Chapter 28: WEDDING OR DEATH?

180 7 0
                                    

FEIRA'S POV

May 14, 2014

Araw na ng kasal ko ngayon. Sabi nila, kapag ikakasal ang babae ay ito na ang pinakamasayang bagay na mangyayari sa buhay niya. Masaya ka dahil ikakasal ka sa taong mahal mo. Sa kaso ko, wala na akong nararamdaman para kay Gilbert.

Ito ang araw na pinakahihintay ko para sa aming dalawa ngunit hindi ako masaya.

I stared myself to the mirror. I forced a smile but I can still see sadness in my eyes. I let out a heavy sigh.

"Ikaw lang ang babaeng ikakasal na malungkot, Ma'am," puna ng babaeng nag-aayos sa akin.

Tinignan ko siya at pilit na ngumiti. "No. I'm happy," pagsisinungaling ko.

"Our words can lie but not our eyes," sabi nito at hindi na akong umimik. Bumalik ako sa pagtitig ng aking sariling repleksyon sa salamin.

Ced said, he wants me to be happy and strong. How should I? He's the one who makes me happy. He's the one who gives me strength. How can I erase this feeling? Paano? Paano ko maibabalik ng buo ang nararamdaman ko para kay Gilbert. Unti-unti na itong nawawala.

'Ced, I'm hoping for you to come. If you do, I have the courage to back out,' I thought.

"You are so beautiful, Ma'am Feira," he complimented. The organizer of my wedding.

"Thank you," sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Seniorita, kailangan na nating umalis," sabi ng driver niya.

Lumabas na sila sa mansion at inalalayan siya sa kaniyang suot na wedding gown.

Pinagbuksan siya ng kaniyang driver ng pinto saka pumasok. Hindi mawala sa mukha niya ang lungkot habang nasa biyahe. Nasa isipan niya pa rin si Ced.

Hindi siya makapaniwala na ikakasal siya sa lalaking unti-unti ng nawawala ang pagmamahal niya at hindi lang sa papel na pinirmahan nila ni Gilbert sapagkat nais niya ring maranasan na ikasal sa simbahan at mangyayari na ito. Pero, hindi siya masaya.

Habang nasa biyahe, bigla nalang may sasakyan na humarang sa dinaraanan nila.

"Ano'ng nangyayari?" tanong ko sa aking driver. Ngunit, wala lamang itong imik.

Bigla lang lumabas ang dalawang lalaki at nilapitan ako. Kinaladkad nila ako palabas sa kotse. Hawak nila ang dalawang braso ko habang ang isang kamay ng lalaki ay may hawak na baril at nakatutok ito sa akin.

"Bitawan niyo ko! Ano ba!" inis kong sabi sa mga lalaki. Nagpupumiglas ako upang makawala ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng mga lalaki sa akin. Pinasok nila ako sa kotse at tinalian ang mga kamay. May nakita akong lalaki sa driver seat. Nilingon ko ito at nagulat nalang ako na si Gilbert ito.

•••••

THIRD PERSON'S POV

"Gilbert? Ano'ng ibig sabihin nito? Ang kasal natin?" tanong nito ngunit 'di lang siya pinansin ni Gilbert. Pinatakbo niya lang ang sasakyan ng mabilis. Puno siya ng kaba, takot at pagtataka. Hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari. Puno ng pagtataka ang kaniyang isipan. Nababalutan na rin ng kaba ang puso niya.

Hinila siya ni Gilbert palabas sa kotse at pumasok sila sa masukal na daanan.

"G-Gilbert? B-bakit mo ginagawa 'to?" iyak niyang tanong sa lalaking minahal niya ng totoo sa mahigit limang taon.

"Kailangan mong mamatay, para sa akin na mapunta ang lahat ng kayamanan mo!" sagot ni Gilbert, bakas sa mukha ang pagkagahaman nito.

