, nag-aalala.
Dahan-dahan siyang bumangon at isinandal ang likod sa headboard.
"Ano naman ngayon?" suplado niyang saad.
"Kukuha ako ng ga--" putol kong sabi dahil bigla siyang nagsalita.
"Hindi na kailangan. Lumayo ka sa akin, Ma'am Feira. Gusto kong magpahinga," sabi niya na hindi man lang nakatingin sa akin.
'Bakit ang sungit at ang lamig niya sa akin? Nasasaktan ako,'
Hindi ko siya sinunod at nakatunganga lang kaya nagsalita ulit siya.
"Ano pa ang hinihintay mo? Alis na," malamig niyang saad.
"May sakit ka, Ced," sabi ko sa kaniya, naiiyak na ako.
"Hindi ako mamamatay sa simpleng lagnat lang. Kaya huwag mo na akong alalahanin," sabi niya. Hindi ko na matiis ang mga sinasabi niya kaya lumabas ako sa kaniyang silid.
"Hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa 'yo, Ced. Huwag mo 'kong pagtatabuyan. Aalagaan kita hanggang sa gumaling ka," sabi ko sabay naglakad paalis sa silid niya.
YOU ARE READING
IAMADW: SAVING MY WIFE
RandomStory Description: A/n: This is the Book 2 of I ACCIDENTALLY MARRIED A DEAD WOMAN. Read the Book 1 first then this. If the one that you love the most more than your life, leave you. It is the most painful moment in our life that sometimes could make...