CED'S POV
Nandito na ako sa aking silid. Dumiretso ako rito pagkatapos kung maghugas ng pinggan.
Nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard, malalim ang iniisip.
"Sinabi ko rin na kaibigan kita! Kaibigan! Gusto ko maging kaibigan ka! 'Yan nalang kasi pwede sa ating dalawa!"
Paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan ang sinabi ni Feira sa akin.
Inis akong napahilamos sa aking mukha gamit ang mga palad ko at bumuga ng hangin.
"Kinakabahan ako. Bwesit." Hinimas-himas ko ang aking dibdib. Naisipan kong humiga nalang, nakatitig ang mga mata sa puting kisame.
"Feira, I'm scared. I don't what will happen between us. I think, I've messed up," sabi ko saka pinikit ang mga mata nang marahan.
Bigla na naman pumasok sa aking isipan ang sinabi niya.
'Sinabi ko rin na kaibigan kita! Kaibigan! Gusto ko maging kaibigan ka! 'Yan nalang kasi pwede sa ating dalawa!'
Bigla akong bumangon saka ginulo ang sariling buhok. "Nasisiraan na ako ng bait!"
"Ano ba ang ibig niyang sabihin? Tanging kaibigan nalang ang pwede sa amin? Eh, asawa ko siya." Kinausap ko ang aking sarili. "Pero, bakit mukhang nanghihinayang siya na tanging kaibigan nalang ang pwede sa amin?"
"Is she thinking about us? About me? Not just a friend? May gusto na ba siya sa akin?" Inis kong ginalaw-galaw ang mga paa ko hanggang sa nahulog ang makapal kong kumot.
Niyakap ko ang aking sariling mga tuhod saka tumungo. "Hindi pwede 'to. Baka may nararamdaman na sa akin si Feira. Hindi na niya papakasalan si Gilbert. Baka mag-back out siya sa kasal nila. Hindi pwede. Hindi," mahinang sabi ko sa tumingala sa kisame at ibinagsak ang katawan sa kama.
Humiga ako at tumagilid. Niyakap ko ang aking unan ng mahigpit. "Ano na ang gagawin ko kapag gano'n?"
"Napaka-advance kong mag-isip," sabi ko saka gumulong-gulong sa kama.
•••••
FEIRA'S POV
Kanina ko pa hindi naiintindihan 'tong puso ko. Kanina pa 'to kumakabog ng kakaiba dahil kay Ced.
"Hindi pwede 'to," sabi ko habang pabalik-balik na naglakad, kinakagat ang dulo ng aking hintuturo.
"Hindi. Ano ba ang nangyayari sa akin?" I stopped from pacing back and forth and put my hand to my chest where my heart is.
"Oh? Ang weird," sabi ko habang tinitignan ito.
"I don't understand my heart now. These past few days, parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Lagi nalang sumasagi sa isipan ko si Ced. Kapag nakikita ko siya, agad na nagsisitalon sa tuwa ang puso ko, at sisilay nalang bigla ang ngiti ko. Nagiging masaya ako. Sa kaniyang pag-aalaga sa akin, ang bawat pagtrato niya sa akin; tila bang nararamdam na espesyal ako.
"Hindi kaya...gusto ko na siya?" Agad kong nailagay ang mga kamay ko sa gilid ng aking mga ulo at kaunti napanganga sa bibig. Napasinghap ako. "Hindi pwede! May asawa na ako at may asawa na rin siya," kausap ko sa aking sarili.
"Ano ang nangyayari sa 'yo Feira, ha? Huh?" Pinapalo-palo ko ng mahina ang ulo.
"Sinabi ko rin na kaibigan kita! Kaibigan! Gusto ko maging kaibigan ka! 'Yan nalang kasi pwede sa ating dalawa!"
Napatakip ako sa aking bibig nang biglang pumasok sa aking isipan ang sinabi ko kay Ced kanina. Tumalon ako sa aking kama sabay dumapa. Isinubsob ko ang aking mukha sa unan.
"Kaibigan nalang ang pwede sa ating dalawa. Nalang? Nalang? Para akong nagnanais na mas lamang pa ro'n," I mumbled on my pillow.
