Chapter 25: Nervous

127 3 0
                                    

CED'S POV

Hinanda ko na ang itim kong bagpack. Tapos na akong mag-ayos pati sa aking sarili. Nakasuot ako ng black polo na pinarisan ko ng grey pants at black leather shoes. Sinuot ko na ang kulay grey kong coat saka ko sinunod na isinuot ang bagpack. Lumabas na ako sa aking quarter.

Mayamaya sa paglalakad ay narating ko na ang kusina. Pumasok ako sa loob at nadatnan ko ang ilang mga katulong at si Manang.

"Lance? Bakit ang gwapo mo?" tanong ng isang katulong na may bangs at nunal sa gilid ng labi.

"Agree ako riyan, sis! Putcha ang kagwapuhan ni Lance," pagsang-ayon ng isa.

"Lance? Aalis ka na?" tanong ni Manang sa akin.

Sasagot na sana ako ngunit nagsalita na naman ang isang katulong. "Saan ka pupunta, Lance?"

"Sa pupuntahan ko," sagot ko sa kaniya na ikinanguso niya. "Saan 'yon?"

"Sa lugar na kung saan wala kayong dalawa," pabalang kong sagot na ikinahagikhik nila.

'Mga sira,'

"Aalis na ho ako. Hihintayin ko munang dumating si Sir Gilbert para makapagpaalam ako ng maayos sa kanila," sagot ko at tinap lang ni Manang ang kanang balikat ko at ngumiti. "Goodluck," sabi niya at tumango lang ako.

"Magbreakfast ka muna. Ipaghahain ki---" Hindi natapos ni Manang ang sasabihin niya na biglang nagsalita si Feira. Kakarating niya lang sa kusina.

"Sabayan mo ako mag-breakfast, Ced," mabilis niyang turan saka dali-daling naglakad palabas ng kusina. Dumiretso ito sa dining area. Ngumuso lang si Manang na sundan ko si Feira. Ginawa ko naman ito at sinundan siya.

•••

Nandito kaming dalawa sa dining area. Abala ang ilang maids sa paglapag ng mga pagkain. Tahimik lang ako sa aking upuan at hindi umimik.

"Bago ka umalis, kumain ka muna," sabi niya, pagbasag niya sa katahimikan na bumabalot sa amin kanina.

"Kailan dadating si Sir Gilbert?" tanong ko sa kaniya.

"Mga 10:00 am," sagot niya at hindi na ako nagsalita. Kumuha na ako ng pagkain at binuhusan ang sariling tasa ng kape.

Tahimik akong kumakain ng bigla siyang tumikhim at nagsalita. "Mag-iingat k-ka s-sa biyahe," nauutal niyang sabi at nag-aalanganin na tumitig sa akin.

"Salamat," tanging nasambit ko saka sinubo ang toccino.

"K-Kailangan mo ng p-pera?" tanong niya ulit. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ko siya sinagot, "No need."

"Ah, sige," mahinang sambit niya habang tinutusok-tusok ang toccino na nasa plato niya. Nakatulala lang siya ro'n. Binalewala ko lang siya dahil pinipigilan ko ang aking sarili na huwag madala sa aking emosyon. Mahirap 'tong pinapakita ko sa kaniya. Itong pagiging seryoso at pagiging malamig tungo sa kaniya ay tila bang sinasaktan ko siya kaya naiinis ako sa sarili ko.

"Ma'am, nandito na si Sir Gilbert!" pag-anunsyo ng katulong.

Napaangat ang ulo niya at halata sa mukha niya ang gulat. "Akala ko mamayang 10:00 am pa siya darating?"

Kinuha ko ang pinagkainan ko at nagpaalam sa kaniya na pupunta muna ako ng kusina. "Punta muna ako sa kusina. Babalik ako para mag-paalam sa inyo," seryosong sabi ko sa kaniya.

May sasabihin pa sana siya ngunit agad na akong naglakad palabas ng dining.

Nang marating ko ang kusina ay inilapag ko na sa sink ang aking pinggan. Naghugas ako ng kamay bago lumabas.

Nilagpasan ko ang dining area at dali-daling tumakbo papunta sa taas. Mabuti nalang at walang nakakita sa akin. Tinakbo ko ang hallway hanggang sa narating ko ang study office ni Gilbert. Agad kong dinikit ang munting device na kung saan maririnig ko ang mga sasabihin niya. Saang parte ng mansion ay nilagyan ko na.