"Asawa mo 'ko Gilbert. Ano'ng sa akin ay mapapasayo rin," mangiyak-ngiyak niyang sambit ngunit tila bang wala lang sa kaniya ang sinabi ni Feira.

"Hindi sapat iyon!" bulaslas nito. "Ang gusto ko, akin lahat ang mga kayamanan mo! Kayamanan mo lang ang nais ko! Kayamanan mo lang ang minahal ko!" sabi ni Gilbert na pumunit sa puso at buong pagkatao.

Umiyak lang siya nang umiyak sa mga bagay na narinig niya mula sa lalaki na minahal niya.

"Mahal kita Gilbert. Bakit ka ganyan? Asawa mo ko," iyak niyang sabi habang tumutulo ng mabilis ang mga luha nito.

"Mahal? Ano ang akala mo sa akin, Feira? Tanga?!" Sumigaw ito. "Akala mo ba hindi ko alam na may gusto ka sa Lance na 'yon!"

"Hindi kita asawa! Peke lang ang kasal natin sa Munisipyo. Peke ang papel na iyon. Sa mata ng mga tao, kasal tayo at lahat ng mga kayamanan mo ay mapapasaakin," seryoso at malamig nitong sambit. "Sino ba ang mag-aakala na ako pa mismo ang magliligpit sa 'yo." Napunta ang tingin niya sa baril na hawak nito at kinasa saka tinignan si Feira.

"Hayop ka, Gilbert! Niloko mo lang ako! Minahal kita ng totoo. Bakit mo 'to nagawa sa akin! Bakit?!" bulaslas niya. Bakas sa boses niya ang galit. Natatakot na siya kay Gilbert pero hindi niya ito pinapakita.

"Hindi pa ba sapat ang tinulong ng mga magulang ko sa 'yo? Sa iyong pamilya?" galit niya sabi.

Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito. "Wala akong paki-alam. Ang gusto ko, mapasaakin lahat ng kayamanan mo," seryoso niyang sabi at matalim siyang tinignan.

"Hindi naman nila malalaman na ako ang gumawa nito sa 'yo," ngumisi siya ng nakakakilabot.

Mabilis lang ang pagdaloy ng mga luha ni Feira.

'Ced, tulungan mo 'ko,' sa isip niya.

"Ang sama mo! Ang sama-sama mo! Sinira mo ang mga pangarap ko na maikasal. Sinira mo iyon ng dahil sa pagiging gahaman mo! Mahal kita Gilbert. Minahal kita ng sobrang-sobra na higit pa sa anumang bagay na meron ako!" malakas niyang sabi na halos ikaputok na ng mga ugat sa leeg niya.

"Pasensya na ngunit kayamanan mo lang ang mahal ko. Kailangan mo ng mamatay!" galit na sabi ni Gilbert at itinutok ang baril kay Feira. Kinagat niya ang kamay ni Gilbert para mabitawan ang baril at sinipa ang pagkalalaki nito dahilan para magsisitalon ito sa sakit.

Tumakbo siya nang tumakbo kahit nahihirapan siya sa suot niya.

••••

Samantala, ang mga pulis at si Ced ay nakahanda na sa loob ng gubat. Kanina pa siya hindi mapakali at panay ang pagsilip niya sa kaniyang relo. Nakatago lang siya sa bato, sakto lang na maitago siya at hindi makita. Nakaalerto naman ang mga pulis.

"Narito na sila," sabi niya sa mga pulis nang makita niya ang pulang bilog sa cellphone niya dahil sa tracking device na inilagay niya sa kotse ni Gilbert.

"Sir, hayaan mo na kami na ang kikilos," sabi ni Officer Suames sa kaniya.

"No," pagtanggi niya, "Kailangan ko siyang iligtas." Humingi siya ng malalim. "Ako dapat," dagdag niyang sabi. Binalewala nalang siya ng pulis at bumalik ito sa pwesto.

"Feira, I'm here. I'm going to save you.

IAMADW: SAVING MY WIFEWhere stories live. Discover now