Tumingala ako saka umupo sa kama. Tinignan ko ang phone ko sa tabi ng lamp. Kinuha ko ito at tinawagan si Feira.
"Wala lang 'yan, Feira. Namimiss mo lang ang asawa. Mahal mo si Gilbert. Siya lang ang mahal mo at ikakasal na kayo sa simbahan," pagpapaalala ko sa aking sarili saka denial ng number ni Gilbert.
Nakakailang ring na ito at hindi pa rin sumasagot.
Sumimangot ako. "Ano 'to? Hindi man lang ako sinasagot."
Tinawagan ko ulit siya ngunit gano'n parin. Pinapasa lang ako sa voicemail. Nakatitig ako sa aking cellphone.
"Apat na araw nalang, ikakasal na tayo. Wala ka sa tabi ko palagi. Kapag magkasama tayo, trabaho pa rin ang inaatupag mo. Sa mga araw na dapat nasa tabi kita, sa preparasyon ng kasal; wala ka. Ako lahat ang nag-aasikaso," malungkot kong sabi.
"Bakit pakiramdam ko, wala kang pake sa akin, sa kasal natin. Malapit na, Gilbert," mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Kahit na kasama kita, pakiramdam ko; mag-isa pa rin ako. Hindi ko nararamdaman ang pagmamahal mo sa akin ngayon. Bakit bigla ka nalang nagbago." This time, umiyak na ako.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. "Miss na miss na kita, Gilbert," umiiyak kong sabi.
Pinahiran ko ang aking mga luha at tinawagan ulit siya. Nakailang ring lang ito at sinagot na niya ang tawag.
"What?" tanong niya pagkasagot niya sa tawag.
"W-When will you come back?" tanong ko sa kaniya.
"The day of our marriage," sagot niya.
I bit my lower lip as I tried not to let out a sob. "C-Can't you come home t-tommorow?"
My tears escape from my eyes hurriedly.
I heard him sigh. "I'm busy. I'm going to finish this so that the day of our marriage and the next of it, wala na akong gagawin. I'm going to spend time with you," sabi niya.
"May sasabihin ka pa? Ibababa ko na ang tawag,"
Napapikit ako saglit saka nagsalita. "Hindi mo na ako kakamustahin?"
"Why? You're not okay? You sound fine," sabi niya.
'I'm hurt. I'm not fine.'
"When did the last time you said, 'I love you' to me?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik.
"Can you say it to me?" dagdag kong tanong sa kaniya. Hinihintay ko siya na sabihin niya ang mga salitang 'yon pero hindi.
He hung up on me. He ended the call. Pinatay niya ang tawag at do'n naging mas klaro ang lahat sa akin. Hindi na ako mahal ni Gilbert. Napagtanto ko na hindi na niya pala ako mahal. Ako lang 'tong pinapaniwala ang sarili na mahal niya ako. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kaniya. Hindi 'to totoong pagmamahal.
Mabilis na tumutulo ang aking mga luha. Pinipigilan ko ang sarili na huwag na umiyak pero ang sakit-sakit ng puso ko. Paano niya ako nagawan na babaan ng tawag? Gano'n ba kahirap na sabihin 'yon? Madali lang naman sabihin 'yon, pwera kung totoong mahal mo ang isang tao. Kung hindi, hindi 'yon totoong pagmamahal. Hindi mo na siya mahal.
Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa pangungulila ko kay Gilbert na kung kaya ay naguguluhan na ako. He made me realize even more that I was blind because I love him so much that I didn't realize, he doesn't love me anymore. And now that I'm finally woke up, I have realized my true feelings. I'm not in love with Gilbert anymore. I'm having feeling with someone and I know it's true.
Kasi, if you truly love the first, you shouldn't be attracted to someone. You shouldn't feel in love to others. And now, I can say; I'm having feelings with Ced. I'm attracted to him.
The worst part it, I'm falling in love to someone who's married.
YOU ARE READING
IAMADW: SAVING MY WIFE
RandomStory Description: A/n: This is the Book 2 of I ACCIDENTALLY MARRIED A DEAD WOMAN. Read the Book 1 first then this. If the one that you love the most more than your life, leave you. It is the most painful moment in our life that sometimes could make...