Chapter 16: We're happy

220 8 4
                                    

CED'S POV

Time flies unnoticeably. It is already 18th of May and her wedding will be on May 24. Days gone by and this inner fear I kept inside is getting worst.

She's so happy that you cannot even remove it. Lumapit ako sa kaniya at nilapag ang kape na ginawa ko. We're in the garden to get some fresh air. She took a sip to the coffee I placed on the table.

Nginitian niya ako at gano'n din ako habang nasa pagitan ng aking labi ang gilid ng tasa at uminom ng kape.

"Your wedding is getting closer." Pagbasag ko sa katahimikan namin.

Nasa tasa ang kaniyang mga kamay at do'n nakatuon ang kaniyang mga titig saka sumagot, "Oo, I'm getting excited. I'm having a trouble to sleep because of excitement. I even wish days will come by immediately. I can't wait for the day that I'll be marry the man that I love."

Tinignan niya ako. "Kahit na kinasal na kami sa west. Pangarap ko parin na makasal sa simbahan at mangyayari na 'yon. Pangarap ko ang maikasal." Bakas sa kaniyang mukha ang saya at mapait akong ngumiti.

"Ikaw ba." She leaned a little bit closer to me. "Ano ang pakiramdam mo no'ng kinasal kayo ng babaeng mahal mo?"

Nilayo ko ang mukha ko sa kaniya. Sumandal ako sa upuan saka sumagot,"Um, scared." Tumawa ako na ikinakunot ng noo niya.

"Ha?"

"I'm scared," pag-uulit ko.

Ikaw ba naman biglang kinasal sa isang patay na. Nakakatakot talaga na nakakainis. But, that was start. Habang tumatagal, I realized that I'm the happiest man in the world.

"Eh? Ba't ka natakot?" naguguluhan niyang tanong.

"Takot akong mawala siya sa akin. Since kinasal na siya sa akin; gusto ko, lagi kaming magkasama. Kung saan man siya, do'n din ako," nakangiting sambit ko.

Tumango-tango siya. "Ah. Gano'n ba?"

"Oo, gano'n 'yon," sabi ko at tumawa ng tipid.

"Ako ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo no'ng minahal at aksidenteng kinasal sa isang tulad niya. Tanging isang aksidente sa aking buhay na itinuring kong maganda," seryoso sabi ko sabay uminom ng kape. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at mayamaya ay ngumiti siya.

"Kaigit naman. Mahal na mahal mo talaga asawa mo," sabi niya.

"Mahal na mahal mo nga si Sir Gilbert," nakangiti kong sabi pero parang pinunit ang puso ko sa aking sinambit.

"Oo nga eh! Pareho tayong tunay na nagmamahal sa mga taong mahal natin," sabi niya at tumango lang ako.

Mayamaya lang ay biglang naring ang phone niya na nasa ibabaw ng mesa. Kinuha niya ito at sinagot.

"Hello, mommy?"

Nanlaki kaunti ang mga mata ko.

'Her mom. Based from the past, hindi nakarating ang parents niya,'

"No. It's fine if you and Dad cannot come. It's better to think your safety first and the business," nakangiting sabi niya.

"Yeah. I love you too and Dad," huling sabi niya saka binaba ang tawag.

"Is it okay with you that they can't come?" tanong ko.

"Wala naman akong nagagawa. Hindi naman nila pwede iwanan ang negosyo tapos masama pa ang panahon do'n. May possibility na e-ca-cancel lahat ng flights,"

"It's your important day,"

"I know. Pero, mas importante ang buhay at kaligtasan ng mga magulang ko. Naiintindihan ko," nakangiting sabi niya.

IAMADW: SAVING MY WIFEWhere stories live. Discover now