Nilagyan ko ng device ang ilalim ng mesa niya at pagkatapos ay tumakbo na naman pababa. Sumakit tuloy ang gilid ko. Kagagaling ko lang sa pagkain tapos tumatakbo ako.

Inayos ko ang aking sarili pagkarating ko sa dulo ng hagdan. Dali-dali na naman akong tumakbo papunta sa kusina.

"Lance? Pawis na pawis ka, ah," komento ng isang katulong na may bangs.

"Hot kasi siya. Ehe," pabebeng sabi ng kasama niya.

"Mainit 'tong suot ko," sagot ko sa kanila saka ako lumabas sa backdoor ng kusina.

Mula sa malayo, nakita ko na ang kotse ni Gilbert na minamaneho ni Manong. Nagtago ako sa gilid ng mansion.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng mansion. Mayamaya ay lumabas na si Gilbert na sinalubong naman ni Feira. Niyakap siya ni Gilbert saka hinalikan ang pisngi nito.

Bigla nalang umigting ang aking mga panga kaya nasipa ko ang munting paso na narito. Inakbayan niya si Feira at pumasok na sila sa loob. Nakasunod lang si Manong sa kanila.

Nang makapasok na sila sa loob ay nakayuko akong tumatakbo papunta sa sasakyan at nilagay ang tracking device sa ilalim ng sasakyan. Sinara ko ulit nag aking bagpack at sinuot ito.

Nakita ko si Manong na papalabas na ng mansion kaya mabilis akong tumakbo papalayo ro'n.

"Pota. Nakakapagod!" pagmumura ko.

•••

FEIRA'S POV

"I thought you'll be here at 10:00 am?" tanong ko sa kaniya pagkapasok namin sa loob ng mansion. Inalis niya ang kaniyang kamay sa pagkakaakbay sa akin at hinarap ako.

"Why? You don't want me to come early? I surprised you. Aren't you surprise?" tanong niya sa akin. Matagal akong nakasagot.

"You don't look happy," sabi niya sabay tinignan ng maigi ang mukha ko.

"Ha? N-No. I'm happy that you're here." Niyakap ko siya ng mahigpit ngunit wala na akong nararamdaman ng saya sa kaniya. Hindi na nagiging excite 'tong puso ko sa kaniya.

Humiwalay ako ng pagkakayakap sa kaniya at ngumiti. He suddenly grabbed me closer to him at hinalikan ang labi ko.

Everytime he kiss me, I always feel butterfly inside my stomach. It feels like I'm drowning in happiness. But now, I felt empty.

"I miss you, hon," sabi niya sa akin at tanging ngiti lang ang iginanti ko.

"Nag-breakfast ka na?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa dining. Nakasunod lang ako sa kaniya. "Not yet, hon," sagot niya.

"Nakahanda na ang pagkain diyan, hon," sabi ko at pagkapasok ko sa dining area ay nakita ko siyang nakatayo sa pwesto na kung saan umupo si Ced kanina. Bigla naman akong kinabahan.

"You're eating with someone?" tanong niya sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. Agad akong umiling. "No. I'm eating alone," sabi ko. "Always," dugtong kong sabi.

Hindi na siya umimik pa at umupo na pwesto ko. Kinuha ko ang aking pinggan at nilagyan siya ng malinis. Sa pwesto ni Ced ako nakaupo ngayon, sa gawing kanan niya.

"After this, what do you want to do, hon?" tanong niya.

"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko.

Tumango siya. "Yeah," sagot niya. "You're seem spacing out," komento niya.

"It's weird," dagdag niyang sabi.

"I'm sorry. I'm just n-nervous. Y-Yeah. Nervous," wala sa sarili kong sabi. Napakagat ako sa ibabang labi saka huminga ng malalim.

"Nervous? Why?" tanong niya habang nakatuon ang atensyon niya sa paghiwa ng toccino.

"K-Kasi, ikakasal na tayo b-bukas. I d-don't know. I just feel this way," sabi ko sa kaniya.

"Don't worry. Everything will be fine. It will be," nakangiting sabi niya habang hawak ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. "Ang pangarap mong makasal sa simbahan ay mangyayari na bukas," sabi niya sa akin at ngumiti lang ako.

IAMADW: SAVING MY WIFEWhere stories live. Discover now